A/N:Guys, this is it! :D eto na yung part na sinulat ko and original plot ko. Sana magustuhan niyo.. *cross fingers* Comment puh-lease? Positive or negative, it doesn't matter. Kahit icriticize niyo pa gawa ko, basta po maging honest kayo. And para din ma-improve yung writing skills ko :3 (feeler po, haha). So, here we go..
P.S sorry sa typo and grammatical error xD
-abbie
Jason’s POV:
Nakapagpundar na ako ng sariling bahay at gusto kong maging maganda iyon para pag nagkita kaming muli ni Carla ay may maipagmamalaki na ako sakanya. Nag ikot-ikot ako upang humanap ng isang magaling na Interior Designer nang may nakita akong poster na nakadikit sa may poste. Lumapit ako at binasa ang nakasulat. “Professional Interior Designer. Contact Ms. Chua for more information. 0907*****. Or you may visit her at no.143, chuchu st., Orange City.
Tamang tama, malapit lang ang Orange City dito sa may Magenta. Pupuntahan ko siya pag may free time na ako. Kinuha ko na din yung number niya in case na tamarin akong pumunta :D
Cristine’s POV:
O bakit nakataas kilay mo? Ano ngayon kung may POV ako dito sa story na ‘to, huh?! Wala kang magagawa *evil laugh* Anyways, let’s proceed to what I’m gonna say.
Nakita ko si Jason na naglalakad lakad, malalim ang iniisip. Kaya sinundan ko siya. Narinig kong kinakausap niya yung sarili niya, at nalaman kong naghahanap siya ng Interior Designer para pagandahin ang bahay niya. At nagkaroon ako ng bright idea*insert-light-bulb-shit-here-for-that-so-called-bright-idea* bwahahaha >:D ang talino ko talaga! Tignan lang natin kung di pa eepekto ang alindog ko sakanya :D (A/N: Shit words, peaceawt kenGie ya! :3 )
Flashback:
After niya akong ipahiya sa may cafeteria 5 years ago, may lumapit sa aking isang grupo ng mga lalaki, mga 5 sila. Dinala nila ako sa may garden sa likod ng Santan Building para maging private ang aming pag-uusapan. Nalaman kong may gusto pala yung pinaka-leader kay Carla, at boto daw siya sa amin ni Jason. At dahil doon, napagkasunduan naming ithreaten si Jason at turuan ng leksyon dahil sa pagkapahiya ko. Pero papalabasin namin na ako ang tutulong kay Jason pagkatapos nilang bugbugin, at yung leader naman ng grupo nila ang magco-comfort kay Carla. Pero isang MALAKING kapalpakan ang nangyari. Dahil hindi pumasok nung araw na yun si Carla, at naunahan ako ng ibang estudyante na malapitan at maidala si Jason sa hospital. %&*$# yung mga ungas na yun , sabi nila tuturuan lang ng leksyon. E halos patayin na nila si Jason! Wala naman sa usapan yun e. Buti nalang naagapan agad.
End of Flashback
Oo, tama ka. Tama ang hinala mo na involve ako sa nangyari kay Jason. Pero teka lang! Hindi kasama sa plano na ganun ang gagawin nila. At dahil mabait ako, (WAG KA NG MAG-REACT) sinuplong ko sila sa Principal’s Office. Siyempre umamin akong kasama nila ako, at na-kick out kami. Kaya napilitan akong mag-aral sa ibang bansa bilang punishment sa ginawa ko. At hindi ko na alam kung ano ang nangyari sa limang ungas na yun.
Jason’s POV:
Hanggang ngayon hindi ko pa din napuputahan yung Interior Designer. Di bale, ittext ko nalang.
/Hi, goodmorning Ms.Chua.I’m looking for an Interior Designer to fix my house and I believe that it would be so beautiful if you’re the one to hire. You free later? Let’s have dinner at “Kahit Saan Bar and Restaurant”./ And..sent! Ok, clear na ang schedule ko for this day, confirmation na lang ni miss Chua ang kulang.