I dedicate this one to her. Anyways,. thank you for the beautiful cover ate. Im so happy po. And sorry kasi natagalan ako nang pag UUD medyo busy ako kahit wala na kaming pasok eh :D Thanks ulit :D
Chapter 3 (Part2)
Nandito pa rin ako sa waiting shed na pinapasilungan ko simula kanina. Hinihintay ko na tumila ang ulan pero ayaw pa rin. Magse-seven na ng gabi. Nakoo! Malayo-layo pa naman ang biyahe papunta samin galing school. Wala din akong dalang payong. Paano na ko makakauwi nito. Waaaa. Minamalas talaga ako ngayong araw nato. Kanina, pinagtatawanan ako ng mga bestfriend ko at ngayon naman, stranded. Tsk. Wala na talagang ginawang maganda tong ulan nato e.
*hintay hintay hintay*
AFTER 15 MINUTES
Naiinip nako sa kakaintay ayaw talagang tumila. Ang tahimik pa namin ng katabi ko. Hindi kumikibo. Gutom nako, giniginaw pa. Brrr~ Pag 'tong lalaking nato umalis, ako na lang talaga maiiwan at ayaw ko naman nun. Katakot kaya mag'isa. Bumabalik alaala ko nung mga panahong naiwan ako sa park 8 yrs ago.
AFTER 5 MINUTES
Halaaa! Aalis na nga 'yong lalaki. Waaa. Bahala na. Magpapakapal ako ng pagmumukha ngayon huwag lang akung maiwan mag isa dito.
"O-oy! Teka! Teka!" Tawag ko sa lalaki na papaalis na pero parang hindi ata ako naririnig.
"KUYAAA NA MAY DALANG PAYONG NA NAKABLACK!! Teka lang po!!" Sinigawan ko na talaga bago pa siya tuluyang makaalis at maiwan ako dito. Siguro naman, maririnig niya na yon kung hindi pa, miyembro na talaga siya sa CB. As in Certified Bingi!
"What??" Buti naman nadinig na niya at nilingon nako pero nakakatakot ang aura niya. Parang gangster pero sosyal. Okay, bahala na. Eto na talaga.
"U-uhm, pwede bang makisabay sayo? Ano kase. Uhm --"
"Yeayea, I get it. Wala kang dalang payong at hindi ka masusundo" Dugtong ng lalaki. Hindi niya ako pinatapos sa sasabihin ko.
*nods* "Ganun na nga. Teka, paano mo nalaman yon?" Pagtatakang tanong ko nang mapagtanto ko ang sinabi niya.
"Hindi naman ako bingi para di marinig ang mga pinagsasasbi mo kanina at ang lakas ng boses mo kung alam mo lang".
"Sus, di daw bingi. Di nga ako narinig ng tinawag ko" Sabi ko sa sarili na mahina.
"May sinasabi ka??" Pagsusungit niya.
"Ha? Wala ah! Wala akung sinasabi. Hehe. Ikaw talaga" Sagot ko sa kanya. Katakot naman to. Parang kahit anong oras, pwede niya akung patayin at itapon.
"Ano?? Sasabay ka ba o iiwan nalang kita? Sinasayang mo oras ko. Tsss" Sungit talaga. Tsk! Kung hindi lang talaga ako desperada makauwi, hindi talaga ako maglalakas loob na makipg'usap sa kanya.
"Opo! Eto na. Eto na" Sabay lapit sa kanya para maki'share sa payong at nagsimula na kaming lumakad.
"Pwede magtanong??" Tanong ko sa kanya habang naglalakad pa rin kami sa kung saan man niya akong balak dalhin. Siya yong may hawak ng payong dahil matangkad siya kesa sa'kin. 6ft ata sya e. 5'5 lng ako.
"You're already asking" Pamimilosopo niyang sagot.
"Pilosopo. Di nga, saan tayo pupunta?? Kala ko uuwi na tayo? Bakit hindi tayo nag'aantay na may dumating na taxi o jeep??" Tanong ko sa kanya na hindi siya tinitingnan. Bahala ng magalit siya sa tanong ko. Eh sa kanina pa kami naglalakad tas gabi na. Baka ano pang balak niyang gawin sa akin e.
BINABASA MO ANG
My First Crush <3
Teen Fiction"Let's just stay friends = Never talk again." "Anyone can make you happy by doing something special but, only someone special can make you happy w/o doing anything." Ito. Iyan. Doon. Kahit saan. Ang Crush ay isang pagtingin. Hanggang pagtingin lang...