Part 49

9.8K 195 1
                                    




Yumi's POV

Natapos ang araw na iyon ng hindi maalis ang ngiti sa labi ni Lori. Kada kausapin siya ng mga bisita hindi nawawala ang ngiti niya.

Kasalukyan kaming nagbabantay kay Yulo na gabi na pero ayaw parin matulog, ang taas ng energy niya mula kaninang umaga.

"I knew it." Bigkas niya na ikinalingon ko. She also looked at me. "Successful ang ginawa ko!" Masayang sabi niya.

Binatukan ko naman siya. "Ganun pala yung ginawa mo hindi mo sinabi sakin!" Masungit na sabi ko. Bigla ko namang naalala yung dahilan kung bakit ako nagpunta sa condo ni Pia kanina.

Sunday morning, ang sama na ng pakiramdam ko, nandidilim ang paningin ko at buti nalang nakahiga parin ako dito sa kama dahil hindi rin ako makatayo. Pero gagalaw palang ako ng parang gusto kong sumuka.

Tumayo ako kaagad sa kama tsaka pumunta sa sink ko para doon sumuka pero walang lumalabas.

"Ano ba yan!" Palatak ko dahil wala talagang lumalabas kahit gustong gusto kong sumuka. Nagsipilyo nalang ako bago lumabas ng banyo at kinuha ang phone ko para tawagan si Pia.

Ilang ring lang ang lumipas nang sumagot na si Pia sa kabilang linya.

"Hello?" Kakagising niya lang yata.

"Pia, nasan ka?" Tanong ko habang hawak ang noo ko. Tinignan ko si Lori na natutulog pa.

"Condo ko, bakit?"

"Punta ako dyan ah. Bye." Yun lang tsaka binaba ang tawag. Nagpalit ako ng damit bago lumabas ng unit ni Yumi at nagpunta sa floor ni Pia. Kumatok ako ng tatlong beses bago niya buksan ang pinto at papasukin ako.

"Ang aga mo naman pumunta dito, Yumi."

Umupo ako sa couch niya. "I'm not feeling well, Pia."

Nilagay niya ang palad niya sa leeg at noo ko. "Wala ka naman lagnat ah. Dalhin na ba kita sa hospital?"

Sasagot na sana ako nang parang gusto ko nanamang magsuka kaya dali dali akong pumunta sa banyo niya tsaka hinarap sa sink ang mukha ko.

"Huy ayos ka lang!?" Rinig kong tanong ni Pia sakin na sumunod at hinagod ang likod ko. "Dalhin na kita sa hospital babae ka."

Hinugasan ko muna ang bibig at mukha ko tsaka sinandal ang palad ko sa edge ng sink. Umiling ako. "Get some prenancy test kit." I said instead na ikinagulat niya, "Please." Dagdag ko kaya tumango siya tsaka lumabas ng banyo.

Napahawak ako sa noo. Paano kung buntis ako? Hindi naman ako nakipagtalik sa kahit kanino kung hindi kay Lori lang.

Napatitig ako sa salamin. Bigla kong naalala yung ginawa namin last two weeks. May nilagay ito sa hiyas ko na habang may nakapatong na unan sa balakang ko.

"Let's just wait for the result." Bulong niya noon sa akin bago kami natulog.

"Here."

Hindi ko namalayang nasa tabi ko na pala si Pia na may nakaabot sa akin PT kit. Kinuha ko ito kaagad tsaka sinubukan kong mag urine test. Maghihintay pa ako sa resulta kung positive nga o hindi.

"Natatakot ka ba?" Tanong sa akin ni Pia nang makaupo na kami sa couch niya.

"Saan?" Tanong ko pabalik.

"Paano kung positive yung test. Natatakot ka bang sabihin kay Lori yan?" Nginuso niya pa yung sa may puson ko.

Hinawak ko ang tyan ko. "Bakit ako matatakot kung anak niya yung dinadala ko?"

Ms. HalversonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon