Try not to Cry

13 1 0
                                    


TRY NOT TO CRY A KPOPERS!
-BIAS-
Isang araw hinihiling ko,
Na sana mahawakan ko kamay mo,
Na sana magkaedad nalang tayo,
Na sana nakita at nakilala mo ko.

Pero ipinagkait yon sakin ng tadhana,
Pati mundo natin di nagkaisa,
Pag ako'y tulog tiyak gising ka,
Pag gising ka tiyak napapanaginipan kita.

Kumbaga sa kanta magkabilang mundo,
Kaso iba ang mundo mo sa mundo ko,
Mundong walang pinoproblema,
Pero sakin mundong di ko inakala.

Nagsimula sa ngiti mong di sinasadya,
Pero libo-libong babae ang
nagkakandarapa,
Sa mukha mong cute na ipinapakita,
Pero bakit ako nainlove saiyo bigla?

Wala eh, malakas pumana si kupido,
Sa akin pinana at tyenempo,
Bulls eye pa nga dahil sa puso,
Ang unfair nang dahil saiyo.

Kilala kita mula bata hanggang pagtanda,
Pati birthday mo pinaghahanda,
Kahit di mo ko kilala,
Keri lang basta Mahal Kita.

Sinusuportahan kita sa kung anong
meron ka,
Mapa Concert sa Moa o sa ibang bansa,
Pero sa dami namin tiyak di mo ko
Makikita,
Makikita mo lang ako na isang fan na
kilala ka mula bata hanggang sa
pagtanda. .
Di mo alam na sa tuwing may
mangyayaring di maganda,
Sa iyo o sa grupo ng bawat isa,
Lagi akong nakaantabay kung ayos kana,
Walang oras na hindi kita inaalala.

Sa bawat oras o panahon
Dumaan man ang bagong taon,
Di parin mapapanahon
Ang Pag Ibig ko sayo hanggang ngayon.

Bansang South Korea,
Ang tahanan kung saan ka nakatira,
Diyan din ang pangarap kong mapunta,
Dahil parte na siya ng buhay ng bawat
isa.

Naging inspirasyon kita,
Sa lahat ng aking ginagawa,
Lahat sinikap na tuparin,
Upang maging proud sa akin.

Lahat pangarap na pakasalan ka,
Ang iba ay inaankin kana,
Pero wala silang karapatan,
Dahil di ka hawak ninuman.

Masakit sabihing di ka niya kilala,
Kaya wag kang mag assume ng sobra
sobra,
Baka Sa huli at masobrahan ka,
At iiyak ka nalang basta basta.

Darating ang panahon na aalisin kita sa
buhay ko,
Aalisin ko lahat ng mga poster mo,
Album, koleksyon, merchandise, at
pagiging fan ko,
Pero hinding hindi ko aalisin ang sarili mo
Sa puso ko.

Darating ang panahon na makikita kita,
Masaya na kasama ang iyong pamilya,
Masayang naglalakad sa gilid ng kalsada,
At magkahawak kamay kayong mag
asawa.

Salamat sa panahon na nakilala kita,
Naging parte ng buhay kong maganda,
Ikaw ang dahilan kung bakit ako masaya,
Kaya Salamat sa iyo, at Mahal kita......

Cdt:Christyl Nova Kim Noonxr

EXO UpdateseuWhere stories live. Discover now