Chapter 13: A chance

14 2 0
                                    

Kath's POV
Ngayon mag kasama si France, Christian at ate Kristy. Di ko alam pero ng dumating si ate dito nawawala na ang nararamdaman ko para kay Christian. Halata naman na may gusto si ate kay Christian at si Christian may gusto kay ate. Halata din naman si France may gusto din siya kay ate. Hays Love triangle

"France parito ko" sabi ko

"Bakit?" Tanong niya

"Basta ka" sabi ko

Hindi na siya nag tanong at pumunta sakin

"May gusto ka ba kay ate?" Tanong ko. Di na ako mapakali kailangan ko ikompirma

"Oo bakit?" Tanong niya. Hindi na ako nagulat kasi halatang halata naman

"Sabi ko na nga ba e" sabi ko

"Oo may gusto ako sakanya. Pero halata naman na may gusto siya kay Christian kaya wala akong balak sabihin sakanya" sabi niya

"Alam mo akala ko nag give up ka na. Akala ko pumayag ka na na ifriend-zone ka ni ate yun pala nag torpe-zone ka lang. Bkt kasi di mo na sabihin malay mo pag sinabi mo bigla mawala feelings niya para kay Christian" sabi ko

"Haha. Mawawala nalang?. Hindi yun basta basta mawawala ang nararamdaman niy para sakanya. Kung hindi mo lang nahahalata mukhang mahal na niya si Christian kaya hindi lang basta basta mawawala yun." Sabi niya

"Bahala na nga" sabi ko "may isa lang ako na tanong."

"Ano yun?" -France

"May gusto ka pa din sakanya?" Tanong ko

"Wala" sabi niya

"E pero ak--" naputul yung sasabihin ko ng bigla siyang umimik

"Di ko siya gusto kasi mahal ko na siya" sabi niya

"Eh kung mahal mo siya bkt di mo siya ipaglaban?"

"Para saan pa? Ipaglalaban saan? Kahit naman ipaglaban ko siya hindi basta basta pupunta yung puso niya sakin. Tanggap ko nanaman na wala na talaga"

"Di mo kasi alam. Ang tipo ni ate ay yung mag mamahal sakanya ng lubos. Ang tipo niya ay yung mga taong kaya siyang ipaglaban. Ang tipo niya ay yung alam niyang wala na pero minamahal pa din siya. Kaya kung ako ikaw gawin ko ang lahat para lang mapaakin siya." Sabi ko

"E diba nga parte ng pag mamahal ang pag kawala"

"Paano mo siya papakawalan e di pa nga sayo"

"Sige gagawin ko yung sinabi mo. Pero bakit biglang parang gusto mo ako tulungan sa mga ganitong situation?"

"Kasi gusto ko napapasaya si ate at alam ko na ikaw lng ang magpapasaya sakanya"

Tumango nalang siya at umalis

--
Christian's POV
Nandito ako kasama ko si France at kristy. Nag uusap kami ng biglang tinawag ni kath si France

"France parito ka" sabi niya

"Bakit?" Tanong ni france

"Basta ka" sabi niya

Umalis si france at pumunta kay kath.

Habang nag uusap si Kath at France may sinabi sakin si Kristy pero hindi ko masyadong narinig

"Christian?" -kristy

"Ha? Bakit?" Tanong ko

"Sabi ko kung gusto mo mag lunch tayo mamaya. Wala pa kasi sinda ate at may work pa naman parents natin. Or kung may gagawin ka di i tatake out ka nalang namin" -kristy

"Sige sige wala naman akong gagawin mamaya" sabi ko

"Ano kayang pinag uusapan nila? Mukhang malalim ang topic."-kristy

"Siguro"

Nandoon lang kami habang hinihintay si France na bumalik sa upuan namin. May itatanong pa ako kay france. Pero hindi ko lang alam kung paano ko itatanong.
Naisip ko lang itanong sakanya kung may gusto pa ba talaga siya kay kristy.

Bumalik na si France saamin at umupo sa tabi ko.

"Guys babalik lang ako sa bahay nandoon kasi mga punsan ko sasabihin ko sakanila yung lunch natin" sabi ni Kristy at umalis

"Lunch? Anong lunch?" Tanong ni France

"Um.. Mag lulunch tayo mamaya pero hindi pa alam kung saan. Inisip ko sa terraces nalang tayo kumain. Kung sa terraces tayo either Kenny rogers tayo or sa shakeys" sabi ko

"Ok mas maganda siguro sa kenny rogers" sabi niya

"Sige doon nalang tayo" sabi ko "France may itatanong lang ako sayo"

"Ano yun pre?"

"May gusto ka pa din ba kay Kristy?" Tanong ko

"Oo naman bakit?" Tanong niya

"Wala lang" sabi ko

"Pre may gusto ka ba din sakanya?" Tanong niya. May gsto pa nga ba ako kay Kristy? Para kasing wala na

"Ewan ko ba pre parang wala na. Hindi ako sure sa nararamdaman ko. Sa una Oo may gusto ako sa kanya pero sa huli parang may iba na sa puso ko" sabi ko

"Alam niyo ang corny niyo" nagulat kami parehas ng bigla sumulpot si Blake "kayo mga pinag kakacrush niyo pinsan ko. Kung bugbugin ko kaya kayo"

"Blake naman prealam mo naman na hindi napipigilan ang nararamdaman namin" sabi niya

"Hays. Corny niyo talaga" sabi ni Blake

"Bitter ka lang" sabi ko

"At WOW! Nanggaling pabtalaga yun sayo a. Tanda mo ng binusted ka ni lorraine pagkatapos nuon sobrang bitter mo" -Blake

"Blake! Alam mo naman na ayaw niya na binabanggit yung name niya" -France

"Ayos lang pre matagal na yun at move-on ba ako" sabi ko

"Tigil tigil na nga yang mga love na yan! Laro nalang tayo!" Sabi ni blake at hunagis sakin ang bola tumayo kami at umalis

Summer vacationWhere stories live. Discover now