Kanina pa ako nagtitimpi dito sa kinauupuan ko pero talagang 'di ko na makaya. Ayoko mang gawin 'to pero kailangan ko talaga eh.
"Xyra, puwede mo bang pakihinto muna ang sasakyan?"tanong ko kay Xander na nagdradrive sa van ni Sandra na nakaupo sa tabi niya.
"Bakit naman Aqua?"tanong ng katabi ko na si Amelia na tila naiinis. Hindi ko alam pero parang lagi siyang naiinis lalo na kung ako ang nagsasalita.
"Naiihi kasi ako kanina pa."sagot ko.
"Kaya naman pala kanina ka pa 'di matahimik diyan eh."sabi naman ng isa sa tabi ko na si Leonor.
"Edi kumuha ka na lang ng bottle diyan."ang sabi ni Amelia habang nakapikit dahil natutulog.
"Eww Amelia. Xyra, stop the car. Let Aqua have her time in the dark woods."sa wakas ay nagsalita ang boss ng mga mokang na ito na si Sandra at huminto naman si Xyra.
"Dalian mo Aqua."utos ni Xyra at lumabas na ako.
Nilingon ko muna sila bago tumingin sa madilim na kakahuyan sa tabi ng daan. Kung bakit kasi nagabihan kami eh.
Lumayo ako ng kunti at umihi sa likod ng isang kahoy. Kasisimula ko palang ng marinig ko ang pag-andar ng sasakyan. Nabigla ako at kinabahan ako. Nagdadalawang isip pa ako kung tatayo na ba ako para habulin sila o mananatili dito at tatapusin kong makaihi ako?
"Yah!"napasigaw na lamang ako ng marinig ko ang tawanan nila at ang pag-alis ng sasakyan. Those bitches!
"Bye Aqua!"rinig kong sigaw ng mga babaeng 'yon. Humanda kayo sa akin, hindi ko papalampasin ang ginawa niyong ito.
Tapos na akong umihi ngunit nakatayo pa rin ang mga balahibo ko. I'm scared. Really scared. Kay dilim pa naman. Siguro alas nwebe na ng gabi at kay malas malas ko pa dahil wala man lang ni isang sasakyan ang dumadaan.
I'm sure that Sandra plan all of this. That wench. She really hate me because of that title of her na napunta sa akin. Ginawa niyang excuse ang proyekto ng SGC para lang mapalayo ako sa bayan ng Rosales. Alam niya na dayo ako sa lugar na ito at hindi familiar sa akin ang mga lugar dito at ginawa niya ito para mailigaw niya ako. She's really bad to do this. Napakasama talaga niya pero nagkamali siya ng pinaglaruan, mas masama ako kaysa sa'yo Sandra. Humanda ka sa akin!
"Waahh. Help me god, please.I'm scared of darkness and being alone in the street."
Kung bakit wala pang street lamps. Very poor naman kasi talaga ng bayang ito oh. Wahaha! Somebody help me.
Nabigla ako ng may marinig akong sasakyang papaunta rito. Nang makita ko ang sasakyan, kaagad akong pumunta sa gitna at nagsesenyas na huminto sila. Sana hindi nila ako pagkamalang multo dito.
Luckily, huminto ang sasakyan sa harap ko at may dumungaw na tatlong lalaki. Sa driver's window, sa katabi ng driver seat at sa back seat. Pero parang may mali. Kinakabahan ako at the same time I feel safe and okay but no. Their looks are telling me they are bad people. Please don't tell me they are bad. Pero hindi na ako nakapag-isip ng positive ng magsalita sila at sumipol pa ang isa.
"Hey. Mukhang suwerte natin ngayon ah. May magandang chix."
Chix in your face.
"Oo nga noh. Hi miss."nagwave pa ang driver.
"Bakit ka nag-iisa diyan. Gusto mo bang sumakay? Halika na, ihahatid ka namin."aya nong isa na nasa likod.
Mag-aaya ka pa eh makikita na ngang may masama kayong balak. Before they had the chance to get out, Kumaripas na ako ng takbo.
"Help!"
Soooo how's my story? Please do tell me which or what is wrong in this chapter. Typos? Words? Grammars? Spelling? I'm open to criticism. Positive and Negative, I'm open.
I hope you can help me improve mg writing skill and please do support me.
Vote, comment, follow and do share.
Take note: the names, places, events, etc are just my plain imagination. Lahat, maging ang plot and idea is mine so do not plagiarise it.
I'm not a good writer so please bear it for now.
Thank you. See you in next chapter.