Chapter 7

5 1 0
                                    

"Ako ng hahatid sa kanya. Tara na Jessie". isang Familiar na boses ang sumulpot sa usapan namin ni Luke. Hindi ko na rin natapos ang sasabihin ko kasi bigla nya akong hinila.

"Ano ba!?" Sigaw ko ng kunti. Pero hinila nya parin ako palabas. "Bitiwan mo ko!" Sigaw ko nang kaunti parin. Pero hindi nya parin ako binitiwan. "CHRISTIAN! ANO BANG PROBLEMA MO!?" Hindi ko na napigilan ang pagtitimpi ko sa lalaking to.

"Ang problema ko? IKAW! Ikaw ang problema ko!" Nagtataka akong tinignan sya.

"Huh? Why? Wala naman akong ginawang masama ah? Tsaka sino ka ba para hilahin ako habang nag-uusap kami ni Luke!?" Galit kong tanong.

"Sorry Jessie, Kailangan ko lang ng tulong mo" Tulong? Bakit?.

"Huh? Di ko gets? Kung gusto mo ng tulong ko bakit kailangan pang hilahin ako? Eh pwede namang magExcuse ka!." Galit parin ako.

"I'm sorry. Please Accept my apology, Will you?" Tanong nya. Di ko rin matiis tong lalaking to.

"Ano ba kasi ang maitutulong ko?" Tanong ko.

"Ahhhmm.. Help me to get closer to Kayla. First thing that youre going to do is, Dapat magkaibigan kayo then second is, that's the thing youre gonna introduce me to her. Kung magawa mo yun ay Libre kitang isakay sa Kotse ko hatid kita sa inyo simula bukas. Sa ngayon hindi makarating si kuya manong kasi busy sya, ilebre muna kita ng pagkain. Deal?" Enexplain nya talaga.

Tumango na lang ako kasi ihahatid rin naman nya ako papauwi eh. Mabuti pa yun iwas gastos hahaha..

"Tara na?" Inalok nya ang kamay nya sa kin parang iholding hands ang kamay? Basta yun na yun. Ini apir ko lang yun.

"Oy! Para saan naman yang kamay na yan? Kasali ba yan sa Deal natin? Hindi naman ah? Tsaka di ako ang liligawan mo, si kayla yun. Tara na, maglalakad nalang tayo sa malapit na street food ha? Thank You sa Libre" sabi ko sabay alis na. Tapos sumunod naman sya sa akin.

Habang naglalakad sa kalsada may nakita akong Kwek kwek. Tumakbo ako papunta doon. Hmmm ang sarap ng amoy nya, gusto ko yung may itlog sa pugo.

"Kuya? Magkano po yan?" Tanong ko.

"Ang alin? Yung may Itlog o wala?" Tanong nya din.

"Yung may Itlog po" sabi ko sabay turo sa malaking Kwek kwek na parang yun ang may itlog.

"Aaahh.. Ang may Itlog limang pesos lang ang isa, yung walang itlog ang apat ay Limang pesos lang din" sabi ni Kuya

Nilingon ko si Kumag na nasa Tabi ko "Oy! Sabi mo ililibre mo ko ngayon kasi hindi makaka--"

"Oo na, ito na nga oh." Pinutol na naman nya ang sasabihin ko. Sabay labas ng pera nya "Kuya yung tag five pesos po na may egg apat apat po. Thank you" sabi nya sabay abot ang pera kay manong.

Tapos binigyan kami ni manong ng apat apat. Tapos kinuha ko yung Ma anghang na Sauce ng Kwek kwek. At kina in ko agad.

Napansin ko ding gulat na gulat si Kumag. Oo na ang takaw ko. "Ahahaha!. Hindi ka ba pinaka in ng nanay mo? Bat ba ang--"

"Takaw ko? Yun ba ang sasabihin mo? Ha?" Tinapos ko na ang sasabihin nya.

"Ahaha hindi na ako ang nagsabi nyan" sabi nya na natatawa.

"Hmmmppfff!! Bilisan mo na dyan maggagabi na baka abotan pa tayo ng bukas sa bagal mong kumain" sabi ko habang paubos na yung kwek kwek ko.

Tumango naman sya habang tumatawa. Pagkatapos naming kuma in ng kwek kwek ay hinatid nya ako pauwi habang naglalakad lang kami.

"Thank you nga pala sa libre mo ha?" Sabi ko.

"Sus, wala yun maliit na bagay. Tss!" Yabang nito. Porket mayaman.

"Yabang mo ha, cge na bye" papasok na sana ako.

"Wait!."

"Aaaaaayy!!--"

Napapikit nalang ako, kasi nadulas ako sa hagdan. Nagtaka ako. Ba't hindi ako nabagsak? Ba't parang may kamay sa likod ko. Pagdilat ko (0.0).

Ang puso ko, bat parang tumibok ng mabilis? Napapatitig tuloy ako sa mga mata nyang tsukolate, ang mukha nyang parang prinsipe. Teka? Aiiisshh! "Ammm.. Christian? Hehehe itayo mo na ako" sabi ko na naiilang sa position namin. Kahit hindi naman ako naiilang. Huh? Anong pinagsasabi ko?

"Ay ahaha cgeh yung deal natin ha?" Sabi nya sabay inayos ako patayo.

"Ah oo hindi ko yan makakalimutan" sabi ko sabay ngiti.

Pumasok na ako sa bahay. Pagpasok ko sinira ko agad ang pinto at tumingin ako ng kunti sa Bintana. Nakaramdam ako ng hinayang. Wala na sya.

Pero bakit ganon? Ang lakas ng tibok ng puso ko kanina? Parang gustong gusto ko syang makita palagi. Hindi pa ako nakaramdam ng ganito. Ito na ba ang sagot sa Q2? (Nasa Chapter 1 po ang mga Questions)

Ewan ko. Aisshh, kumain muna ako at pagkatapos kong kumain pumasok na ako sa kwarto ko at nag Study. Pero hindi ako makaFocus kasi inaalala ko yung kanina. Kaso si Kayla lang yung gusto nya. Wag kang assumera Jessie.

Aiiiishhh!! Di ko na kaya. Matulog nalang kaya ako?. Bukas nalang ako magStudy sa Room.

Christian Rhafael's P.O.V.

Pagpasok nya sa bahay nya, tumakbo ako agad palayo sa bahay nila para di ako makita. Bakit ganon ang pakiramdam ko? Ang Wierd.

Parang gusto ko syang makita pa ng matagal na matagal. Paano yan? May Deal na kami. Aiiiisshh okay lang yan.

Tumakbo na ako papunta sa aming bahay medyo malayo kung lakarin pero kung takbohin mo ang lapit lang.

Pumasok na ako sa kwarto ko. Nakahiga lang ako ngayon, iniisip ko lang ang nangyari kanina. Ngayon lang ako nakabalik kumain ng kwek kwek. Simula nung nagkahiwalay kami ni Kim.

Parang may pagkaparehas sila ni Jessie. Parang lang naman. Iba ang feeling ko eh. Parang siya na nga si Kim. O kaya magkamukha lang talaga. Baka magkakamali pa ako.

Matulog nalang ako.

Destined to My EX-CRUSH [On-Going]Where stories live. Discover now