I have a request, can you also tag me tungkol doon sa Q&A?
Thank you
"Help me!"sigaw ko habang tumatakbo palayo sa kanila. I turn to see them just to find them chasing at me using their car kaya medyo naiilawan ang dinadaanan ko.
"Saan ka pupunta?"I heard them laugh. I didn't bother to stop or look at them again. I just wanna go home.
"Hindi ka makakatakbo sa amin baby."sigaw ng isa sa kanila at nagsisigaw na sila at nagtatawanan habang ako ay takot na takot para sa sarili ko, sa buhay ko at sa virginity ko. God please help me. Somebody save me!
"Ahhhh!"this is now or never. Kailangan ko na talagang pumasok sa kakahuyan. Wala akong magagawa kung patuloy akong tumatakbo sa daan. Hindi ko na rin alam kung saan patungo itong daang tinatakbo ko.
Lumingon muna ako bago tuluyan ng tumakbo papasok ng kakahuyan. Sa napakadilim at masukal na kakahuyan.
"Hintayin mo kami!"sigaw nila kaya napakaripas pa ako lalo. Kamuntikan pa akong matapilok. Napakasukal pero di naman gaano since hindi 'to magubat pero maraming branches na kanina pa sumisira sa damit ko.
Narration
Patuloy lamang sa pagtatakbo si Aqua kahit hindi niya makita ang dinadaanan niya. Para sa kaniya, nakikita niya ang tinatakbo niya sapagkat talagang malakas ang paningin niya sa dilim lalo na ang pakiramdam niya pero sa sitwasiyon niya ngayon, nagagawa niya lamang ang pagtakbo ng walang alinlangan dahil sa takot niya sa tatlong lalaking 'yon. Ang hindi niya alam ay wala na ang mga lalaki at malayo na rin ang narating niya. Mas masukal na sapagkat nasa gubat na siya. Hanggang sa di niya namamalayan ay nahulog siya sa bangin at nagpasigaw ito. Nagpagulong-gulong siya. Mabuti na lamang at hindi mabato ang bangin at maraming dahon ang nakatakip dito kaya hindi siya nasugatan ngunit madumi na siya. Hanggang sa nahulog uli ito sa isang bangin na kung saan may butas ito ngunit natatakpan ng mga dahon at patuloy siyang nahulog hanggang sa tumama ang ulo niya sa mga malalaking ugat doon. Hindi na nagising si Aqua sapagkat nawalan na ito ng malay. Mayamaya pa ay biglang bumuhos ang ulan at binaha ang lupa ngunit si Aqua ay natatakpan ng malalaking dahon at hindi siya gaanong nabasa. Nagpatuloy ang ulan ngunit tumigil ito ng magbukang-liwayway.
Aqua's POV
Nakaramdam ako ng malamig na kung anong bagay ang pumapatak sa pisngi ko kaya napamulat ako at nasilayan ko ang malalapad na dahon at ang rays ng light between the leaves.
Nasaan kaya ako? Anong nangyari?
"Ouch!"
Napahawak ako sa ulo ko. May nangyari kayang hindi maganda? Yung mga lalaki? Where are they? Hindi siguro naman nila ako nahabol, di ba? Nasaan na kaya ako? Bakit parang napakagubat yata dito. Marami na rin ang tunog ng mga maliliit na hayop at insekto dito. I tried to stand up while holding my hurt head. I looked around and I saw myself shocked.
I am standing in front of these shining and glowing things? I can't believe it! This is so impossible. This most precious thing in the world is right in front of my eyes!
"Gold?!"