Puppy love

102 1 1
                                    

Yes ! nakapasa ako sa drama club! Pangarap ko kasi iyon.. Unang pasok ko pa lang sa Shining stone college, yun na ang naplano kong salihan. Tatlo kaming nakapasa sa room. Madaming nag-audition pero 3 lang kaming natanggap. Choosey kasi yung naghahawak ng club na yon. Isa sa nakapasa doon ay ang bestfriend kong si Jamee. Si Jamee, dati siyang si Jimmy, kaso nga lang bumigay siya at naging bakla. Ang isa namang nakapasa ay si Andrei Cabasi. Ang pogi pogi nya at ang bait bait pa.

* Kaming tatlo ay pare-parehong kumuha ng kursong “dentistry” kaya kami nasa iisang room*

By the way highway ako nga pala si Jenn Cenina, top 1 sa room, palibhasa subsob sa pag-aaral. Masayahin din ako. Sabi din ng iba na ang bait ko rin daw. Kapag naman Saturday may rehearsal kami sa drama club.. Lagi kaming magkakasama.. lalo na kami ni Andrei. Isang araw, nagdesisyon ang teacher ng drama club na sukatin ang galing ng mga performers. Ang unang nagperform ay si Andrei … biglang napatulala si Jamee at sinabing..”sino kaya ang hindi maiinlove sakanya.. ang pogi niya at ang sexy pa… “. Tugon ko naman “sus., dapat tignan mo sa ugali hindi sa panlabas na anyo.“. Kahit na sabi nya.. Napatingin ulit ako kay Andrei, sa pagtingin kong muli sakanya para bang may malakas na hangin na dumampi sa aking katawan at tumibok ang puso ko sakanya.. Ang bilis bilis. Sobrang bilis. Halos na patulala narin ako katulad ni Jamee. Ng matapos magperform si Andrei, ako na ang sumunod. Ewan ko ba kung ano ang nangyari sakin nung panahong iyon.. nakakahiya. Habang nagpeperform ako.. nakatingin silang lahat sakin at napatingin ako kay Andrei. Nginitian nya ako.. ako naman si gaga, nanginig ang boses habang nagsasalita. Nadapa pa ako. Nagsitawanan ang mga tao sa gym. Lalo na si Andrei. My GAWD!! Anung ginagawa mo sa buhay mo??????! sabi ni Jamee.. Ako naman nagwalk out, at nagtampo kay Andrei. Ilang araw ko rin siyang hindi kinakausap sa campus. Hindi narin ako nagtetext sa kanya at hindi nako sa kanya sumasama kapag may rehearsals. Dumaan ang ilang araw, napawi ang galit ko kay  Andrei. Mahal ko kasi siya eh.. Kaso may tinitingnan siyang iba. Ang sakit noh?. Tumagal ang mga sandali, at lumipas narin ang ilang mga araw, Naging magkaibigan kami ni Andrei. Magkatabi pa kami sa room, kaya naman lalo akong nainlove sa kanya. Hindi ko naman alam kung bakit. Sabi ng iba sa mga kaibigan ko, pogi kasi si Andrei at yun lang yon, pero para sakin hindi lang dahil don. Lalo pang lumalim ang pagkakaibigan namin, subalit hindi parin niya alam na may pagtingin ako sakanya. Natatakot kasi ako, baka kapag nalaman niya iiwasan niya ako. Syempre ayaw ko naman na mangyari iyon, kaya tinatago ko nalamang kahit nasasaktan ako kapag may kinukwento siya sakin na tungkol sa crush niya. Sabagay.. mas ok na yun. Buti nga “Bestfriend” ako ni Andrei eh.. yung mga ibang babae nga dyan obsessed na obsessed sakanya hindi naman makalapit. Maswerte parin ako..

*Nasa room, Time ng English*

Andrei: Ano ba itong pinagsasasabi ng prof natin.. wala akong maintindihan..

Ako: Ako nga din.. wag na nga tayong makinig! Daldalan nalang tayo.. *nasa isip ko*(bad influence talaga ko sa buhay niya..)

Andrei: okay.. Ano bang gusto mong pagusapan natin?

Ako: gusto ko sanang pagusapan yung tungkol sa mga “crush crush” natin diyan..

Andrei: ahh! Ganon ba?? Hahaha.. sige sige *habang  kinikilig siya*

Ako: Sino ba ang crush mo?? *(umaasa na sana ako)

Andrei: Si.. wag kang maingay ha.. yung dati kong best friend.. si Karen..

*si Karen kasi dati naming classmate kaso nalipat siya ng ibang branch ng school*

Ako: Ahh.. si Karen.. (nalungkot, namutla at parang nawalan ng enerhiya.. umasa kasi eh.. sabi nga nila. “expectation hurts”)

Jamee: oh anung nangyari sayo?? Natatae ka ba??

Ako: hindi.. sumakit lang ulo ko bigla.

*hindi ko kinausap si Andrei hanggang sa matapos ang time ng English at napansin niya iyon.. kaya naman kinausap niya ako..*

Andrei: Ui.. ano bang nangyayari sayo bakit hindi ka namamansin? Galit ka ba sakin? May nagawa ba kong mali?

Ako: hindi.. wala kang ginawa.. sadya lang sumama ang pakiramdam ko.. Sige mauna na ako ha.. ingat ka..

Andrei: sige bye Espren!

*tumuloy na kami ni Jamee.. nagtanong si Jamee sakin kung ano ba talaga ang nangyari sa akin bakit ako natahimik kanina.. Hindi nalang ako umimik ..*

To be continued..

Puppy loveWhere stories live. Discover now