Chapter 1

14 0 0
                                    

Chapter 1
Fleur

"Ano ba? Tumingin ka nga sa dinadaanan mo!" Sigaw ng isang impokritang babaeng ito. Ha! Hindi mo ba kilala kung sino ang kinakalaban mo? Aba. Hinawakan niya ang balikat ko. Hinahamon mo talaga ako. Well, let's play. Bitch

"Aw. Inilapit mo ang napakarumi mong kamay sa balikat ko. Kakailanganin ko ng alcohol mamaya" sabay death glare.

"Ang kapal ng mukha mo!" Nanggagalaiting wika ng babaeng hampaslupang ito

"Sino ka ba ha? Ang kapal ng mukha mo! Ang panget panget mo naman!" Sigaw neto. Ha! Gusto mo talagang ipahiya ang sarili mo. Well balon. Let's start.

"Well unang una, im not panget. Duh! Sa paa mo pa lang talo ka na, sa mukha pa kaya. Lalaban ka ng hindi mo kilala kung sino kinakalaban mo? Aw, cheap. By the way, Ms. Desperada-makipag-away. I am Fleur Summer Sy. Ako lang naman ang may ari netong university na tinatapakan mo, welcome to Devil's University, Dear" nakangisi kong sabi. Aha, ano ka ngayon?

"M-ms. Fleur, s-sorry po" oh, gulat siya sa sinabi ko. Nashookt ko ata "Shookt lang? Hay kung ako sayo, kikilalanin ko muna ang kakalabanin ko" wika ko at tuluyan ng pumunta ng office ko.

"Mumsh!" Pagtapak na pagtapak ko sa office ay sumalubong agad sakin si Serenity. My cousin.

"Bakit hindi ka pumasok sa klase mo?" Tanong ko sakanya habang nakataas ang isang kilay ko.

"Ayoko, Ang boring!" Pout niya. "Ikaw din naman ah!" Saad niya

"Duh! I owned this university kaya!" I rolled my eyes.

"Bakit pala Devil's University name neto?" She asked. "Puro demonyo ang tao dito, kahit ako at ikaw, parehas tayong demonyo" mapait na ngiti ang aking binitawan. "Bakit hindi ito nairereport? Kasi wala na daw pakialam ang gobyerno sa skwelahang ito. " napakibit balikat na lamang ako.

"Ang ano naman ng gobyerno. Paaralan pa rin naman ito ah?" Tanong niya. "Kaya nga, kahit na mala demonyo ang pangalan ng unibersidad na ito, paaralan pa din ito. Kaya nga't nakakapagtaka at hindi nila pinapakialaman ito" napaawang ako ng kaunti sa mga binitawan kong salita "pero okay lang, atleast nakakagawa ako ng mga sarili kong desisyon para sa unibersidad na ito. Kaso natatakot nga lang ako na baka makuha saakin ito ng Flear (fler) na iyan" nakangising wika ko.

Flear, ate ko? Note the sarcasm, kasi kahit kailan ay hindi ko naramdaman ang pagiging ate niya. Sakim siya! Sarili niya lang lagi niyang iniisip. Lahat na nasakanya. Tanging itong school ko na lamang ang akin.

Nasa ibang bansa sila, iniwan nila ako dito. Simula bata pa lang ako ay iniwan na ako ng mga magulang ko. Masyado kasi nilang pinaniwalaan ang mga kasinungalingan ni Flear.

Tanging si Serenity na lamang ang naging katuwang ko sa buhay. She's my partner in crime. She's always one call away, in short. She acted like my sister. (Younger one)

"Ano ng plano mo kapag bumalik na si Flear?" Tanong sakin ni serenity. "Well, hayaan ko nalang. Mas maganda ang success. Kasi nga success is the best revenge" taas noong sabi ko.

"Support kita mumsh!" Tinapik ni serenity ang balikat ko.  "Tara na nga! Pumunta nalang tayo sa class natin, wala naman na kong paper works dito" hinila ko na siya papuntang classroom natin.

-

Kasalukuyang break na namin at nandito kami ni Serenity sa cafeteria. "Ang haba ng pila! Sa ibang cafeteria nalang tayo please!" Serenity said. "Duh! Para saan pa't ako ang owner ng school na 'to?" Irap ko. Dumiretso na ko sa pinakaharap ng pila
"Excuse me" humarap ako sa nakasunod sa pila at tumingin sa cashier "isang strawberry yogurt smoothie at lasagna. Tapos isang mango yogurt smoothie at carbonara kay serenity. Padala nalang sa table namin. Thanks" ngumiti ako at lumayas na.

"See? I have powers!" Nakakatakot na ngiti ko. "Your smile is creepy!" Wika neto.

Pagkaserve na pagkaserve ng pagkain namin ay kumain na kami.

Devil's ListTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon