Chapter six: Saved

56 1 0
                                    

Chapter 6

"Wait, you know each other?" tanong ni Marco.

I looked at Ethan and gave him a death glare. Gezz.

"Uhh--yeah" Ethan said.

"How?" singit naman ni Zac.

"He's the reason kung bakit ako nabukulan!!" I answered them. And take a glance on Ethan who's looking-- oh let me rephrase the word, who's "staring" at me now. Dahil sa inis ko ay susugudin at sasapakin ko na dapat siya pero pinigilan ako nina Eunesse.

"woah, easy there miss" sagot naman niya. easy?! paano ako e-easy kung binukulan niya ako? pasalamat siya nakatakas siya saakin noon!

"Easy'hin mo mukha mo! Gago"

"Grabe namang galit mo sakin. Aksidente nga lang kasi yun!" pag-dedepensa naman ni Ethan sa sarili niya.

"Yeah, yeah. Whatever" sagot ko sa kanya at umalis na sa kinatatayuan ko.

"San ka pupunta?" tanong sakin ni Eunesse.

"Dance floor. Nabo-bored ako dito eh" sagot ko sa kanya at umalis na ng tuluyan.

Kasalukuyan akong nagsasayaw dito nang may lalaking mukhang manyak sa kanto ang lumapit sakin at nagpagiling-giling sa harap ko. Ew. He's kinda creepy. Dahil sa nandidri ako sa kanya aalis na dapat ako ng hawakan nya ako sa braso ko.

"Saan ka naman pupunta Ms. Ganda?" tanong niya sakin. At ngumiti. Omg! Ang creepy ng smile niya. Tumindig balahibo ko dun.

"Aalis na ako. Bakit ba?" tinry kong itago ang takot at umastang parang nabobored akong kausap siya kahit sa loob-loob ko eh takot na takot na ako sa kanya.

"Hindi pa tayo tapos mag-sayaw eh" sabi niya sakin.

"Hindi naman ako nakikipag-sayaw sayo eh. And one more thing, can you please let me go? Nasasaktan ako eh" sabi ko sa kanya na may halong iritasyon sa boses ko.

"Bakit ba ang arte mo? Sus. Wag ka ng pakipot. Alam ko namang pinagnanasahan mo ako eh" WTH?! Lakas ng self-confidence. Kadiri kaya siya!

"Excuse me?! Ako? Pagnanasahan ka? Ewww!"

"Asus. Sayaw na kasi tayo" sabi pa nya at lalong lumapit sakin.

"Ano ba! Bitiwan mo na nga ako! Nasasaktan na ako!" at mas lalo pang humigpit ang hawak niya sakin. Huhu. Nasasaktan na ako.

"Pare, bitiwan mo na daw. Nasasaktan na daw eh" napalingon naman ako sa nagsalita at nakita ko si Ethan.

"Bakit ka ba nakikialam dito ha? Sino ka ba?" maangas na tanong nitong lalaking may hawak sakin na mukhang manyak sa kanto.

"Ako? Sino ako? Ako lang naman ang boyfriend ng babaeng hawak hawak mo" sabi ni Ethan sa lalaking may hawak sakin. Bigla namang nanlaki ang mata ko. Anong pinagsasabi niya? Boyfriend daw?!

Tiningnan ko siya at kinindatan lang naman niya ako. Ano ba talagang plano ng lalaking ito?!

"Boyfriend ka lang naman eh" sabi nung lalaki.

Bigla namang ngumisi si Ethan at biglang naging blangko ang expression nya. Bumaling ang tingin niya sa gilid at pagkaharap na pagkaharap nya eh sinuntok niya agad yung lalaki.

Natumba agad yung lalaki. OH MY GOSH! What's happening?! Tatayo na dapat yung lalaki pero sinuntok na naman siya ni Ethan at this time nakatulog na siya. Eh? Ganun lang yun? Dalawang suntok lang? Nako naman! Ang angas-angas niya pero dalawang suntok lang pala ni Ethan tumba na siya. Tsk.

Nilapitan ko agad si Ethan at nakita kong bumalik ulit siya sa dating Ethan. Yung mapang-asar na Ethan. Ngumisi na naman siya sa akin. Agad ko siyang nilapitan at sinuntok sa braso.

Someday [On-hiatus]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon