BOH 2

7 1 3
                                    


Mabilis na nagdaan ang mga araw. Natapos ang summer na lagi kaming nasa mga lola ko. At simula noon, hindi ko na ulit na kita si Bricks.

Last week na ng enrollan ng sipagin akong mag-enroll kasama ang iilan kong mga kaklase.

Napagpastahan naming magkita-kita sa plaza malapit sa school.

"Uy! Nasaan na si Jaye?" Patungkol ko sa isa ko pang kaibigang babae.

"Ay aba ewan ko! Chinat lang nya ko na magkikuta kami dito ngayon e. Di ko nga alam na kasama ka!" Sabi ng kaibigan kong binabae, si Cristine, dating Christian. Matalino di yan. Pang-thrid noong nakaraang taon. Si Jaye ang pang-second.

"Ahay. Feeling ko hindi talaga pupunta si Jaye e." Tugon ko kay Cristine.

"Oy bakla? Ayun pala si Maxinne oh!" Turo nya sa isa naming kaklaseng papunta dito ngayon.

"Kasama ka pala Maxinne?" Tanong ko sa kaniya ng makalapit.

"Oo. Chinat ako ni Jaye e. Ngayon daw kami mag-eenroll. Pero di daw sya makakapunta. Ang gulo nga e." Sabi nya sabay kamot sa batok.

"Tayo nalang tatlo yung mag-enroll." Yaya ko sa kanila.

"Oh sige sige. Hayop na Jaye na yon! Patay sya sakin sa pasukan!" Naiinis na sabi ni Cristine.

Malapit ang ang aming nilakad mula sa plaza hanggang sa campus. Nagdadal-dalan naman kami ni Maxinne havbang naglalakad. Si Cristine naman ay wala pake at nakabilis mag-lakad!

Nang nakarating kami ay laking ginhawa ko ng makitang wala ng masyadong pila. Salamat.

"Uy. Di ko alam mag-enroll ah? Susundan ko lang kayo." Sabi ko sabay tawa.

Tumango-tango naman sila at nagsimulang pumila at magpapirma. Hindi ko talaga alam yun e. Nakikigaya lang ako. Seriously.

Makalipas ang kalahating oras ay naglalakad na kami papuntang faculty. Kukunin na ata yung card. Ewan ko ba. Ang dami naming nagawa pero wala akong maintindihan! Fill-up dito, fill-up doon!

Nakuha na namin ang card namin. Syempre, kontento na ako sa laman non.

Papalabas na kami ng faculty ng tawagin kami ng teacher namin noong nakaraang taon sa tle. Si Mrs. Yago. Nakakainis yan. Sarap tirisin ng malaking nunal sa muka e.

"Christian, pede bang pakibili naman ako ng mani doon sa labas?" Mahinahin pa nyang pakiusap kay Cristine.

"Sige ma'am! Magkano po ba?" At ayan si Crisitine ng dahil sa kasipsipan sa mga teacher di nya alam inuuto na sya. Hay nako!

"Samahan nyo ako aba!" Sabi nya sa amin ni Maxinne ng makalabas na ng faculty pa papalabas ng ng campus.

"Aba, e sino ppa naman kasing magsabing magpa-uto ka sa teacher na yun? Kung ako sayo hindi ko yun susundin e." Umiiling na sabi ko pero sinamahan pa rin namin sya ni Maxinne. Baka kasi umiyak e.

"Saan ba bibili? Wala naman nagtitinda dito sa labas ah?" Tanong ni Maxinne.

"Tangek! Sa plaza ho!" Sagot ni Christian.

E gago naman pala yung teacher ba yun e. Sya kaya yung utusan ko at pabilin ng sampung pisong mani sa plaza? Aba! Medyo malayo din yun ah?

"Hayaan mo na. Mag-miryenda na din tayo. Nagugustom na ko e. May tindahan kami dyan ng shake. Mura lang." pag-iindorso pa ni Maxinne. Pagbigyan. Mautak talaga e.

"Oo. Sige na." Pagsang-ayon ko na lang.

Bumili muna kami mg mani bago dumiretso sa pwestk nila Maxinne.

"Kaya lang baka hindi ako kilala ng nagtitinda ngayon e. Baka yung lalaki yung nandyan." Sabi ni Maxinne.

"Hayaan mo na." Sabi ko. Nakakapagod ng magsalita! Ang bilis nyang magsalita e. Kadaldal pa. Hay nako.

Pagkarating doon ay tama nga ang sinabi ni Maxinne, hindi nga sya kilala ng nagtitinda doon.

Umorder kami ng medium shake. Si Cristine ay small lang. Wala daw sya money.

"Oy penge nga." Sabi ko kay chanie tsaka dumukot ng ilang pieaso sa mani ni Yagong nunal.

"Hoy! Kay ma'an yan!" Pigil nya pero huli na ang lahat dahil nasubo ko na sa aking bibig.

"Bahala sya. Pake ko ba? Sya na nga lang nag-uutos e."

"Oo nga. Penge nga din." Sang-ayon ni Maxinne sabay kuha din sa mani.

"Hoyyyy! Lagot kayo. Ano ba?" Iniwas pa ni Cristine ang lalagyan ng mani pero wala na. Nakakuha na ulit kami.

"Mamaya na tayo bumalik dun. Hayaan mo syang mag-intay. Kalahatiin muna natin 'tong shake. Nakaka-haggard kaya ang mag-lakad." Sabi ko sabay upo sa may lamesa doon at tumapat sa nag-iisang electric fan na pinag-uupuan ni kuyang nagtitinda kanina. Ayon. Syado makatingin. Sya eka dito. Di ko sya pinansin at ayun, sa sobrang inis nagwalk-out ata at iniwan yung tindahan na binabantayan nya.

"Hoy Maxinne! Ano ba yang mga tindero nyo." Sabi ko sabay halakhak.

"Hayaan mo sya." Sabi ni Maxinne habang patuloy na tumatawa.

"Tara na nga. Okay na." Nakangisi kong sabi at tumayo na.

Nauna na naman si Cristine sa paglalakad. Ang bilis. Ang nangyari ay naiwan na naman kami ni Maxinne dito sa likod nya habang nagdadaldalan.

Naisipan kong sabihin sa kaniya ang tungkol kay Bricks. Madami 'tong kakilala e. Baka kilala nya si Bricks.

"Maxinne kilala mo ba si Bricks?-" naputol ako sa pagtatanong.

"Ay Bricks Vasquez ba? Oo! Kilala ko yan!" Mabilis nyang sabi. O diba. Chismosa 'to e.

"Talaga ba? Pano mo nakilala?" Gulat pa ring tanong ko.

"Ex kasi yan ng pinsan ko!" Sabi nya at doon gumuho ang mundo ko.

Napatigil ako sa ppaglalakad. "T-talaga? Pinsan mo yun? Yung may mahabang buhok na cover ni Bricks?" Naniniguro pa ring tanong ko.

"Oo nga! Mamaya punta tayo sa computer shop papakita ko sya sayo. Si Bricks Vasquez diba? Sa Holy yun nag-aaral!" Dagdag pa nya.

Shit. Tama nga sya.

"Uy sino yun? Anong pangalan?" Sabat ni Cristine na hindi ko alam na bumalik pala sa amin. Kanina lang napakabilis maglakad. Pero paglalaki na talaga ang usapan, alam na.

"Wala! Wala! Dun ka na nga." Pagtataboy ko sa kaniya. Sumimangot naman sya pero nagsimula na ring maglakad.

"Talaga ba? Sa Holy din ba nag-aaral yung pinsan mo? Anong grade na?" Tanong ko at nagsimula na ding maglakad kahit mahirap. Oy hindi ako pilay ah?

"Hindi! Hindi! Sa CIC sya. Grade 12 na sya this year. Mas matanda sya kay Bricks ng isang taon."

CIC? Doon nag-aaral si Kuya Stan ah? What?! Napakaliit naman ng mundo.

"Ganon ba?" Tanong ko.

"Oo kaya lang break na sila noong April 3 ata. Kaya nga iniinis ko e." Sabi nya sabay tawa. "Ang gwapo nya hano?" Tumango naman ako. "Bakit ano mo ba yun?" Tanong nya.

"Crush ko sya e." Sabi ko.

----------------------------------------------

Read. Vote. Comment. Thanks.

A/N: Undited yan, wag ka. Ngayon ko lang tinype yan! Hahaha! Madaming typos yan. Byeee!

Because Of HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon