LUX 4

5 0 0
                                    


*Meeting Them*

Maaga akong nagising maybe kasi kinakabahan lang ako dahil first day of school sa academy.Yeah literally dapat maeexcite ako pero dahil sa nangyare sa akin dati normal lang sa akon ang kabahan.

May bago naman akong makikilala.Hindi ko alam kung magiging mabuti ba sila sa akin o hindi.

"Diba sinabi ko naman sayo na wag kang kabahan kasi nandito lang ako, ako ang bahala sayo. Trust me!" proud na sabi ni Zoe sabay taas baba pa ng dalawang kilay nito.

"Salamat"  nginitian ko nalang siya para ipahalata na hindi ako kinakabahan.

Kinakabahan parin ako kahit nandyan na si Zoe dagdag pressure pa yung Zack na yun. Argh! Takutin ba naman kasi ako.

Habang si Zoe naman sobrang lawak ng ngiti kanina pa yan nagtatalon with pakanta kanta pa minsan.

Kakagising ko palang kanina habang si Zoe eh nakaligo na. Hindi naman halatang excited siyang pumasok no?

"Halika na! Malelate na tayo! Excited pa naman akong pumasok ngayon!" hila sa akin ni Zoe palabas ng dorm.

Anong malelate eh 7:15 palang tapos 8 pa yung klase namin.

Habang naglalakad kami yung ibang mga estudyante ay nakatingin sa amin. Tumingin ako sa likod.

Wala namang artista sa likod namin ah. Maka tingin tong mga to wagas.

"Masanay ka na, ganyan talaga basta napabilang ka sa section natin and specially pag kasama mo ang isang magandang dilag na katulad ko." Taas noo with flip of hair pa si Zoe.

"Lakas ng hangin natin ah"

"Im just telling the truth." Sabay irap sa akin habang naka cross pa ng arms nito.



"Napapansin ko lang ,bakit iba yung uniform natin sa kanila?" Iba kasi yung kulay ng uniform namin.

Yung skirt ng mga nadadaanan namin si dark blue while kami naman ay black pati yung necktie namin iba rin ang kulay.

"Simply because we're in the Lux Section, short term for luxury"  tumango tango nalang ako kahit medyo hindi ko naintindihan yung sinabi niya.

"Malapit na yung room natin, hayy makikita ko naman yung makukulit kong mga kaibigan" bumalik yung kaba ko dahil sa sinabi ni Zoe. Bakit niya pa kasi sinabi yun,yan tuloy kinakabahan na naman ako.

This is  it pancit! Kailangan ko silang harapin. I really hope that they're kind.

Mas malaki yung room namin kesa sa ibang rooms at mas maganda rin ito.

Pag pasok palang namin ay agad silang nagtinginan sa amin, actually sa akin lang. Hinga ng malalim Dane mababait naman sila eh. Tiwala lang.

Naunang pumasok si Zoe sa classroom namin. Ako naman naka sunod lang sa likuran nito. Para tuloy akong bata na nagtatago sa likuran niya.

"Bagong kaklase?" tanong ng babaeng kaharap ko ngayon, nakataas ang kilay naka cross arm ito.

Maganda siya, maputi at matangkad. Mas matangkad siya sa akin ng konte. Mukha nga lang masungit.

Maybe another Kia to my life.

"Yea--"

"Hi Im Mayumi, Yumi nalang for short ang ganda mo pero mas maganda parin ako! Haha let's be friends! Marami akong ikekwento sayo! Welcome ka sa section namin!" Nakangiting bati nito habang walang sawang shinishake yung kamay ko gamit ang dalawa nitong kamay.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 10, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Laxus AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon