Part 27

9.6K 198 1
                                    



Yumi's POV

Pagkatapos naming mag stambay sa kuwarto. Natulog muna si Lori dahil pagod siya sa kakashopping. Nauna akong lumabas para makapagluto na sana ng hapunan namin. Pero hindi na pala kailangan dahil nagluluto na si Mamita.

"Mi." I said at lumapit sa kanya.

"Oh, ikaw pala, Yumi. Asan ang nobya mo?" Tanong niya na hindi man lang lumilingon sakin.

Napanguso ako. "Bakit siya yung hinahanap mo, mi?" Tanong ko pabalik. "Nasa kuwarto ko po, nagpapapahinga." Sagot ko sa tanong niya.

"Kumain na ba siya?"

Mas lalo akong napanguso sa sinabi niya. Hello~ nandito ako, ang unica ijang apo niya!!

"Opo. Kanina pong umalis kami." Sabi ko habang tinutulungan siyang mag hiwa ng sibuyas. Adobong isda yata yung ginagawa niya.

"Nag enjoy ba siya dito? Baka binored mo siya ah." May pagdududang sabi niya sakin.

"Mi, sinabi niya na po sakin na nag enjoy siya. At syempre naman po hindi ko siya papabayaang mabored dito dahil first time niya lang po sa probinsiya."

She nodded. "Okay."

Uh, ako, hindi niay tatanungin? "Mi, hindi mo ko tatanungin kung kamusta na ako?" Tanong ko.

"Osige, kamusta ka na apo?" Nakangiti niyang tanong sakin kaya ngumit ako pabalik.

"Mabuti naman po mamita, alam mo ba doon sa tinutuluyan kong cond—" she cut me off.

"Ikaw naman apo, tinanong ko lang kung kamusta ka na pero yung isnagot mo ang haba!" Sabi niya. "Pero ituloy mo lang yang pagkukuwento mo habang nagluluto ako. Alam ko namang namiss mo yung mamita mo eh." Tapos kumindat pa sakin.

Natawa nalang ako at tinuloy ang pagkukuwento habang sinasamahan siyang magluto.

"Mare!" Natigil ang pagluluto ni mamita nang may lumapit sa kanya na kasing edad niya.

Nag beso beso muna sila.

"Oh mare, naparito ka?" Tanong ni mamita sa kumare niya.

"Ay nako, yung anak ko humihingi ng pambayad ng project niya ngayon—" hay nako, parang alam ko na ito eh, ganito yung mga galawan nila eh, ganitong ganito yung style nila eh. "— kaso wala akong maibigay sa kanya kasi gipit na gipit ako ngayon, mare—" alam na alam ko na yung susunod na sasabihin niyan.

"— pautang naman oh." See?

Hindi ko kilala itong si manang at alam kong bago lang sila dito. Halos lahat kaya ng nandito sa barangay namin kilala ko at kilala ako.

Lumingon si ale sakin. "Ang ganda naman nito, mare!" Sabi niya at hahawakan na sana ang mukha ko nang inilayo ko ito.

I know it's rude people, but I don't know her!

"Pasensya ka na, mare. Apo ko nga pala yan," pakilala sakin ni mamita. "At pasensya ka narin kasi wala pa akong pera ngayon, kakabili ko lang kasi ng pagkain namin dito para sa susunod na buwan." Paliwanag ni mamita.

I mentally rolled my eyes. Bakit kailangan pang magpaliwanag ni mamita? Pwede namang sabihin na wala siyang mapapautang sa KUMARE niya. Hays, iba na talaga kapag mabait ka.

"Ganun ba?" Sabi ni ale. "Ah sige ah, salamat nalang. Sig—" I cute her off.

"Ate, ito po oh." Sabi ko at may inabot ng isang daan sa kanya. "Tulong ko po sa anak niyo para bumili ng project niya." Nakangiti kong sabi. Somehow naman kasi mabait ako noh.

Ms. HalversonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon