Reveal the Truth

1.1K 19 0
                                    

Ashyah POV

Ngayon na ang araw na sasabihin ko sa kanilang lahat na fake amnesia lang ang ginawa ko,di naman siguro sila magagalit dahil may malalim akong dahilan kaya ko ito ginawa.

Habang nasa labas sila ng kwarto ko at kausap ang doctor ko kung kailan ako makakalabas ay kinuha ko ang singsing ko na binigay sakin ni kevin nung isang araw tsaka ko ito sinuot sa dalawa kong daliri.

Sakto naman na pumasok na sila,tumingin sila sakin at napansin naman ni eunice na suot ko na ang singsing.

Ate?sinuot mo na ang singsing na binigay sayo ni kuya Kev means naaalala ko na kami?sabi ni eunice

Nope...ang totoo niyan di talaga ako nagka amnesia nagpanggap lang ako para di ako masaktan sa gagawin ni kevin.sabi ko

Nagpanggap ka lang?tanong ni euan

Bakit ka naman masasaktan sa gagawin ni kevin?tanong ni kuya knight

Di yun ang ibig kong sabihin kaya itigil mo na yang iniisip mo na gagawin ko.sabi ni kevin

Lo nakikipaghiwalay na siya sakin dahil sawang sawa na siyang maghintay sakin kaya paayos niyo na ang annulment na gusto niya.sabi ko

Iba ka kase mag isip kaya ganiyan ang naiisip mo.sabi ni kevin

No!yun talaga ang gusto mong iparating sakin kaya binibigay ko na sayo ng buong buo.sabi ko at tumayo na

Magaling na ako at nakabihis na ako,gusto ko nang umuwi samin at makasama ang mga anak ko.

San ka pupunta?tanong ni kuya edward

Uuwi na,susunduin ko lang ang mga anak ko sa bahay namin at dederetso na ako sa bahay ni dad.sabi ko at umalis na

Hiniram ko kase kay kenneth ang kotse niya kaya na sa akin ito ngayon,pina andar ko ito papunta sa bahay namin.

Magaling na ako pati na ang sugat ko sa tiyan.

Bumaba agad ako sa kotse at pumunta sa loob ng bahay namin,pagpasok ko ay nakita ko ang mga anak ko sa sala.

Mommy?tanong ni baby ash at niyakap ako ka sunod nila Vince at Vincent

Pumunta na kayo sa kwarto niyo at mag impake,aalis muna tayo dito at pupunta sa bahay ng lolo niyo.sabi ko at umakyat na sila

Pumunta na din ako sa kwarto namin at nag impake pero di pa ako nangangalahati sa pag iimpake ay pumasok si kevin at niyakap ako sa likod

Please wag mo akong iwan,di ko kaya na wala ka sakin.sabi niya

Bitawan mo ako,sa isang araw maibibigay ko na sayo ang annulment paper natin at magiging malaya kana.sabi ko

Di naman yun ang ibig kong sabihin ng araw na yun eh,ang ibig kong sabihin ay wag mo na uli akong iwan na di ko naman alam ang kalagayan mo dun sa Japan.sabi niya

Ewan ko sayo.sabi ko at humiwalay sa kaniya

Hon naman eh.sabi niya at niyakap uli ako sa likod

Kevin bitawan mo kase ako.sabi ko

Aalis na kami ng mga bata dito kaya malaya ka nang gawin ang gusto mo at wala akong pakialam.sabi ko at bigla niya nalang akong hinalikan sa labi ko pero nilayo ko agad siya sakin

Ano ba!sigaw ko sa kaniya

Kakasabi mo lang na gawin ko ang lahat at wala kang pakialam.sabi niya

Di yun ang ibig kong sabihin,diko naman sinabi na gawin mo lahat ng gusto mo sakin.sabi ko

Basta ito ang gusto kong gawin ngayon kaya please wag mo na akong iwan please lang. sabi niya at hinalikan ako sa labi

At ang mga taksil ko nanamang labi ay tumugon sa mga halik niya,naging malalim ito hanggang sa huminto siya at humarap sakin

New Life(Book2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon