Our Home

22 1 0
                                    

Mandy Antonette's POV

Nandito ako ngayon sa hospital binabantayan si tata. Si nana naman ay namalengke. Mabuti na nga lang at kahit papaano ay malaki ang espasyo nitong kwarto ni tata may living room pa nga eh. Iba yung tv na nasa tapat ng higaan ni tata. Pede ka pa nga matulog sa laki ng sofa bed. Kaya dinadalhan ko nalang dito ng damit niya si nana eh para hindi na mapagod umuwi. Nagpumilit nga lang ngayong mamalengke si nana dahil magluluto siya ng paborito ni tata.

"Apo,nandyan ka pala. Kamusta ka naman?"-tata

"Okay naman po ako tata. Kayo po? Kamusta ang pakiramdam ninyo?" Tanong ko sa kanya habang nilapitan ko siya at umupo sa gilid ng kama.

"Ayos naman na ako apo! Ako pa ba! Malakas si tata mo! Nasaan nga pala ang iyong nana?" Pambibirong sabi ni tata.

Natawa naman ako sa sinabi niya.

"Namalengke po si nana. Ipagluluto daw po kayo ng paborito ninyo. Dapat kasi kumain kayo ng madami tata para mabilis kayong gumaling. Alam kong namimiss niyo na ang sakahan. Wag po kayong mag alala at hindi yun pinababayaan ng mga trabahador natin." Mahabang litanya ko kay tata.

"Eh, natural lang naman apo na alalahanin ko ang sakahan wala tayo doon ngayon. Mabuti nga at umuwi ang nana mo at ipagluluto ako makikita niya ang lagay ng sakahan." Sabi naman ni tata.

James Gregorio's POV

Naglalakad ako ngayon dito sa supermarket ng may makita akong matandang sobrang dami ng bitbit. Halos hindi na nga magkanda-dala si lola. Lumapit na ako sa kanya.

"Lola,tulungan ko na po kayo." magalang na sabi ko rito.

"Ay naku! maraming salamat iho. Pahatid na lamang ako sa sakayan ng tricycle iho." sabi naman ni lola.

"Naku lola, napakadami ng dalahin ninyo hindi po ito magkakasya sa tricycle at baka mamaya eh mapahamak pa po kayo. Ihahatid ko nalang po kayo sa pupuntahan ninyo. Ayan lang naman po malapit sa atin ang kotse ko. Yan pong kulay light blue." sabi ko rito at inalalayan na ito makapunta sa aking kotse.

Pinaupo ko na si lola sa passenger seat at ako na ang nagpasok at nag-ayos ng mga dalahin niya sa likod ng kotse. Pagkatapos ko ay sumakay agad ako sa driver's seat. Tumingin ako kay lola at nakita kong inaayos nito ang seatbelt niya.

"Lola, saan po tayo?" tanong ko.

"Nana nalang iho. Maraming salamat ah at tinulungan mo ako. Sa sakahan tayo iho. Sa dulo nitong kalyeng ito." nahihiyang sabi ni nana.

"Ok po nana. Ako nga po pala si James Gregorio Villareal. Kayo na pong bahala kung anong gusto niyong itawag sa akin nana." sabi ko kay nana at pinaandar na ang kotse.

"Villareal ka iho?! Aba! Akalain mo nga naman ang pagkakataon at makikila ko ang isang tagapagmana ng Villareal. Villareal ang pinakamayaman na pamilya sa siyudad na ito Gregorio." namamanghang sabi ni nana.

Napangiti nalang ako sa sinabi niya at sa kanyang reaksyon dahil sobra ang pagkamangha nito na nakakilala ng isang Villareal.

"Hacienda Celestine. Dito po kayo nakatira nana! Hindi ninyo naman po sinabi na kayo si senyora Nanalie!" gulat na sabi ko rito.

"Eh, quits lang tayo apo. Hindi mo rin naman sinabi sa akin na isa ka palang Villareal noong tinulungan mo ako." sabi nito sa akin.

"Haha! Kayo talaga nana! Totoo nga po ang bali-balita na napakabait at palabiro ang senyora ng celestine. Hahaha!" natutuwang sabi ko kay nana.

"Naku! ikaw bata ka, nakikinig ka sa mga chismis nila ah! chismoso pala ang mga Villareal ah! Hahaha! Tara na at tulungan mo akong ipasok ang mga pinamili ko. Dito ka na rin kumain at mamaya ay isasama kita sa hospital para makilala mo aking asawa. Paniguradong matutuwa yun na makita ka dahil pangarap nun na makita o kaya makakilala ng isang Villareal kahit noon pa man." mahabang sabi ni nana.

Villareal Heirs Series 1: The Billionaire's AddictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon