Prefatory

12 0 0
                                    

Natatandaan ko pag kung kailan at kung saan kami nagkakilala. At sa hindi inaasahan pang okasiyon.


April 27 nang pumunta kami sa aking mga pinsan para makilamay sa pagkamatay ng kanilang lola.

"Ang daming tao." Bulong ko sa sarili. As in madami kasi talaga. Mayaman ang pamilya nila. Ang pamilyang Herandez. Apelyido ito ng kanilang lolo na asawa ng namatay nilang lola. Nagmamay-ari sila ng malaking taniman. Mayroon din sila mga malalaking negosyo. At iyon ang hindi ko na alam.

"Uy pasok kayo." Sabi ng tito ko. Daddy ng mga pinsan ko na anak ng mga Hernandez.

Malamya kaming tumango. Kahit ayoko man, napilitan akong magsuot lang ng puting tshirt dahil iyon daw ang nararapat sa pupuntahan naming okasiyon. Buti nga at napapayag ko pa si mommy na sshorts nalang ang susuotin ko.At idadag mo pa ang lagiging sobrang conservative nila.

Pagkapasok sa loob agad kaming sinalubong ng aking mga pinsan.

"Oyy!" Masayang bati ni Jett. Ang panganay na anak. Ang kaniyang nanay ay siya namang kapatid ni Daddy.

Nakipagbatian kami ng tatlo. Mga kapatid ko. Sa aming tatlo ako ang bunso. Si kuya Stan ay 17, grade 12 sa pasukan. Si ate Risse ay 16, grade 11 sa pasukan.

Kasama namin si Mommy na dumating lang noong Marso. OFW siya sa Abu Dhabi. At kung tatanungin niyo kung nasaan si daddy. Wala na siya. Apat na taong gulang palang ako noong namatay siya sa lung cancer. Mahirap pero kailangan tanggapin.

Nagkakatuwaan kaming magpipinsan na parang walang nangyari. Apat na magkakapatid ang mga pinsan kong ito. Si Jett, Natts, Cristan, Cristel. Si Jett na 14, si Natts na 13 si Cristan na 9, at si Cristel na pinakanag-iisang babae. Anim na taong gulang lang siya.

Nakaupo kami sa kanilang sala. Nagkakamustahan. Nagbibiruan. Ganyan kami lagi. Hindi mo mapaghihiwalay pagnagkasama-sama.
"Uy ichat niyo naman si Kurt. Kawawa dun." Sabi ni ate.

Si Kurt ay anak ng kapatid ni daddy na babae si tita Risha. Siya ang pinakapaborito naming tita. At idadag pa na inang ko siya. Mahilig siya sa damit at nangongolekta rin ng mga pabango. Ang sabi nga ay kami ang magkakasundo sa bagay na 'to.

Si Kurt ay madalang naming kasama dahil sa New Zealand na sila nakatira pero kahit ganoon walang nagbabago saamin. Kasama nila ang isa ko pang tita  na si Tita Chans sa NZ, mayroon din siyang anak na si Hans, isang taong gulang palang.

Kaedad din ni  Natts si Kurt. Wala siya ngayon dito dahil nagpatuli. Alam niya kakantyawan lang siya ng mga pinsan pagpunta siya dito ng nakasaya pa.

Nagtatawanan kami ng biglang pumasok si tita Risha kasama si Nicole na pinsan nila Jett. Kilala ko siya dahil dati na siyang pumupunta dito. Nakatuon ang pansin ko kay Nicole na may kargang bata na pinsan niya ata o kapatid. Hindi ko na napansin kung sino pa ang pumasok sa sala.

Nagising ako sa aking mga iniisip ng magsalita si tita Risha. "... ito si ate Zarhi." Pakilala niya saakin. Ngumiti ako ng hindi tinitignan ang lalaking pinapakilala ni tita Risha. Hindi ko na nga narin narinig ang pangalan niya. "Si ate Risse at si kuya Stan." Nagtataka akong nag-angat ng tingin dahil sa pagkakaalam ko parang may kalakihan itong lalaki pero bakit ate Zarhi? Ang bata ko pa para sa kaniya ah? Nag-angat ako ng tingin sa lalaking nasa harapan namin ngayon. "Ilan taon kana ate Risse?" Tanong ni tita.

"16 po." Sagot ni ate.

"Ikaw B....s?" Hindi ko naintindihan ang pangalan niya. Ang bilis kasing bigkasin ni tita.

Tumingin ako kay Blakes? Brakes? Basta. At halos hindi ako makahinga ng magtama ang mata namin. Matangkad, hindi maputi at hindi rin maitim, perpekto ang kaniyang napakatangos na ilong, itim na semi shave na buhok, may piercing din siya sa kanan na tenga. At ngayon lang ako nakakita ng may piercing na hindi mukang adik! Ang lakas ng dating niya sa kanyang itim na vneck tshirt shorts at vans na itim. Sa tantya ko ay mas matangkad siya saakin. Kung 5'5 ako ay tingin ko 5'8 siya.

Nakatingin lang ako sa kaniya sa buong oras na narito siya sa harapan namin. Nalaman ko rin na pinasan siya nila Jett at kapatid ni Nicole.

Sa mga normal na araw. Nanglalait sigiro ako ngayon ng mga jejemon na lalaki. Hindi ko man aminin perk ganun ako. Nakikita ko lahat ng mali mula sa pananamit at itsura ng bawat tao. At pinakaayaw ko sa panahon ngayon ay ang mga maaarteng teenager na kay bata bata may boyfriend na at puro iyon ang inaatupag. Ayoko sa jejemon! Iyan ang tingin ko sa mga tao ngayon.

Alam kong masamang laitin ang isang tao sa pisikal niyang kaanyuan pero hindi ko na iyon problema dahil likas na ata sa akin ang ganoon. Laging nakatuon sa panonood ng isang korean group na BTS ang atensiyon ko. Wala akong oras para lumandi lalo na kung dito sa Pinas. E puro walang fashion ang mga nandito. Sorry pero ganyan talaga ang pananaw ko.

Pero iba si (Blakes? Brakes?) hindi siya jejemon manamit. At tingin ko pinagsisisihan ko na ang sinabi ko kaya ate na "Kahit kelan hindi ako magkakacrush dito sa Pilipinas! Mana pa sa Korea at U.S!" Yan ang lagi kong sinasabi.

Pero hindi ako ang uri ng isang tao na handang makipag-away kahit saan. Hindi ako ganoon kapalengkera para gawin yun. Nilalait ko sila perk sa isip lang. At kung may makikita ako na sobra na talaga, ipipikit ko nalang ang mata ko ng hindi ko na makita at baka malait ko pa.

Oo, lagi akong nakabihis ng magagandang damit. Anong magagawa? Hobby ko na ata iyon. Pero ngayong araw, kung saan pa ako nakakita ng maayos na lalaki tsaka ako hindi nakapahanda? Nakakahiya! Ayoko pa naman ang bihis ko ngayon.

Ugh! I hate this!

----------------------------------------------

Read. Vote. Comment. Thanks.

Because Of HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon