NEVER EVER AGAIN

15 2 1
                                    

4 months na din matapos akong umiyak ng sobra-sobra. 4 months at hanggang ngayon nasasaktan padin ako pag nakikita ko siya.

----------
1 and a half year of friendship may mga away pero madaming masasayang memories. Sulit na din ata yung 1 and a half year na pagsasama naming tatlo.

Nagsimula ang pagkakaibigan namin nung Grade 6 palang kami. Si Ai at si Iya. Mas nauna silang maging bestfriends. Oo parang pumasok nalang ako sa exsena. Natutuwa ako pagkasama ko sila. Pero at the same time nasasaktan ako pagsila lang ang magkasama. Na kahit andun ako sa tabi nila, di nila ako inaaya. Parang may sariling mundo sila at sa mundong yun. Sila lang talaga. Unang away namin dahil sa saakin. Nagjam kami sa school, andun din yung friend ko nagrereview daw. Pagdating ko nakita ko sila nagpipicture. Naghi ako. At naghello din sila. Agad nilang binaba yung phone. Ako naman tumakbo papuntang kubo. Hindi naman ako galit or what. Pagpasok ko sa kubo, nakita ko nalang sila na sumunod saakin. Tapos tinanong nila ako kung bakit daw ako tumakbo, sabi ko naman trip ko lang bakit ba? Halata naman na cold kami nun and idk why. Ilang oras din kaming walang imikan. Nagwalk out ako at pumunta kay Pia, yung friend ko nga. Wala nagusap lang kami tapos tawanan ganern, nakita ko nalang silang dalawa na naluluha na. That time, kinausap na kasi ako ni Mama na lumayo na daw ako dun sa dalawa kasi masyado daw BI. Eh ayaw ko. Nung nakita ko na paalis na sila, hinabol ko. Di ko namalayan na umiiyak na pala ako nun. Hinabol ko sila pero hindi nila ako pinansin. After 3 weeks Christmas Break na nun. Hindi padin kami naguusap tatlo. Syempre duh🙄 ako nanaman yung mali😒 Uwian na, kasama kong naglalakad si Bella kasquad ko. Nagkukwentuhan kami. Nagpapaluan hahaha. Nagulat nalang ako ng biglang may umakbay saakin. Si Ai at hinug niya ako. Sorry lang ang nasabi niya. Ako naman syempre nagsorry din ako yung mali eh. Pero agad din naman akong umalis kasi uuwi na nga ako.

2nd naming pagaaway eh dahil kay Iya. Si Iya kasi mas bata saamin nang 1 year. Grade 5 siya nun. Nagtuturingan kami na parang magkakapatid. Kasi ganon talaga kami. Gumawa si Iya nang isang fake account. Yung account na yun boy ang personality niya. Yung account na din na yun yung nagsabi na si Ai lang daw ang tinuturing kong kapatid at parang basura lang daw ang turing ko kay Iya. Umiyak ako, Nagalit ako. Nasaktan ako. Hindi naman ako ganyan. Mali sila. Mas may oras lang kami ni Ai kasi parehas ang sched namin kasi Grade 6 nga. Si Iya kasi yung tipo ng tao na sobrang nakakainis, oo prangka ako. Inaamin ko hindi ako totoong kaibigan kasi may nasasabi akong words na masama laban sakanila. Napakapabebe naman kasi niya. Hindi kami nagbati at bumitaw na siya. Ayaw niya na. Ayos lang naman saakin kasi mas love ko talaga si Ai eh. Simula nun kami nalang ni Ai ang nagtuturingan na magkapatid.

Pangatlo namin pagaaway ni Ai dahil din naman ata saakin. Hindi ko alam pero sinisisi ko ang sarili ko dahil dun. May bagong tropa si Ai. Nawawalan na siya ng oras saakin. Hindi na siya nag-go-goodnight. At ayos lang naman yun. Pero isang araw nahalata niya na lumalayo ako sakanya, nagaya kasi ng picture yung mga katropa niya. As in sinigaw talaga. HOY TROPA PICTURE KITA. Yun yung sabi. Ako naman nakita ko na tumingin saakin si Ai at ngumiti but, inirapan ko siya. Sorry kasi selfish ako. Ayaw kong mawala siya saakin. Basta nawala na rin lang yung galit ko at yung ayos na ulit. Pero hanggang ngayon kasama pa din siya sa tropa na yun. Buo padin.

Umalis siya sa bansa, nag bakasyon kasama family niya. Syempre nagvivideo call kami, wala naman problema dun eh. Nung gabi na yun kasama ko yung pinsan ko si Julianne. Binigay ko sakanya yung phone sila magkachat nun. Syempre, boring ako kausap. Nakikita ko naman sa mata ni Ai na sobrang saya niya tawa siya ng tawa. Sabi nung pinsan ko, nagsabi daw si Ai na wag daw sabihin saakin na mahal niya ako. Syempre as a friend, hindi kami bisexual tungunu hahaha😹 So ako naman napaokay nalang kasi ganon yun eh. Alam niya naman na mahal ko din siya. Hayst. Hindi nagtagal naging cold na ulit siya saakin. Baka dahil sa nasasabihan siya ng mga katropa niya na layuan ako. Pero bawal tayong magoverthink kasi masama yun. Basta patuloy lang yun. Isang araw, dun na. Pinalitan niya ng 😓 yung 💪 tinanong ko kung bakit ganon. Tapos tinanong niya ako kung gusto ko ba daw talaga malaman kung bakit. Oo lang ako ng oo. At nagsisi ako sa nalaman ko.




HINDI KITA TINURING NA KAPATID
















AYAW KO NA! PAGOD NA AKO!









Yun yung sabi niya. Dun na pumatak yung mga luha ko. Dun na natapos ang lahat. Wala na. Wala na. WALA NA AT WALA NANG MAIBABALIK PA.









Kung ako sainyo, wag niyong ibigay lahat. Wag muna kayo magtiwala. Wag muna kayo magkwento ng weakness niyo. Kasi sa huli, masasaktan din kayo. Wag niyong ibigay lahat para kahit iiwan ka niya, may tira pa sayo. Wag ka muna magtiwala kasi sa huli mawawasak din yan.







Oo, inaamin ko na nagkulang ako. Wala na tayong magagawa. Kasi para sakanila kulang talaga yun. Kasi akala natin sobra na para sakanila sobrang kulang pa pala.








Minsan, kahit sabihin pa natin na suko na tayo. Kapag naalala natin kung pano niya tayo napasaya, Bumabalik tayo sa pagiging TANGA🙂







Magkalayo man tayo
still I'll be a your sister magalit ka man sakin. Dito parin ako kalimutan mo man ako.You'll stay sa puso ko at magbago man takbo ng mundo ikaw parin ang bunso ko💙









Kung mabait ang isang kaibigan, sana naman huwag mong samantalahin ang kabaitan niya. Kasi masasaktan din siya. Masasaktan siya kasi totoo siyang kaibigan.








Sa tunay na mga kaibigan mo lang mararamdaman yung kakaibang saya, tawanan, asaran at kulitan.








Hayaan mo na lang yung mga tao na hindi mo na nakakausap at lumalayo sayo at pahalagahan mo yung mga taong handang dumamay at makisama sa mga
kalokohan mo🙂








One of the most beautiful qualities of true friendship is to understand and to be understood.











I'm sad, hurt, angry, mad, and disappointed. But you know what? I'll put a smile and move on. It will hurt but I will survive.











And now I can say that














I AM MY OWN BEST FRIEND











































Recent lang po ito, nung March lang po ito nangyari at this is my story. True to life.


























If ever na mabasa niyo to. I just want you to know that I really care for you. But I'm sorry cause my pake doesn't exist anymore.















THANK YOU FOR READING💖 ILY!❤️

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 01, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

NEVER EVER AGAINWhere stories live. Discover now