Chapter 8

2 1 0
                                    

Kimmy Jessie's P.O.V.

Kinabukasan. Hahay. Skwela na naman 2nd day of school. Ginawa ko na ang Routine ko sa araw araw.

Pagkatapos non, bumaba na ako para kumain.

Pagkatapos kong kumain ay agad na akong lumabas at pumara ng taxi. Nakasakay na rin ako ng mga 3 minutes yata akong naghintay sa labas. Pagdating ko sa School nagdali dali akong pumunta sa Room.

Pagpasok ko nakita ko si Christian na nakaupo na sa Chair nya. Naalala ko tuloy yung nangyari sa'min kagabi. Tsaka may deal pa pala kami.

Pumunta na ako sa upuan ko katabi si Christian.

"Yung Deal ah?" Bungad nyang sabi sa akin.

"Oo nga, hindi ko yun nakakalimutan tss!" Sabi ko na naiinis. Pano ba naman paulit ulit nalang ba tayo nito?

"Cgeh" sabi nya sabay ngiti sa akin.

Ang ganda ng Lips nya, tsaka pagnagsmile sya lalong gumwapo, ang ganda din ng ngipin nya Pantay pantay tsaka maputi pa. Ang gwapo nya talaga.

"Hoy? Bat ba ganyan ka makatitig? Siguro Crush mo ko noh?" Pangaasar nya.

"Huh? Hindi ah. Ang kapal ng mukha mo mas gwapo pa si Luke. Kapal!" Pagpanggap kong sabi. Totoo yung gwapo si luke. Gwapo naman talaga si Luke.

Nakatingin ako ngayon sa Bintana habang naghihintay sa Teacher. Ang ganda ng paligid. Lalo na yung Clouds na nangform ng Heart, ang ganda. Pinicturan ko yun. Ang ganda. Napangiti ako sa ganda.

"Tulad mo" sabi ng isang familiar na boses.

Tumingin ako sa taong yun. Si Christian. Is he reading my mind? Tulad ko daw?.

"Huh? Anong sabi mo?" Tanong ko. Para masigurado kong tama ba yung rinig ko.

"Wala. Sabi ko yung deal ha?" Nagsisinungaling sya. Sinungaling.

"Aaaahh" sabi ko sabay tingin ulit sa Clouds.

Nakaramdam ako ng kilig. Hindi ko alam pero napangiti ako ng wala sa oras ng narinig ko yung sinabi nya sa akin kanina. Yung TULAD MO. Narinig ko naman yun.

Hindi ko alam bakit na ako nagkakagusto sa lalaking to. Hindi ko alam. Siguro yung sinalo nya ako kagabi. Basta baka yun na yun. Ang alam ko na ay may gusto na ako sa kanya. Siguro gagawin ko ang lahat para sa kanya. Hahay grabi naman yun.

Dumating na ang Teacher namin. As usual ako lang din ang mag aanswer sa mga Q & A parang Miss Universe. Ako lahat. May Groupings pa group kami ni Kayla at ni Christian at iba pa.

Dahil dun, friends na kami ni Kayla. Pagkatapos ng lahat na subjects sa umaga. Lunch time na. Ngayon sabay kami ni Kayla magLunch.

Nasa Canteen na kami ngayon, nakaupo sa iisang table na opposite ang chairs.

"Kayla? May tanong ako sayo. Okay lang ba?" Tanong ko. Tumango naman sya.

"Mag gusto ka ba kai Christian?" Sabi ko na nagFake smile. Masakit kung aminin.

"Ahaha. Sige sasagutin ko yan, pero sa atin lang to..." Sabi nya na agad akong tumango. "...Oo, naGuilty nga ako na pinagsabihan ko sya ng masakit na salita. Basta pag nag usap na kami. MagSosorry nalang ako. Alam ko naman na may Gusto sya sa kin". Nagwink sya sa kin.

"Ahaha. Oo nga eh. Gusto nya ding lumapit sayo ulit. Baka magkatabi na kayo sa susunod kung may naisip na si maam ng Seat plan. Bukas na daw kasi." Sabi ko na nanghihinayang din pag wala na si Christian sa tabi ko.

"Baka nga.. Siguro." Yun nalang ang sabi nya at tinapos na namin ang pagkain namin.

Tapos pumasok na kami sa Room kasi nagRing na din kasi ang Bell.

After nung klase. Haayy salamat makaka uwi na rin ako. Inayos ko na ang Gamit ko.

"Jessie? Tapos ka na? Tara na uwi na tayo" nagulat ako don sa boses na yun.

"Oo na. Tapos na ako." Sagot ko. At sumabay na sa kanya palabas.

"Oh? Ano na?" Tanong nya.

"Pag nag uusap na daw kayo magSosorry daw sya sayo, at..." Binitin ko sya.

"At....? Ano? Wag mong ibitin yung sasabihin mo lalo mo lang akong kinakabahan." NagPout sya.

"Aaaaiiiiisssshhh!, MayGustoSyaSayo!" Binilisan ko ang pagsalita ko na may halong inis.

"Ha? May gusto rin sya sakin? Ahahaha" Nagawa nya pang tumawa ha. Tss! Tinignan ko sya ng masama. Di ko alam bakit.

"Bakit ka ganyan makatingin? Nagseselos ka noh?" Pang aasar nya.

Nagbago agad ang reaksyon ko "Hindi ah! Bat naman ako magseselos? Jealous is not in my Vocabulary. Arasseo (Okay)? Take note of that tss!" Dahil dun nauna na akong lumakad.

Sumunod naman sya agad. At gaya ng sabi nya ipapasakay nya ako sa Kotse nya. At hindi na kami nagka usap ni Christian.

//Fast Forward//

Dumaan na ang One week ng klase namin. Nag exchange na din kami ng Seat plan, ayun magkatabi nga silang dalawa. Ang Prince Charming at ang Muse. Ang katabi ko naman ay si Luke at Ako lang naman ang Beautiful President sa Room namin. Next week may Program daw. May mga Booth na magaganap.

Ayun nagkaayos na ang dalawa, may Love team ng nabuo, Chrisla daw. Tsss ang Badoy. Ano ba Jessie? Tumigil ka na. Sila na. Teka? Sila na nga ba?.

Friday na naman ibig sabihin mag two weeks na. Nandito ako ngayon sa Canteen mag isa lang ako ngayon. Hindi ko na din pinansin si Kayla. O kahit sino man. Except ni Luke na mabait sa akin.

Ang ingay rito sa Canteen. Paano ba naman nandito tong dalawang to. Nilalamok na ako dito sa kati ng mukha nila. Kadiri hindi bagay. Napansin ko ding tumingin si Christian sa akin.

Minamadali ko nang inubos ang pagkain ko. At dali dali rin akong pumunta sa room.

Pagpasok ko. "Miss President? May dumaan dito na nagdadala ng list ng mga Booth daw, at...." Binitin pa ko ni Lia. Nag sign ako ng ituloy ang sasabihin. "At... Nilista ka." Eh ano naman?.

"Lista lang naman eh. Isa lang naman diba? Ok--"

"Dalawa sila Miss President" Kristine. pinutul pa ang sasabihin ko ha. At ano? Dalawa? Sino naman yun?

"Ano!? Sino naman sila!?" Sigaw ko na.

"Sabi ko naman sa inyo eh! Ang kulit nyo" sabi ni Faith sa kanila.

"Miss President? Sa Blind fold Date po at sa Marriage booth. NagMeeting din po kasi kami na hindi muna namin sabihin ang pangalan, baka magalit ka sa kanila. Sige po enjoy nyo nalang next week. Hehe" explain ni Lia.

What?. Baka si Fransis kasi nalaman nila na may pagtingin ako sa kanya at baka naman si Luke yung isa kasi magkatabi kami at marami ding nagsabi na bagay kami.

Baka si...................... LUKE at si FRANSIS nga?

Destined to My EX-CRUSH [On-Going]Where stories live. Discover now