MFC Chapter 5 na ako. Goshhhh! ~
Good Evening po. Wondering once a week lang ako nakapag UUD o minsan every 2 weeks lang ako makapag UD. Marami din kasi akpng story na in-o-onhold ko pa nga eh. Kaya, ito ako ngayon.
"Trying my best, to update though I am busy for some church activities I have joined."
Kaya, sorry po sa mga sinalihan kung Book Club na hindi ako ACTIVE.
P.S : Ayaw ko ng sumali sa mga Book Club po. I am sorry. Busy na po eh. Lalong-lalo na't may maraming church activities at nag-aaral akong paano mag guitar at mag piano eh. Kaya, sorry po talaga. <3
Enjoy reading.
Chapter 5
Nakaupo ako ngayon sa sasakyan namin at hinihintay si Mama. Siya daw ang maghahatid sa akin papuntang school tapos diretso nadin siya sa office. Pero antagal naman niyang makalabas sa bahay. Imposible naman atang hindi pa siya tapos magpaganda eh nauna pa nga siya sa akin kanina eh. Lagi nalang niya talaga akong pinagti-tripan lalo na pag alam niyang importante ang lakad o gagawin ko.
Ibang klaseng mama talaga to pero kahit ganyan siya, mahal ko pa rin si Mama. Hays, ihanda na talaga ang sarili mamaya. Kung marunong lang talaga ako magmaneho, kanina ko pa 'to pinaharurot. Late na kasi ako, kanina pa. Ayaw na ayaw ko pa naman na mag grand entrance dahil panigurado all eyes on me ang tema nito mamaya.
Waaaa. Huwag naman sana yon mangyari, maawa kayo sa akin Lord T^T Wla dun ang mga bestfriends ko para damayan ako sa kahihiyan. Wala naman din akong masyadong ka-close sa classroom namin.
Bakit ba kasi iba-iba ang mga section namin. Sa aming tatlo ksi, ako ang nasa low section. Nasa pang-4th section kasi ako tapos si Maikka, nasa 2nd section and Nichole, first section kasama pinsan niyang si PC pati din pala si Ira. Ewan ko kung bakit nandun siya sa section na yon eh sabi naman ni Nichole, ke-bobo'bobo naman daw tas pagpapaganda ang laging inaatupag. Kada quiz/exam, bagsak.
Sana talaga pagtungtong namin sa 4th year eh magkakaklase na kaming 3 para naman hindi ako magmukhang loner nito pa lagi sa room. :3
"Aynako, nakakainis talaga 'yong salamin sa kwarto ko. Napaka-sinungaling!" Pagra-rant ni mama pagpasok na pagpasok sa sasakyan.
"Huh? Nagagalit ka dahil sa salamin mama? Inaano ka ba?" Pagsisigurado kung tanong. Baka naman kasi mali lang ang pagdinig ko.
"Paano ba naman kasi, hindi ako nagagandahan sa sarili ko kada tingin ko sa salamin! Bibili talaga ako ng bago mamaya". Sagot ni mama na determinado. Seryoso talaga siya na bibili ng bagong salamin mamaya.
Yan lang pala ang dahilan kung bakit natagalan si Mama na makalabas ng bahay at kung bakit mapapahiya ako nito mamaya.
Ay grabeng dahilan naman. Tsk. -___-
"Oh sige po mama, huwag kana magrant diyan dahil hindi ka na talaga magmumukhang maganda at please tara na po kanina pa ako late eh" Pagmamakaawa ko kay Mama dahil parang walang plano umalis eh. Hundi pa pinapaandar ang kotse.
"Anong oras na ba? At anong oras magsisimula ang party niyo?" Seryoso niyang tanong.
"8:30 am na po mama, at 8:00 am sharp nagsimula. Kaya 30 minutes late na ako" Sagot ko sa kanya.
30 minutes late, parang ayoko na pumunta pa. Hays.
"Ah! Then let's make it 1 hour late para grand- grand entrance. Haha!"
"What??!" Napasigaw talaga ako sa sinani ni Mama. Gagawin niyang 1 hour late?? Grabe! Minsan tuloy napapaisip ako kung mama ko ba talaga itong nasa harapan ko. Hindi kaya ampon ako? Parang mas mana si Nichole sa kanya eh.
BINABASA MO ANG
My First Crush <3
Teen Fiction"Let's just stay friends = Never talk again." "Anyone can make you happy by doing something special but, only someone special can make you happy w/o doing anything." Ito. Iyan. Doon. Kahit saan. Ang Crush ay isang pagtingin. Hanggang pagtingin lang...