Ang sinulat kong ito ay para sa mga tao na iniwan ng kanilang minamahal ng walang sapat na dahilan. Naiwanan sila ng maraming tanong na "bakit?" sa kanilang isipan. This is my first spoken poetry so medyo mahaba :)
Mahal, naaalala ko pa ang unang araw ng ating paguusap
Ang araw na tinawag mo ang aking pangalan at ika'y nagpakilala
Ang araw kung saan ang pagkakaibigan natin ay nagsimula
Mga araw ng pagkilala sa ating mga sariling buhay
Mga araw na puno ng mga paguusap na tila walang humpay
Sa silid - aralan tila kanilang napansin
Ang kakaibang relasyong namumuo sa atin
Mahal, saksi ang araw, buwan at mga bituin
Sa napagkalagkit at tamis na tinginan natin
Na dumaan sa asaran, biruan, kulitan na humantong sa aminan
Ika-10 ng Oktubre ng araw na iyon, ang lakas ng tibok ng aking puso
Tibok na tila magpapasabog sa aking dibdib na may gustong sabihin sa'yo
Tibok na may gustong itanong para lamang sa iyong puso
Tanong na ang tanging hinihinging sagot ay ang salitang "OO"
" May gusto ka ba sa akin?" Lumabas ang tanong na kinimkim ko ng dalwang buwan
Tanong na para lamang sa iyong puso
Tanong na ang tanging hinihinging sagot ay "OO"
At sa pagbuka ng iyong mga labi aking napakinig ang salitang "OO"
Tila natuldukan ang aking pagaalinlangan
Dahil sa'yo na mismo nanggaling ang sagot na aking kailangan
Ang saya-saya ko mahal! Gusto ko umiyak,gusto ko tumakbo, gusto ko sumigaw!
Dahil sa ika'y nagsinta na ng iyong panliligaw
Ang saya - saya ko dahil sa ikaw, ako at sa tayo
Ngunit sa isamg kisapmata, ang lahat ay mapapawi lang pala
1,2,3,4,5,6... anim na buwang pagsasama
Anim na buwan na puno ng mga masasaya at matatamis na alaala
Anim na buwan na puno ng mga pangako at salitang "mahal kita"
Anim na buwan na magtatapos lang pala sa salitang "malaya ka na"
Mahal, sa pagbikas mo ng salitang iyon tila may parang espadang tumutusok at dumudurog sa aking nasisirang puso
Parang pas-an ko ang langit at lupa mahal...
Na sa bawat salitang iyong binibitawan, isang luha ng lungkot ang umaagos sa aking mga mata
Na sa bawat pagsasabi mo ng salitang "paalam", isang babae ang napapahagulhol sa sakit, pighati at kalungkutan
Kase bakit?! Bakit mahal?!
Paano mo nagawang itapon lahat ng ito na parang isang naglahong bula?
Paano mo nagawang pabayaan na lang ito at hayaan na lang mawala?
Paano mo nagawang mang-iwan ng walang sapat na dahilan?
Bakit mahal? hindi ba 'ko sapat?! panget ba'ko?! kapalit-palit ba 'ko?! o baka naman hindi ka lang talaga nakuntento...
Bakit?! Pakipaliwanag naman mahal, para malinawan ako
Ang daming tanong sa isip ko na "bakit"
Pero ang sagot mo lang ay patawad at sorry...
Bakit? Bakit?
Mahal na mahal pa rin kita... Dito, dito, ikaw pa rin ang laman ng puso't isipan ko
Pero hindi, hindi ako magpapadala dito
Babangon ako at ipapakita ko sa'yo ang babaeng pinakawalan mo
Babangon ako at ipapakita ko sa'yo ang batas ng taong pinaasa mo
Babangon ako at ipapakita ko sa'yo na sa bawat pag-ahon ko tanging pagsisisi ang mararamdaman mo
At sa ating muling pagkikita... ikaw ang mapapahabol sa aking pagbabago... mapapapikit at siya ng mapapatanong ng "Bakit?"
YOU ARE READING
Spoken Words
PoetryA book that consist of many Spoken Word Poetry inspired by people that are part of my life.