Part 42

7.8K 189 4
                                    






Yumi's POV

6 years later.......

"Let's give a hand to Ms. Lori Halverson for her newly branch of her restaurant!"

Rinig kong sabi ng host sa tv na pinapanood ko. Tinigil ko talaga ang ginagawa ko para mapanood ang balitang ito.

Napangiti naman ako dahil doon. Nakamit niya na nga talaga ang pangarap niya, kaya niya narin ang sarili niya. Hangang hanga talaga ako sa baby ko.

Baby mo pa nga ba? Sabi ng aking isipan.

Napabuntong hininga ako. Anim na taon na ako dito sa Texas at masasabi kong nakaahon na talaga ako sa buhay dahil sa pag-chef ko. Nagturo naman ako sa isang school dito ng dalawang taon pero mas ginusto ko talagang maging chef.

"Nakatihaya ka nanaman." Liningon ko si mama na nasa likod ng couch na kinauupuan ko. Papunta ito sakin at tumabi. "Kaya naman pala eh." Sabi niya nang makita kung sino ang nasa tv.

"I missed her." Malungkot kong bulong.

"Umuwi ka." Tugon nito dahilan ng paglingon ko sa kanya. Maang na napatingin ito sakin. "Ano? Sabi mo na-mi-miss mo yung tao. Ano yon, titihaya ka nalang dyan at hihintayin mo na magka- 'jowa' ulit siya?" She asked air quoting the 'jowa'

Napalabi ako. Hindi niya yata alam. "Eh ma naman, may girlfriend pa yung tao." Sabi ko at napabuntong hininga.

Yun nga yung kinaiinisan ko eh. Nawala lang ako ng ilang taon tapos malalaman ko nalang na kumakapit na yung Alena na yun sa braso ni Lori. Tsk, what a snake.

Pinitik niya ang noo ko. "Aray ma!" Daing ko. Haist. Kung hindi niya ako babatukan, kukurutin o pipitikin niya ako.

"Tigil mo yan ha," pinanlakihan niya pa ako ng mata. Tsk. "Pakinggan mo yung sasabihin ng reporter at nang malinawan yang oily mong utak."

Luh. Ang sakit naman ng sinabi niya. "Ma, you broke my hearts!" Biro ko.

"Heart yon! Isa lang puso mo!"

Napanguso ako. "Nagbibiro lang."

"Ms. Halverson, kamusta na po kayo ni Alena?" Doon ako napalingon sa tv. Ini-inrerview siya ng mga reporter ngayon. Nasa tv ko ngayon ang magandang dilag na minahal at minamahal ko ng lubos. Pero nang marinig ko ang pangalan ng ahas na iyon. Nagpantig ang tenga ko.

"Tumatatag naman kami ni Alena." Napasimangot ako sa sinabi ni Lori. So girlfriend niya nga talaga yung Alena na yon ha? What a nightmare.

"Ilang buwan na ho ba kayong magkarelasyon ni Alena?" Rinig kong tanong ng isa.

"What?" Gulat na sabi Lori tapos tumawa pa. "No we aren't 'in a relationship', we're just friends!" Sabi niya na ikinatayo ko.

"Oh my god!!" Bulalas ko at nagtalon talon. "Ma! They're just friends daw!" Malakas na sabi ko habang niyuyugyug siya. I'm so happy! "Oh my god!"

"Hey! You don't have to shake me! At alam ko! Narinig ko! Di ako bingi!" Malakas na sabi din nito.

"Sorry." Nag peace pa ako. Umupo ako tsaka linakasan ang volume ng tv.

"Oh." Parang pati ang mga reporter ay nabigla din sa sinabi nito.

"Kaya sinabi kong tumatatag kami at kami palagi ang magkasama ni Alena ay dahil magkaibigan kami, at business partners narin."

"Okay, Miss. But, are you dating someone, or inspiration muna?" Follow up question pa ng reporter.

Napangiti naman si Lori sa narinig. "Hmm, meron. But I won't tell it to you guys."

Ms. HalversonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon