ZASOIM 12

65 8 0
                                    

12.

ZHEKAINA'S POINT OF VIEW

                  "Brent naman! Hindi mo ba alam kung anong pwedeng kahinatnan nito!?" Rinig kong sigaw ng isang babae. Hindi ako nag mulat.

             "Pag nakarating to kay dad siguradong madi-dissapoint siya sayo." Kilala ko ang tinig na ito.

              "Don't worry Dhyzan. I promised to myself that this is the last time I'll help her.. "

      Siya nga. Nagtulug-tulugan ako hanggang sa matapos ang paguusap nila.

                   "Just make sure Brent. Alam mo naman si dad pag nagalit pero teka nga.. Tapatin mo ako ah...

                     Mahal mo pa ba siya? "

Sabi ni Dhyzan habang seryosong nakatingin kay brent. Hinihintay ko ang isasagot niya. Nagmulat ako ng kaunti..

He gave his cold stares..

                          "I don't love her anymore."

Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa narinig ko.

              "Good." Pinigilan kong hindi maiyak. Bakit sa lahat ng lugar na pwede silang mag-usap ay sa harap ko pa?

Matapos nila mag usap umalis na silang dalawa.

         "Dhyzan.. You're really unbelievable."  I uttered.

         You're a piece of shit. You're a bullshit. I clenched my fist. Gusto kong kalimutan lahat ng narinig ko. Pumatak ang luha sa aking mga mata. Ang sakit. Ang sakit sakit. Tahimik akong bumangon.

Kasalukuyang nasa isa akong kwarto. Nakahiga sa isang queen sized bed. All black ang theme. Yeah. It's her favorite.

Voodoo dolls.

**FLASHBACK 2 YEARS AGO**

              Nakatayo ako sa harap ng isang bahay. I mean mansion. Pinapunta ako ni Dhy sa kanila dahil mag p-practice kami para sa  activity namin kay sir Loyola at yun ay ang ipakita ang sariling talento.

At dahil parehas kami ni ng talent Dhy napagdisisyonan naming magtulungan. Kumabaga parang siya yung judge ko at ako ang judge niya. Maraming nagsasabing maganda ang boses ko. Pero maganda rin ang boses ni Dhy. Kumukuha din siya ng music lessons.

            Ngayon lang ako nakapunta sa lugar na ito. Medyo malayo ito saamin. Napapalibutan ang mansyon ng mga malalaking puno. At parang walang maglalakas loob na pumasok dito.

'Dito ba talaga yun?'

              Tanong ko sa aking isip. Tatawagan ko sana si Dhy ngunit walang signal sa lugar na ito. Hinugot ko lahat ng lakas ng loob bago ako makalapit.Nang makalapit ako sa pintuan agad ko namang kinatok ito.

"Kaina? Ikaw na bayan!"

        Sigaw ni Dhyzan. Bumukas ang pintuan at nakita ko si dhyzan na parang nireyp ang hitsura. Kakagising lang siguro ng loka.

"Pasok ka."

           Sabi ni Dhy habang humihikab pa. Linibot ko ang tingin sa buong bahay.Sa unang tingin para itong isang abandonadong bahay. Pero pagkapasok mo sa loob para kang nasa isang palasyo.

Zuckerberg AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon