Chapter 2
Nasa may garden kami nina Nichole at Maikka ngayon para tumambay. Wala ba naman kasing teachers na nagpakita simula kaninang umaga. Busy na ata kaka'meeting, papalapit na kasi Christmas Vacation. Yeheey! At 'yong dalawa, walang ibang ginawa kundi maglaro. Di ko alam kung ano 'yung nilalaro nila, hindi naman ako gamer eh. Basta palakihan daw sila ng score tapos magbabangayan pag natalo ng isa.
"Ay, ka-imbyerna ka gerlalu ha! Sira itech beauty sa'yo" Sabi ni Maikka kay Nichole. Sabi sa inyo eh, mag-aaway lang din.
"Loko ka! Suntukin kaya kita?? Ako yong nanalo!! Klarong-klaro naman 'yan bakla eh. Tingnan mo nga, best score 2!! Sa'yo 0. Tsssss" Sagot ni Nichole na medyo naiirita na.
"Ano ba 'yang nilalaro niyo at bakit ang iingay niyo" Nilapitan ko na nga sila dahil nakakabingi na ang kaingayan.
"FLAPPY BIRD" Sabay na sagot ng dalawa na hindi man lang ako tinitingnan. Aba'y ganun ba 'yan kahalaga at hindi nila magawang tingnan ako??
*kru kru* Shoot, wrong timing. Gutom na talaga ako. Hindi kasi ako kumain ng lunch kanina eh. Nagwawala na tuloy mga alaga ko sa tiyan. Kailangan ko pumunta sa Cafeteria para bumili ng makakain.
"Narinig mo ba 'yon bakla?" Bulong ni Nichole kay Maikka na hindi pa rin inaalis ang atensyon sa tablet. Na'glue na ata mata niya dun.
"Oo girl, ano yon??" Sagot naman ni Maikka na patawa-tawa.
"Alam niyo, hindi kayo magaling umacting. Kaya pwede lang, tigilan niyo ako. GUTOM AKO. G-U-T-O-M. Kala mo kung ano nagawa ko eh." Sabi ko sa dalawa. Paano ba naman, akala mo nakapatay ako ng tao kung makapagsalita ang mga to. ==' Tss
"Hahaha. Antaray ah! Gutom ka lang ba talaga o PM's girl?" Maikka.
"OO, PMs din. Naiinggit ka lang ata dahil hindi ka magkakaganyan sa tanang buhay mo e??" Pang'aasar ko kay Maikka at tuluyan na ngang umalis. Haha. Panigurado, di na ma'hitsura mukha nun.
-
Mag'isa lang talaga akong naglalakad papuntang Cafeteria ngayon dahil napakabait ng mga kaibigan ko. Pag kasi sila naglalaro, hindi mo na 'yon maaasahan. Daig pa ang mga lalaki na naglalaro ng dota eh.
Habang papunta ako sa Cafeteria, napadaan ako sa isang bakanteng room na hindi gaanong pinupuntahan ng mga estudyante. Umikot kasi ako para hindi masyadong malayo papuntang Cafeteria. Ito lang yong nag'iisang room na nakahiwalay sa lahat. Hindi din ito makikita kung hindi mo talaga sinadya na dumaan dito. Para siyang isang lumang laboratory. Minsan dito kami dumadaan nila Nichole kung nagmamadali kami papuntang garden. Shortcut kumbaga. Sabi pa nila, nakakatakot daw ang room na iyon. Pero parang may naririnig ata akong boses na kumakanta? Nag'i-strum pa ng gitara e. 'Yon ba yung sinasabi nilang multo? Halaaa.
At dahil naku-curious talaga ako, lumapit ako ng kaunti sa room na 'yon para marinig ko ng maayos ang boses na kumakanta. Ang ganda ng boses niya. Ang sarap pakinggan. Para banag mawawala lahat ng problema mo pag naririnig mo siyang kumakanta. T-teka, ngayon ko lang napagtanto. Boses lalaki siya at 'yong kinakanta niya ay "I'll Be" ni Edwin McCain. Alam ko talaga ang kantang 'to, isa sa mga paborito ko eh.
Kung makakanta naman siya, parang ang bigat-bigat ng pakiramdam niya. Baka naman Brokenhearted?? Kawawa naman 'yong lalaki kung tao man talaga siya.
Napasarap ako sa pakikinig sa lalaki na hindi ko na namalayan na medyo natatagalan na pala ako at eto na nga, nagtatakbo ako papuntang Cafeteria. Baka ano pa maisip nung dalawa.
"Ay naknang!! Sorry. Sorry. Hindi ko talaga sinasadya" Pinupulot ko ang mga gamit dun sa nakabangga ko habang papasok ako ng Cafeteria.
"No, it's ok. Ako nalang pupulot diyan. You can leave now" Natigilan ako saglit sa ginagawa kong pagpupulot. Kilalang kilala ko ang boses na 'yan. Kahit mapaos man ang boses niya, alam na alam ko pa rin kung sino nagmamay'ari sa boses na yan.
"H-ha? N-nako. Nako. O-okay lang. S-sorry talaga" Sagot ko sa kanya na nauutal habang pinupulot pa rin ang mga gamit. Nakayuko ako ngayon at nagpapanic na.
"E-eto nga pala oh" Inabot ko ang mga gamit niya at tumakbo papasok.
Nanlalamig mga kamay ko kanina pati boses ko nauutal. Kinakabahan talaga ako. Kahiya!
"Babe naman, why did you help her earlier?? Dapat pinabayaan mo nalang siyang pulutin lahat 'yun. Siya naman may kasalanan e. Tanga kasi. Ayan, nagka-germs na tuloy ang precious hands mo. Baka magkasakit ka na niyan." Narinig kong sabi ng girlfriend niyang si Ira bago sila tuluyang makalabas sa cafeteria.
Siya si Chryzelle Ira Merin. Ubod ng kaartehan. Puro pintura naman nasa mukha este make-up. Siya din ang nag-iisang girlfriend ng matagal ko ng crush. First Girlfriend niya ito since Second Year kami. Akalain mong hanggang ngayon sila pa rin?? Saludo din ako kay PC e! Haba ng pasensya. Kung hindi lang talaga ako takot mapagalitan ulit ni Mama, sinuntok ko na ang pagmumukha ng babaeng 'yon. Ang OA, wala naman sa lugar. Tsk. Ay, bibili pa pala ako! Muntik ko nang makalimutan dahil sa Ira na yon.
"Manang, pabili po ng burger, tubig at coke. Eto po bayad" Inabot ko ang bayad at kinuha ang pinamili ko. Tumakbo na naman ako pabalik sa garden.
"Oh girl, ba't hingal na hingal ka diyan? Bumili ka ba ng pagkain o nag-ala milo marathon?" Bungad ni Maikka sakin pagkadating na pagkadating ko. Hindi na sila naglalaro ngayon, buti naman. Hindi ko siya sinagot at diretsong umupo sa bench para kumain at uminom. Wala ako sa mood makipag'asaran kay Maikka ngayon dahil pagod ako sa kakatakbo tapos nabangga ko pa si PC. Nako! Kahiya talaga 'yong eksena kanina. Tatanga-tanga talaga ako. Ayaw niya pa naman sa mga clumsy. T___T
A/N : : Bakit Personal Computer tawag ni girl sa lalaki? Personal Computer or PC. Is it an initials of his name? Hahaha! PC stands for "Prince Charming." Kasi simula noong nag'meet sila 7 years ago, siya na ang Prince Charming ni Bida.
Personal Computer ang tawag nila kapag nasa malapitan na ang boy, in short "Prince Charming" is the meaning of Personal Computer.
BINABASA MO ANG
My First Crush <3
Teen Fiction"Let's just stay friends = Never talk again." "Anyone can make you happy by doing something special but, only someone special can make you happy w/o doing anything." Ito. Iyan. Doon. Kahit saan. Ang Crush ay isang pagtingin. Hanggang pagtingin lang...