Didn't You Know How Much I Loved You

79 3 0
                                    

Kapag nakasanayan mo nang kasama ang isa't isa at alam niyo lahat nang bagay tungkol sa inyo. Habang lumalaki kayo ay hindi maiiwasan na unti-unting mahulog ang isa sa inyo. Pero paano kung ikaw ang na-inlove at inilihim mo sa kanya ang bagay na ito? At sa araw-araw na magkasama kayo ay ipinaparamdam niyang hindi pwedeng maging kayo at hindi ka niya kayang patulan dahil kapatid lang ang turing nya sa'yo? Pero patuloy mo pa din syang minamahal at binibigyan ng atensyon, hanggang sa isang araw ay harapan niyang ipinakilala ang babaeng alam mong matagal na nyang pinapangarap? Syempre! Masakit sa part mo yun! Dahil harapan kang sinaktan! Pero kahit ganun ay patuloy ka pa ding nagmamahal at sandalan sa tuwing magkakaroon sila ng problema. At isang araw, narealize mong masyado ka na palang nagpapakatanga at bigo. Nagbago ang lahat dahil sa aksidenteng hindi mo inasahan? Nawalan ka ng ala-ala at hindi mo na kilala ang lahat ng taong nasa paligid mo maging ang kaibigan mong minahal mo nang lubusan? At nagtaka sya kung bakit nawala ka dahil wala namang nagpaalam nun sa kanya, dahil kahit magulang mo ay nasasaktan na din sa mga nangyari dahil sa'yo nang dahil sa kanya, kaya mas minabuti ng magulang mo na ilayo ka at ilihim sa kanya ang pagkakaaksidente mo para patuloy na mabura na sya sa alaala mo. Ang pagkawala mo nang matagal na panahon ang naging dahilan para marealize nya ang worth mo hindi lang bilang isang bestfriend kundi isang lover at unti-unti nyang napagtanto na naging manhid sya sa'yo. Mula noon, kahit may girlfriend na siya ay parang may kulang pa din, at doon nya din narealize na mahal na mahal ka pala nya. Hanggang isang araw, nakita ka nyang may kasamang iba at tila masaya ka dito. Hahayaan ka na lang ba nya? O ipaglalaban ka din nya gaya ng ginawa mo pero naging manhid sya? Sa kawalan mo ng memorya ay nagawa mo syang balewalain nung una, pero dahil sa effort nyang ipaalala sa'yo lahat ng nakaraan kung saan masaya kayo at dahil doon ay unti-unti ka na namang nahuhulog sa kanya at iyon ang naging daan para maalala ang noo'y naramdaman mo na, at maging ang pagkabigo mo sa kanya ay naalala mo na rin. At isang araw, nagising ka nang dala-dala mo na ang pagkabigong iyon at nalaman mong iyon ang naging dahilan ng pagkakaaksidente mo. Matatanggap mo pa ba sya o gagamitin mo ang sitwasyon ng pagkakaroon ng amnesia para gumanti sa kanya kahit lahat-lahat ay ginawa na rin nya para sa'yo?

Ganyan ang istorya nila Keith Monteverde at Kellie De Vera na parehas sasambitin ang tanong na "DIDN'T YOU KNOW HOW MUCH I LOVED YOU?"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 16, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Didn't You Know How Much I Loved YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon