023

200 20 2
                                    

« jungkook's point of view

"Come on Jungkook." Hinaplos nito ang mga balikat ko na kaagad ko namang iniwas.

"Ano ba!? Hindi ka ba titigil!? Sabi nang umalis ka na dito, e!" Tsaka kinuha ko ang alak na nasa lamesa at inisang lagok 'yon.

Padabog itong umalis at inirapan ako na syang ipinagbalewala ko nalang. Well. I'm used to it. Lahat nalang ng mga lumalapit sa akin ay tinataboy ko. Yung iba nga minsan sinasampal pa ako.

"Hoy! Nag-imbita ka nanaman! Magkakasakit na tayo dito, e! Puro alak nalang lagi ang iniinom natin!" Bungad sa akin ni Jin hyung at sa likod nito ay ang iba pa.

Lagi ko kasi silang iniimbita na samahan akong uminom. Because after she left, I just realized that I'm so stupid. Sana pala, kung simula noon, hindi ko na siya binalewala..

"Hoy lalaki! Anong dinaramarama mo diyan?" I snap back at my thoughts when he interrupted.

"Wala." Sabi ko nalang at uminom muli ng alak.

Umupo silang lahat sa mga bakanteng sofa sa tabi at sa harap ko.

"Uy! Nga pala. Tumawag sa akin si Taehyung kahapon! Kinakamusta niya tayong lahat." Sabi ni Jimin hyung.

"E nasaan na ba kasi si Taehyung? Hindi niya ba sinabi sa iyo?" Tanong naman ni Rapmon hyung.

"Ako alam ko." Gusto ko sanang sabihin pero hindi ko na tinuloy.

"Hindi, e." Sagot niya.

"Hay nako. Atsaka nga pala. Oy ikaw Jungkook! Wala ka na bang balak maghanap ng ibang babae? Tagal mo na ring single, ah."

Pinaglaruan ko ang basong hawak ko bago sumagot. "Wala akong balak."

"Nako naman, bro. Dika pa ba nasanay kay Jungkook? Atsaka alam mo naman na may ibang babaeng gusto 'yan, diba?" Sabi ni Suga hyung.

"Oo nga pala."

Sumingit na ako. "Oy oy oy! Bakit ako laging pinag-uusapan niyo? Tama na nga yan! Uminom nalang tayo." Aya ko.

"Sige na nga!" Tsaka nila ako sinabayan sa pag-inom.

Tinaas ko ang baso ko at sumunod naman sila.

"Cheers!"

Hay. I already miss her.

---

friend | on-goingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon