Chapter Two: I just met Baby Izzy.

3 1 0
                                    

Mula sa malayo, tinitingnan ko ang mga batang naghahabulan kasama ang Mama at Papa nila.
At naglalaro pa sila sa buhangin. Sand Castles they're making---Paktay.
Nagsalita na naman ako ng English?! Di pwede!
Alam nyo na, anak lang ako sa labas tapos panu kung mag-eenglish ako sa mukha nila? Magmumukha akong feeler!--pero di ko talaga mapigilan eh.
Kahit sa utak ko lang, kelangan pigilan.

Well, we all know the brain commands the heart and the body-- Tama na nga sa pag-e-englis!
Yun nga lang, mahal na mahal ko ang subject na english mula nung kinder pa 'ko.
Psh.
Tumayo na 'ko mula sa pagkakaupo sa buhangin at pumunta na sa bahay--bahay ni Lola Angelina.
Hello? summer? Magto-two months na kami dito.
Pero uuwi naman kami after 1 week eh.
Pasukan na kasi.

"Zara, get me and my visitor a juice." Napatingin ako sa dalawang umuupo sa sofa.
Si Ate. Makademand, wagas.
Pero sanay naman ako.
At may lalaking kasin-edad nya. Nakita ko na sya  eh. Di ko lang matandaan... "ZARA! BINGI KA BA?! Sabi ko kunin mo---"

"Di ka kasi nagpe-please." Sabi naman ng lalaking katabi nya.

"Oh. Right. Please, ZARA." Diniinan nya pa. Tsh. SARKASTIKO.
Pumunta nalang ako sa kusina at itinimpla sila ng juice.

Ang kanyang brown na buhok, matangos na ilong at ang pouting lips nya. San ko sya kaya huling nakita?

-------'CRAAAAAAAAASHHH!'

Paktay! Nabasag ko ang baso! Nalimutan ko tuloy kung anong ginagawa ko!

"Ano ba yan! Zara naman eh!" Yan. Andito na sya.

"Nahulog kasi..." OA ah. Tsh.
Sinimulan kong pulutin ang mga basag na parte ng baso.

"Hey, stop. Masusugatan ka." Napaangat ang ulo ko sa nagsalita.
Ang lalaki. Baw.

"Kelan ka pa naging concern sa kanya?" Gigil na sabi ni Ate sa kanya.

"Di ako concern. Kunin mo na nga lang ang dustpan." Ayun, padabog na umalis si Ate.
Haha. Buti nga.
Siguro inlababo ng sobra si Ate sa kanya kaya lahat ng utos nito, sinusunod nya.
Sinusunod ko rin naman si Ate ah. Pero ibang istorya na yun.
Inayos nya ang long sleeve nya't tinulungan ako kumuha ng mga basag na parte ng baso. "Di ka kasi nagfo-focus eh. Maybe you're thinking about your boyfriend? " tumawa sya ng mahina.

Di sya tumitingin dito at patuloy lang sa pagpulot. Inangat ko ang tingin ko sa mukha nya.
It struck me.
Ba't ang kinis ng mukha nya? Gumagamit kaya 'to ng silka? At ang kilay nya! Ang kapal. Siguro makapal din ang mukha ne'to. Haha. Joke.
Tsaka, ba't mukha syang artista sa angolo ko?!
Shoot. False eyelashes kaya ang nasa pilikmata nya?----

"Hoy. Tulala ka dyan?" Paktay. Tumingin sya sa mata ko!

"Di, may inaalala lang." Palusot ko at itinuon nalang ang mata sa baso.
He got...gray eyes. Foreigner kaya 'to?! Gray nga ba yun? Nag-e-englis nga ako, lulubusin ko nalang. Yun ay kung sa utak ko lamang.

"Ows. Baka nagagwapuhan ka sakin." Tatawa-tawa pa sya bago tumayo at inilagay ang mga basag sa lamesa.

Umangat ulit ang tingin ko sa pag-aayos nya ng damit nya sa harap ko. Sya na ang stylish. Kuhang-kuha nya ang porma ng mga Korean eh.
Yung mga telang may mahaba at maliit sa bandang bewang mo. Parang pang bakla eh!--- Teka!
Natatandaan ko na sya! Siya ang lalaking pumunta rin sa bahay namin at inilabas si Ate! Tandang-tanda ko pa ang suot nyang pink na long sleeve!

"Girlfriend mo ba si Ate?" Tanong ko at tumayo saka may inilagay sa mesa. Nahalata ko ring mas mataas sya sa'kin ng konti.

Nagkibit-balikat sya at nagsmile. "I thought you already know." Magtatanong ba 'ko kung alam ko? "Yes, I am. You're so dense you know that?" He chuckled. Bakit? Kailangan ko ba talaga malaman?

"I'm---"

"ZARA! Stop flirting with him! Linisin mo na ang binasag mo!" Mabuti nga di 'ko napatapos ang pag-e-englis ko!
Kinuha ko ang dustpan mula sa kamay nya at inisa-isa ang mga basag sa dustpan.

"She's not flirting. She's just asking..."

"Whatever. Let's go Baby Izzy." At ini-lock nya ang braso nya sa lalaki papunta sa sala.

Ah. So Baby Izzy pala pangalan nya? Haha, so...

"Don't call me Baby, Chel. Nakakahiya." rinig na rinig ko pa mula dito.

"Di ah..." sabi naman ni Ate.

Ahh...so gets ko na. Talagang Baby Izzy pangalan niya. Cute noh? Di bagay sa kanya. Haha.
Bakit? Kasi cool sya! Haha.
Linis na Zara, linis.

*

I'm back again!!!!! How's Zara?  Want to meet her more? Or mas gusto nyo i-meet ang korean-style-guy? Haha.
Di ko na kayo pipigilan.
But don't forget to leave comments and votes, kay? :>

XOXO,
         Christine :*

What Breaks My Heart (Slow Down Time 2)Where stories live. Discover now