Chapter 1

28 2 0
                                    


Umuulan ng malakas nun araw na yun na si Enzo Montenegro A.K.A The Black Dragon ay nakikipaglaban sa unknown assasin na papalit sakanya bilang bagong "Black Dragon".Unknown Assasin sapagkat nakatakip ang kanyang muka at at hindi niya mamukaan o makilala lamang.

Naglalabanan sila sa likod ng isang lumang Building sa Visayas

Ang Titulo ng Black Dragon ay hindi mo basta basta makukuha..

SAPAGKAT KAILANGAN MONG PATAYIN ANG TAONG NA MAY KASALUKUYAN NA HAWAK NG TITULONG ITO.

Natatalo na si Enzo Montengro Kay Raymond Sanchez at sa gitna ng kanilang labanan

NAALALA NYA SI OLIVIA.

Si Olivia ang babaeng minahal nyang lubusan

(Enzo Montenegro Pov)

8 years ago..

~On a rainy day~

Andito ko ngayon sa labas ng isang Restaurant sa Quezon City. Mabuti naman at meron akong masisilungan. Tamang tama at maninigarilyo ako.

Kumuha ako ng isang sigarilyo sa aking bulsa at inilagay ito sa aking bibig upang masindihan ko ito.

At sinimulan ko nang manigarilyo. Habang ang dalawa kong kamay ay inilagay ko sa bulsa ng aking black tie coat.

Napakalakas ng ulan. Kailan kaya ito titigil?

Habang ako ay naninigarilyo nakaagaw sakin ng pansin ang isang babae na patakbong lumalapit sa sinisilungan ko. Basang basa ang kanyang suot na kulay-rosas na damit. Habang hawak hawak niya ang kanyang dalawang sapatos.

Nang makapunta siya sa aking sinisilungan ginamit nya ang kanyang kaliwang kamay upang magpahinga sa harap ng pader dahil sa kanyang pagod sa kakatakbo sa ulan.

Napatingin na lamang ako sakanya habang ako ay patuloy parin naninigarilyo.

Nagulat na lamang ako ng bigla siyang napatingin saakin at ngumiti.

'Hindi ko aakalain na uulan ngayon at nakalimutan ko pa naman magdala ng payong,ikaw?' ngiti nyang sabi saakin 'Basang basa na pati ako' dagda pa nyang sabi habang tinitingan niya ang kanyang basang suot na damit.

'Basang basa ka, Ano nakakatawa dun?' Takang taka kong tanong sakanya. Sino ba naman ang hindi matutuwa? Basang basa na siya dahil sa ulan.

Napatingin na naman siya sa langit at ngumiti ulit

'I like ....Rain' ngiti nyang sabi

'Do You Like It?' dagdag pa niya

'HUH?'

'The Rain I Mean' she smiled vigorously

Napatingin nalamang ako sakanya. A Girl Who likes Rain? Hmmm Interesting.

Lumipas ang ilang buwan at sinimulan na namin lumabas na dalawa. Madalas ko siyang niyayaya sa paborito kong restaurant kung saan dun kami unang nangkita at nagkakilala.

Madalas siyang nagkwe-kwento tungkol sa kanyang buhay at ako naman tong laging nakikinig sa bawat kwento na sinasabi niya.

Alam ko na ang mga bagay na gusto niya pero hindi ko alam ang mga bagay na di niya gusto. Kaya tinanong ko siya. Tinanong ko siya habang kumakain kami

'Olivia,Are there things that you don't like?'

A Killer's Wish(Complete)Where stories live. Discover now