010

347 32 7
                                    

EDITED.

« third person's pov

Pagkatapos ng chat nila ni Jungkook, agad na bumaba si Yoona para kumain.

Hindi pa kasi siya nakaka-kain dahil excited pa siyang i-chat si Jungkook.

Nang makababa siya, nakita niya ang kanyang unnie (Tiffany) na may kausap sa cellphone at mukhang kilig na kilig ito, hindi rin naman niya maiwasang maging curious kaya lumapit pa siya dito para marinig ang usapan nila.

"Ano ka ba Jungkook ! Hindi nga kasi!Ay ang kulit mo 'no!? Hayst! Oo na, love you too! Bye!"

Right after the moment na narinig niya ito, parang pinagbagsakan naman ng langit at lupa si Yoona dahil sa kanyang narinig.

"Anong ibig sabihin 'nun?" Wika niya sa sarili niya.

Samantala, lumabas naman ng kusina si Tiffany ng may ngiti sa kanyang mga labi.

Bakas naman ang pagkagulat nito ng makitang naroroon si Yoona at mukhang narinig ang pag-uusap nila ni Jungkook sa phone.

"K-kanina ka pa diyan Y-yoong?" Ayan agad ang lumabas sa bibig ni Tiffany matapos maka-recover sa pagkagulat nito.

Biglang may namuong luha sa mga mata ni Yoona at seryosong hinarap ang kaniyang unnie.

"Anong– ibig sabihin nun– unnie?" Paputol-putol na tanong ni yoona na tuluyan ng umiiyak.

Lumapit naman si Tiffany kay Yoona, "I'm sorry Yoong kung hindi ko sinabi sa inyo na kami na ni Jungkook. 4 months ago."

"Hindi ko sinabi sa iyo yun dahil alam 'kong masasaktan ka lang, hindi ko naman kasi kasalan kung tuluyan narin akong nahulog sa k-kanya." Pagpapatuloy niya pa.

"N–nagmahal l–lang naman a–ako, e." Wika naman ni Yoona.

Pagkatapos ng eksenang yun, agad na tumakbo papunta sa kanyang kwarto si Yoona, not minding about her unnie that shouting and calling for her.

Sa loob ng kwarto, dun na binuhos ni Yoona ang kanyang mga hinanakit sa buhay.

"Bakit ba napaka-unfair ng buhay sa akin?" Sabi niya sa sarili.

Napatawa naman siya ng mapait.

"First, namatayan ako ng kapatid, second, mayroon akong LEUKEMIA, third, in a relationship pala yung lalaking mahal ko, ang masaklap lang, yung tinuring ko pang kapatid yung naging girlfriend niya. Bakit ganun?Ang sakit lang... ang sakit-sakit." Wika niya.

"Paano kaya kung mamatay na ako ngayon? Pano kaya kung tuluyan na akong mamatay dahil sa letseng sakit na ito? Paano?" Napahagulgol naman si Yoona dahil sa mga naiisip niya.

"Matagal ko na palang nililihim ito, haha. Sila Mom at Dad lang naman nakakaalam ng sakit ko, e." Tumatawa parin siya ng mapait.

"I guess wala narin naman pa akong dahilan para manatili dito, e." Saad niya.

"Kung sundan ko nalang kaya sila Mom dun sa America? For sure, gagaling sakit ko dun." Sabi pa niya.

"Tama, susundan ko nalang sila dun. May chance pa naman akong gumaling, e." Wika niya.

Agad niyang kinuha ang kanyang mga gamit at agad itong nilagay sa kanyang maleta.

HINDI bumaba si Yoona mula sa kanyang kwarto. Ilang beses narin siyang tinawag ng kanyang mga unnies pero still, hindi parin siya lumabas. Hinihintay niya lang makatulog ang kanyang mga unnies para maka-alis na siya.

Na-inform narin niya ang kanyang parents about dun sa pag-sunod niya sa mga ito sa America, at syempre they asked her kung bakit biglaan. Sinabi nalang niya sa mga ito na gusto niyang gumaling agad para hindi na ito magduda.

« yoona's point of view

I guess this is a GOODBYE. I'm sorry unnies. Sorry kung nagawa ko ito. Sana mapatawad niyo rin ako sa paglipas ng mga panahon. Maiintindihan niyo rin naman ako diba?

Unti-unti 'kong binuksan ang pinto, lumingon muna ako sa kaliwa't kanan bago ako tuluyang lumabas mula doon dala-dala ang aking maleta.

The last thing I knew, nakasakay na ako sa taxi papuntang mansion.

Dun na muna kasi ako magpapalipas ng gabi dahil hinihintay ko pa yung ticket 'ko.

Bumaba na ako sa taxi ng makitang nasa harap na pala kami ng mansion.

Nag-doorbell ako, ilang saglit lang ay pinagbuksan narin ako ni Manang, nagulat pa nga ito dahil hindi man lang daw ako nagpasabi na darating ako.

Eh paano? biglaan rin naman kasi, e.

Nginitian ko na lamang si Manang at nagtungo nalang ako papunta sa loob ng aking kwarto.

Agad akong sumalampak sa kama at hinintay na ako ay makatulog.

---

friend | on-goingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon