More or Less? (one shot)

94 3 1
                                    

"Bhabe... Bhabe... Bhabe..."

kanina mo pa ako tinatawag sa likod ng classroom pero di kita pinapansin. Hindi 'Bhabe' ang pangalan ko pero ganyan kasi tawag mo sa akin kaya nasanay na ako. Sa totoo lang, kinikilig naman ako kapag tinatawag mo akong 'Bhabe' pero sa araw na ito parang hindi.

"Bhabe!"

Sigaw mo sabay tapik sa braso ko.

"Oh, ako pala tinatawag mo?" Sarcastic kong tanong sayo.

"Bakit? Ikaw lang naman tinatawag kong 'Bhabe' ah?" Sabi mo.

Nakakainis ka talaga. How come you act so damn innocent?!

"Ay. Ako lang ba talaga? Akala ko kasi hindi ako, ang dami mo kasing 'Bhabe' e." Sarcastic ulit ang tono.

"Ha?" Pasimple ka pang di mo alam, batukan ko kaya ulo para maalala mo!

"Wag mo nang itatawag sa akin yun kung hindi lang naman pala para sakin exclusively, ok?" Mag-eexplode talaga ako pag di mo pa nagets!!

"Bakit naman?" Tanong mo ulit. That's it!

"Alam mo ang slow mo! Di mo alam makiramdam! Ang manhid mo! Di mo ba alam na ang sakit-sakit ng ginawa mo kanina?!" BOOM! Sumabog na nga ako!

"Ha? Bakit? Ano ba ginawa ko kanina?" Nakakainis ka talaga!

"Kanina sa classroom, tawag ka ng tawag ng 'Bhabe' kaya lumingon ako, yun pala ibang babae yung kinukunan mo ng atensyon, hindi ako! Napahiya pa ako sa classmates natin dahil akala rin nila ako yung tinatawag mo!" Ayan na! Gets mo na!

"Teka. Nagseselos ka ba? Katherine, tandaan mo, walang official na tayo!"

Gusto ko ng mamatay ng sinabi mo iyon. Para akong nahulog sa isang building tapos sinagasaan ng truck sa mga salitang binitawan mo.

Shet! Ang sakit! Nagwalk out na lang ako sa matinding lungkot at galit. Di na kita sinagot.

Ang masakit sa pagwalk-out ko, di mo man lang ako hinabol. Binagalan ko na rin ang paglakad pero wala.

Humagulgol na lang ako at pumunta sa tambayan natin, sa bleachers.

Tama ka nga naman. Wala akong karapatan para magselos, kasi tayo? Psh. Ni wala ngang tayo. Walang opisyal na tayo. We're just more than friends but less than real lovers.

And this day, you made feel like I was a stranger. A freakin desperate stranger!

Oo. Nagseselos ako! Pero patuloy na humaharang ang karatulang "HINDI TAYO!"

Bakit nga ba ako umasa na kapag 'friends with a twist' tayo ay magiging ok lang lahat? Na 'no full commitments', na we just 'act as couples but we're just best friends.' Best friends LANG talaga!

At sa trip lang natin ang pakulo mong maging friendly couple ay nahulog na rin ako sa sarili kong trap. Parang ginisa ko ang sarili ko sa sarili kong mantika.

Namumugto na ang mata ko kakaiyak. Makahanap nga ng matulis na bagay.

Siguro alam mo na ang gagawin ko. Isang hagod ko lang sa braso ko gamit ang basag na salamin, dumugo na agad.

Masakit yung sugat sa balat pero mas masakit yung sugat sa puso. Tinuloy ko lang ang pananakit sa sarili ko sabagay nasaktan mo na ako emotionally na tinitiis ko na lang.

"Bhabe."

Napatingin ako sa nakatayo sa harapan ko.

"Oh bakit, Angelo?"

Nakita mo siguro yung kaunting dugo sa aking braso.

"Bakit mo ginawa yan sa braso mo?" Sabay kuha ng panyo mo.

At tinakpan ang pinanggagalingan ng dugo.

"Next time wag mo ng gagawin yan ha?"

Napatingin lang ako. Ayokong patawarin ka sa simpleng concern mo lang.

"Sorry na, next time di ko na din sila tatawagin ng ganon. Kasi ikaw lang ang naman ang gusto ko talagang tawaging 'bhabe' palagi."

Di ako umimik. Nakatitig lang ako sayo. Nakatitig lang ako sa mga matang matagal ko ng kilala. 9 years. Same eyes, different gaze.

"Uy sorry na... sige na.."

Wala pa rin akong imik.

🎶 Never felt like this before. Are we friends or are we more? As I'm walking towards the door. I'm not sure. 'Cause baby if you say you want me to stay, I'll change my mind 🎶

Napangiti ako. Di lahat ng kalalakihan bigla-bigla na lang mapapakanta ng 1D song at hindi rin ikaw yung tipong kakanta kung hindi pinipilit pero kumanta ka pa rin ng kusa. Niyakap mo ako.

"Joke ko lang naman kasi yung sa kanila."

Itinuloy mo ang pagkanta habang niyayakap mo ako. Nagulat na lang ako ng sabihin mong, "Bhabe, pwede ba kitang maging official girlfriend?"

— — — — — — — — — — — — — — — — — —
to God be the glory...
All rights reserved 2014
Edited 2015
Edited 2016
Edited 2017
Edited 2018
Edited 2019

More or Less? (one shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon