*Trash*
*Danes POV*
Papunta ako ngayon sa aming classroom. As always naka yuko akong nag lalakad sa hallway. Hindi ako pinapansin ng mga taong madadaanan ko, for them I don't exist well that's better mas gusto ko na rin naman yun at isa pa sanay naman ako .Ganon naman ang laging nangyayari sa tuwing lumilipat ako ng school, nag kakaroon lang naman ako ng silbi if na boboring sila at ako ang pinag kakatuwaan. Wala na akong magagawa,im just a toy for the--
Napatigil ako sa pag lalakad ng harangan ako nina Kia and her friends? I think .
"Oh! Hi sweetie girl!" Bungad sa akin ni Kia na akala mo naman nanalo sa lotto sa lawak ng ngiti.
Kia is one of the queen in our school. Kasama niya ang mga kaibigan niyang tulad rin niya you know pakikay at paganda lang ang alam, at isa pa sa tingin ko kaibigan lang naman siya ng mga 'yan kasi sikat siya sa school hayy mga famewhore nga naman. How poor .
Di ko siya pinansin at aakmang aalis nalang sana. Dahil gulo na naman to pag sakaling pinansin at mananatili pa ako sa harapan nila. Nakakailang na rin yung mga tingin nilang parang nandidiri sa isang basura.
FYI! Dane yan naman talaga ang tingin nila sayo ano pang bago doon? You're just a TRASH for them.
Ipag papatuloy ko na sana ang aking paglalakad ng hawakan ako ng isa sa mga kaibigan niya at itulak pabalik na siyang dahilan upang mapaupo ako sa sahig.
Ang sakit sa pwet ha! ╥﹏╥
Nagtawanan naman sila dahil sa kanilang nakita.
Bakit ba kasi ang hina ko? Bakit kasi di ko man lang maipaglaban ang sarili ko sa kanila?
"OMG! Im sorry." Maarteng sabi pa nito na parang nanghihingi talaga ng tawad at naki sabay sa kanilang masayang pagpaparty sa harapan ko.
Kung hindi ako nagkakamali siya si Lanie yung dati nilang binubully na siyang naging sunud sunuran na ni Kia ngayon.
Ano naman bang palabas ang gagawin ng mga to?
Hinila ni Kia ang buhok ko dahilan upang mapatingin ako sa kanya. Kulang nalang bunutin niya pati anit ko.
"Well gusto namin mag egg party ngayon trash at ikaw ang bida." Ngumisi ito.
Binitawan niya ang buhok ko at sinenyasan ang dalawang kasama nito.
Tinulungan nila akong tumayo, actually parang di naman tulong yun kung maka hila kasi akala mo may balak silang tanggalin yung kamay ko.
Dinala nila ako sa open field ng school kung nasaan nakakumpol yung ibang mga estudyanteng may hawak na mga itlog. Pinag planuhan talaga nila ito ha.
Pinaupo nila ako sa upuan na nakalagay sa gitna ng open field. Ginapusan nila ako at siniguradong hindi ako makakatakas.
Wala naman akong planong tumakas eh, kung may plano ako edi sana kanina ko pa ginawa. So useless lang yung pag tali nila sa akin .
"Kung ako sayo umalis kana sa school na to kung ayaw mong tuluyan ka nilang mapatay. Nangigigil sila sa basurang gaya mo kaya hindi imposibleng gawin nila yun sayo." Babala sa akin ni Lanie habang tinatali ako.
Nagtatakang tinignan ko ito. Nginitian ako nito at chineck kung mahigpit ba ang pagkakatali nito sa akin.
There's only one thing i can see , nag-aalala siya para sakin?
Nginitian ko nalang siya pabalik telling her that I will be okay.
"Im sorry." Bulong pa nito sa akin at agad na umalis.
Pinagmasdan ko lamang ito at mapait na ngumiti. Masaya ako na sa kabila ng pagtrato nila sa akin ay may naging kaibigan parin naman ako at yun ay si Lanie . Oo naging kaibigan ko si Lanie ,mag kasama kami ni Lanie dati bago pa siya mapunta kay Kia at masaya ako na kaibigan parin ang turing niya sa akin.
Ngayon nakaharap ako sa mga taong excited at sayang saya sa kanilang gagawin. Mga taong hindi ko naman ginawan ng masama upang ganituhin ako.
"Are you ready guys?!" Excited na tanong ni Kia habang naka harap sa mga estuyanteng may kanya kanyang dala na itlog.
Agad namang humiyaw ang mga ito at nag sigawan bilang tugon sa tanong ni Kia.
Well thank you guys for being my fan.
Natawa nalang ako sa iniisip ko ngayon imbis na kabahan ako sa posibleng magyari ay iba iba pa ang naiisip ko.
"So lets fire!" Hudyat ni Kia at agad na tinapunan ako ng itlog ilang metro lamang ang layo sa akin.
Tinamaan ako nito sa kamay at agad na sunod sunod ang pag tapon ng itlog sa akin ng taong nasa harapan ko.
Hindi ko alam pero nakangiti lamang ako habang pinagmamasdan ang sunod sunod na patilapon ng itlog sa akin. Baliw na ata ako.
Hindi ko nalang iniinda ang sakit kapag nasusugatan ako ng mga ito.
Nakangiti ako siguro kasi napapasaya ko sila sa ganitong paraan?. Na kahit nasasaktan at nahihirapan ako ay may napapasaya parin naman ako. Na may silbi naman yung sakit at sakripisyo na nararamdaman ko kasi may napapasaya akong tao.
Napapikit ako nang may tumamang bato sa ulo ko na sanhi ng pagkasugat nito. Naramdaman ko ang pulang likido na imaagos sa sugat ko.
Kulang nalang umiyak ako sa sakit. Naghalo na ang itlog at dugo na nakabalot sa aking katawan.
Puno na rin ng ito ng galos at sugat na galing sa shell ng itlog na siyang nababasag pag tinatapon ito sa akin.
Naaawa ako sa sarili ko ngayon, kung bakit kasi ang hina ko. Hindi ko man lang kayang ipagtanggol ang aking sarili at isa lang ang alam ko ngayon.
Kind and weak persons doesn't have a place in this world.
Kung meron man yun ay ang pagiging isang basura na gaya ko.
Masakit tanggapin pero yun ang totoo.
Ipinilit kong imuklat ang aking mata ngunit biglang nanlabo ang aking paningin.
Patuloy parin ang pagtapon nila sa akin ng itlog at ang iba naman ay bato. Naubusan na yata sila ng itlog na ipangtatapon sa akin kaya bato nalang , sabagay mas masakit tama nun kesa sa itlog.
Wala na akong maramdaman ngayon namanhid na yata ang aking katawan ang alam ko lang gusto ko ng matulog at mamahinga sa mga nangyayare . Napapagod rin naman ako, tao rin naman ako.
Isang buntong hininga ang pinakawala ko.
"Salamat " yan na lamang tanging lumabas sa aking bibig .Tuluyan nang nagdilim ang paligid.
I hope tomorrow everything will be fine.
~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~
ITUTULOY KO 'TO KAHIT WALANG MAG BASA,
➡A.C
BINABASA MO ANG
Laxus Academy
Gizem / GerilimLaxus Academy. An academy that as beautiful as a paradise .Luxurious, big and beautiful. Every student dream to go here. Students with angelic faces,intelligent minds and richest family. Those student who make the academy more special. But what if...