*Whats My Secret?*
"DANE WAKE UP! ITS A BRAND NEW DAY AND MALAYO PA ANG ATING LALAKBAYIN KAYA GUMISING KANA!" sabay alog sa akin. Kaya kinuha ko ang kumot ko at agad na nag talukbong.
Its too early to wake up.
"Dad mamaya na, ang aga pa eh!"
"ANONG DADDY KA DIYAN! IM ZOE, IM NOT YOUR DAD KAYA GUMISING KANA!" What?!
Agad na napaupo ako sa kama, hindi pala panaginip yung nangyare na napunta ako sa isang paraiso este school na mukhang paraiso sa ganda?
"Hindi ba ako na nanaginip? Sampalin mo nga ako!" Agad kong inalok ang aking mukha kaya tinapunan ako nito ng unan.
"Aray naman! Di ka naman mabiro Zoe noh?"
"Baliw! Bumangon ka na nga diyan at kumain na. Remember itotour pa kita sa academy." Oo nga pala , itotour niya pa ako at kailangan daw naming maging maaga kasi malaki daw yung academy.
Ano kayang itsura ng academy sa umaga? I bet sobrang ganda nito.
"Hoy! Bumangon ka na!" Sabay tapon nito ulit sa akin ng unan at buti nalang naka ilag ako.
Psh! nagiimagine pa ako eh.
Ang brutal naman pala ng Zoe na to.
Bumangon na ako at naligo. Pagkatapos naming mag handa ay agad na kaming lumabas sa room namin.
May pagka childish talaga itong si Zoe . Nakakatuwa siya kase mas mukha pa siyang excited kesa sa akin. Kaya pala maaga akong ginising neto kasi sobrang excited .
"Woah! Ba't ang ganda ng lugar na to?" Nakaka mangha talaga itong academy na ito. Sobrang ganda. Tama nga ako mas maganda pa ito kung umaga kesa sa gabi.
"Ganyan rin ang reaksiyon ko nung kakatransfer ko palang rito." Nalipat ang tingin ko kay Zoe nakangiti ito pero bakit salungat ang sinasabi ng kanyang mga mata? I can see sadness in her eyes.
Maybe she have some problems? Binalewala ko na lamang ang aking iniisip at nag enjoy nalang sa tour namin.
Sobrang saya and totally napaka ganda ng school na ito. This academy is so perfect halos wala akong makitang pangit or mali sa mga facilities at buildings nila. Pero ok rin kaya yung mga estudyante sa school na to?
Normal na estudyante rin kaya yung mga nag-aaral rito?Would they treat me as a normal student too?
"Halika kumain muna tayo sa cafeteria." Pag aaya sa akin ni Zoe pagkatapos naming mag tour sa academy at agad naman akong tumango.
Tama nga si Zoe sobrang laki ng academy. Marami na ring estudyante na pumapasyal. Parang normal rin naman sila na estudyante yung iba nag kukwentuhan, yung iba naman hinahanap na yung rooms.
"Mas marami pa palang nag enroll this year. Sana naman maka survive sila rito." Mahinang bulong ni Zoe pero narinig ko parin ito. Katulad kanina malungkot ang mga mata niya.
"Zoe may problema ka ba? Kung meron wag kang mahiyang sabihin yun sa akin ok?." Nginitian ko siya upang sumaya na siya. Hindi ako nasasanay na ganayan si Zoe.
"Ano kaba ok lang ako!" Bumalik na sa dati yung mood niya.
"Sure ka ba? Kasi parang malungkot ka kanina eh and maka survive saan?"
BINABASA MO ANG
Laxus Academy
Mystery / ThrillerLaxus Academy. An academy that as beautiful as a paradise .Luxurious, big and beautiful. Every student dream to go here. Students with angelic faces,intelligent minds and richest family. Those student who make the academy more special. But what if...