Chapter 10: Bonding Part 3

22 4 18
                                    

Satsumi's POV.

"Yes. I will be your Girlfriend."

Sobrang lapad ng ngiti niya dahil sa sinabi ko. Bigla niya akong niyakap at..... O__O.

Alam niyo na 'yun. Pangatlong beses na nga ngayon eh. Grabe siya kapag na-carried away ha?

Gusto niyo malaman ginawa niya? He...K...I...S...S...E...D...me. Kissing monster ba siya? Nakakailan na eh.

Humiwalay din siya. "Sorry." sabi niya. Ngumiti lang ako. "Tara na?"

"Huh? Saan?" tanong ko.

"Sa kwarto natin." bulong niya.

Magsasalita pa sana ako nang buhatin niya ako. "Uy! Ibaba mo ako! Nakakahiya dun sa mga tao." sabi ko. May mga tao din ditong nag-overnight.

"Tsk. Huwag ka na ngang maingay diyan. Akala mo naman magaan ka." sabi niya.

"So, sinasabi mong mabigat ako? Kung mabigat ako, bakit hindi mo pa ako ibaba?" tanong ko.

"Ayoko nga. Kita mo yung mga lalaki dun." sabi niya sabay tingin dun sa mga lalaki na nasa swimming pool. Napatingin din ako. "Hindi mo lang alam pero kung makatingin sila sa'yo parang gusto ka nilang agawin sa akin eh."

"Sa tingin mo, magpapaagaw ako?" tanong ko.

"Hindi."

"Naman pala eh! Ibaba mo na ako." paki-usap ko.

"Ayaw."

"Ah! Ganun pala ha?" sabi ko sabay kurot sa braso niya kahit alam kong mahuhulog ako. Wala akong pake kung mahulog ako basta makawala ako. Nakakahiya na eh.

Pero mali ang hinulugan ko. Imbis na sa lupa ako mahuhulog, sa pool pa. Kainis! Bakit sa pool pa kasi natapat? Tapos sa 8 feet pa.

Nakita ko si Bryan na pumunta sa pool and then, everything went black.

Bryan's POV.

"Satsumi!" sigaw ko. Ang tigas kasi ng ulo ng babaeng iyon! Ayan tuloy, nahulog pa siya.

Tumalon ako sa pool para sagipin itong babaeng ito. Nang makaahon na kami ay nakapikit pa rin siya.

Tsk. Wala na akong pamimilian pa. Kailangan ko siyang i-CPR. Siguro, mas gagana kung mouth to mouth.

Unti-unti akong lumapit sa kanya.

5 inch.

4 inch.

3 inch.

2 inch.

1 inch.

Hanggang sa maramdaman ko na ang labi niya at binigyan ko siya ng hangin. Unti-unti na niyang minulat ang mata niya.

Satsumi's POV.

Naramdaman kong may nakalapat sa labi ko. Para bang may nahalik sa akin--teka, halik?

Minulat ko ang mata ko at una kong nakita si Bryan. So, siya yun. Tinitignan niya lang ako pero hindi pa rin niya hinihiwalay yung labi niya.

Pinalo ko siya sa braso. Parang natauhan siya kaya hiniwalay na din niya yung labi niya.

Bumangon ako sa pagkakahiga. May nakita akong mga tao na nagbubulungan. Hay. "Sorry. Napatagal." sabi niya. Psh. Sinadya niya 'yun eh.

Napansin kong basa yung damit ko. "Meron ba ditong tindahan ng mga damit. Hindi yung mga swimsuit ha?" sabi ko at tumayo. Tumayo din siya.

"Wala eh. Puro swimsuit lang." sabi niya.

"Edi ano nang susuotin ko ngayon? Basa pa naman yung damit ko." sabi ko.

"Halika. May ipapasuot ako sa'yo." sabi niya with matching evil smile. Hinila niya lang ako.

Haluh! Baka may gawin 'to! Pero may tiwala naman ako sa kanya eh.

Hanggang sa makarating kami sa tindahan ng mga swimsuit. "Akala ko ba wala ditong hindi swimsuit?" tanong ko.

"Oo nga." sabi niya. "Dinala kita dito kasi may ipapasuot ako sa'yo."

"Huwag mong sabihin na--"

"Oo. Swimsuit isusuot mo."

"Huh? Swimsuit tapos matutulog? Ano iyon?" tanong ko.

"Yung two piece ang isuot mo. Alangan namang swimsuit isusuot mo."

"Pero--"

"Walang pero, pero." sabi niya. "Ano? Susuotin mo iyang two piece o matutulog kang basa."

Tsk. Bwiset! Ayoko namang matulog na basa. Kumuha na ako ng two piece tsaka iyon sinuot. Yung damit ko namang basa, dadalhin ko nalang dun sa may kwarto. May sampayan dun sa labas eh.

Lumabas na ako at nakita si Bryan sa labas. Eto pala yung nginingiti-ngiti niya.

"Tara na!" sabi ko. Nakarating na kami sa kwarto namin. Sinampay ko muna sa labas yung damit kong basa at pumasok na. Ni-lock ko yung pinto. Baka may pumasok eh.

Humiga na ako sa kama tsaka nag-kumot. "Oh, bakit ka nakakumot? Nahihiya ka ba?" tanong niya na may halong pang-aasar.

"Malamig eh!" sabi ko.

Hindi siya sumagot at may kinuha dun sa kabinet. Lumapit siya sa akin. "Here. Ginawa ko iyan para sa'yo." sabi niya sabay abot sa akin ng...scrapbook.

Binuksan ko iyon. Puro pictures namin nung nag-mall kami kasama si Tita, at kung ano-anu pang pictures namin na magkasama.

"Sabi ko sa'yo, hindi kita kakalimutan di ba?" tanong niya. Tumango ako. "Huwag mo din akong kakalimutan ha?"

Tumango lang ako. "Nagpapaalam ka ba?" tanong ko.

"Hindi. Gusto ko lang sabihin na, huwag tayong magkakalimutan ha? Hanggang kamatayan." sabi niya.

Ngumiti ako at tumango. Humiga siya sa tabi ko at nagkumot din. Syempre, share kami sa kumot. Naramdaman kong binack hug niya ako.

Aish! Nakakailang lang kasi naka-two piece ako tapos dalawa lang kami. Hindi ako sanay ng ganito.

"Bakit parang hindi ka comfortable sa akin?" tanong niya.

"Naiilang lang." sabi ko. Bigla siyang bumangon at tinanggal yung suot niyang shirt. "Uy! Anong ginagawa mo?!"

"Bakit? Mainit eh!" sabi niya. 'Di ko siya pinansin at tumalikod nalang sa kanya.

Maya-maya, humiga ulit siya saka niyakap ulit ako. Back hug. Pero mas malapit siya ngayon.

Owemgy! Ramdam ko yung abs niya! >_<.

Tell me, pano pa ba ako makakatulog nito?

___________

A/N:

Baka heto na muna ang last kong update hanggang June 15. Busy po kasi ako dahil malapit nanaman ang pasukan.

Bye! Hanggang sa muli!

Paalam!

-ayuzuki



My Picture Love (Completed) || #PeopleChoiceFYWC2017 || #SAwards2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon