Chapter 15: Is this where it Ends?

31 4 1
                                    

2 Days Later...

Bryan's Point of View.

Two days na simula nung maospital itong si Satsumi...

Nandito lang ako sa tabi niya. Samantalang yung Blue na iyon, hindi man lang siya binisita nitong mga nakaraang araw.

Ang daya mo naman, Satsumi. Sabi mo hindi tayo magkakalimutan pero bakit mo ako kinalimutan? Pati ba nararamdaman mo nakalimutan mo na?

Nabalitaan ko kanina, sila na daw ni Blue. Akala ko, utak lang ang nakakalimot. Pati pala ang puso.

Sana kaya kong ipaalala sa'yo ang lahat. Ganyan na ba kamanhid ang puso mo, Satsumi? Ganyan na ba 'yan kamanhid para hindi mo maramdaman ang nararamdaman mo sa akin?

Nakatitig lang ako sa kanya nang mapansin kong gumalaw ang isa niyang daliri.

Tatayo na sana ako para sabihin iyon sa doktor at kina Tita nang may tumawag sa akin.

"Bryan..."

Nakatitig lang siya sa akin. Tinawag niya ako na parang kilalang-kilala na niya ako.

"Sorry," sambit niya. "Sorry, sa lahat ng sakit na naidulot ko sa iyo..."

"N-naaalala mo na a-ako?" sabi ko habang pinipigilang tumulo ang aking mga luha.

Tumango lang siya. "Nandito na ulit ako..." sabi niya. "Hindi na ulit kita kakalimutan,"

"Dito ka lang, ha? Hindi kita iiwan, tatawag lang ako ng doktor..." pagpapaalam ko. Tumango lang siya dala-dala ang mga ngiti sa kanyang labi.

Tumawag na ako ng doktor at sinabi kay Tita at Mama ang nangyari. Tulad ko, ganoon din ang nararamdaman nila.

Sobrang saya ko nang marinig ko mismo sa doktor na bumalik na ang ala-ala ni Satsumi.

Makakasama ko na siya ulit. Pagkatapos ng isang buwan na sakit, makakasama ko na rin siya. Mararamdaman ko na ulit ang saya.

Satsumi's Point of View.

Ilang araw na din ang nakalipas simula nang ma-discharge ako sa hospital. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nakikita si Blue.

Balak ko sana siyang i-break kahit na alam kong kakasagot ko pa lang sa kanya. Ngayon ko lang nalaman, utak ko ang nagmahal sa kanya. Utak ang ginamit ko kaya ko siya minahal.

Pero kay Bryan, puso ang ginamit ko. Puso ko ang nagmahal sa kanya. Hindi man lang naramdaman ng puso ko na may nasasaktan na pala ako.

Napakamanhid ko naman. Hindi ko man lang natutunang sundin ang sinasabi ng puso ko nang mga araw na wala akong maalala.

Nakaupo ako sa may bench sa may Park para makipagkita kay Blue at tapusin ang lahat ng meron kami.

Habang naghihintay kay Blue, may biglang tumawag sa akin.

"Satsumi," Napalingon ako. "Sumama ka sa akin, may pupuntahan tayo."

"Pero--" hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang takluban niya ako ng panyo dahilan upang mawalan ako ng malay.

Someone's POV.

"Ano nang plano mo?" tanong niya. Siya ang kasama ko sa lahat ng plano ko sa kanya. Parang kanang kamay ko.

"Basta, ako nang bahala doon."

Bryan's Point of View.

Nasa isang Coffee Shop ako dahil makikipagkita daw sa akin si Coreen. May importante daw siyang sasabihin eh.

My Picture Love (Completed) || #PeopleChoiceFYWC2017 || #SAwards2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon