This is actually my performance in our Filipino Class.
Ang tulang ito ay para sa mga taong iniwan ngunit patuloy na umaasa.
Bakit nga ba sa lahat ng tao ikaw pa?
Ikaw pa ang natipuhan, ikaw pa ang nagustuhan,
Hindi ka naman si Piolo na sobrang gwapo, hindi si Einstein na matalino at si Joshua na matino,
Ngunit ikaw pa..
Sisimulan ko sa pagbibilang mula sampu hanggang isa,Sisimulan kong sambitin ang mga dahilan kung bakit sa lahat ikaw pa,
Sisimulan kong ilabas ang kinikimkim ng puso at nadarama,
Sisimulan kong ipahiwatig kung bakit sa lahat ikaw pa ang siyang nakitaSAMPU. Sampung beses tumibok ang puso kong nasa kawalan noong ika - sampung araw ng ika - sampung buwan,
Sampung palo. Sampung hampas ang ginawa ko sa dibdib ko upang maramdaman, maramdaman na nakakaramdam na akong muli ng tumibok na pag-ibig at hindi kamanhiranSIYAM. Siyam na araw kong inisip kung hahayaan ko bang mahalin ka ng puso ko,
Dahil higit sa siyam na beses na akong nasaktan ngunit ang umibig ay ang laging pinipili ko,
Ngunit hindi man siyam ang buhay na meron ako,
Totoo. Totoo itong nararamdamn ko para sa'yoWALO. Walong pagkakataon na ng pagamin at paghayag ng pag-ibig ko,
Na binalewala at sinayang dahil natatakot ako,
Natatakot ako na baka hindi mo mahalin ang katulad ko,Nagaalinlangan. Nagaalinlangan ako na baka hindi ibigin ng puso mo ang puso ko
PITO. Pitong biro at pitong tawa,
Pitong beses kong nakitang sumingkit ang iyong mga mata kasabay ang mala-anghel na pag ngiti,
Pitong beses kong pinuri ang ilong mong 'sing tangos ng sa artista,
Pitong beses kong pinagmasdan ang iyong mga matang mapang-akit
Pitong beses kong pinadama sa tenga mo ang lakas ng kalabog ng kong sumisinta,
Ngunit bakit kaya ganon sa atin ang tadhana?
Pagkatapos ng lahat ng pinadamang saya, sa isang kurap kabaligtaran ang isusukli niyaANIM. Anim na buntong hininga. Anim na kurap ng mga mata,
Sumunod ang patak ng mga luha ,
Sumunod ang mga tanong na BAKIT BA? BAKIT NGAYON PA? BAKIT NAGMAHAL KA NG IBA?Kung kailan MAHAL NA KITA,
Masaya ka na sana kung hindi ka lang nagmahal ng iba
LIMA. Limang tasa ng kape ang iniinom ko araw - araw para magising sa katotohanang wala ka na,
Limang bote na ng tubig ang naiinom ko pero mistulang nagiging mga luha,
Limang bote na ng alak ang nauubos ko para malimutang mahal pa rin kita,
Limang sampal ang ginawa sa sarili para malamang buhay at kinakaya ko paAPAT. Apat na mahahalagang rason kung bakit mahal pa rin kita hanggang nagyon,
Minahal kita dahil sinagip mo ko sa pagkakalunod ko sa pag-ibig noon,
Minahal kita dahil ang mga tanong sa puso ko na nagsilbing tinik ay ikaw ang tumugon,
Minahal kita dahil mahal kita. Minahal kita at mamahalin pa rin kitaTATLO. Tatlong rason kung bakit mamahalin pa rin kita,
Mamahalin pa rin kita dahil may parte sa puso ko na ikaw lang ang makapagdidikta,
Mamahalin pa rin kita dahil kahit sa pagpikit at pagtulog ko ay panaginip pa rin kita,
Mamahalin pa rin kita dahil mas mahalaga ang nararamdaman ng puso kaysa sa nakikita ng mga mataDALAWA. Dalawang klase ng pag-ibig ang meron ako at meron ka,
Pag-ibig na ipaglalaban ka at pag-ibig na papalayain ka,
Dalawa. Dalwa dapat ang tauhan sa kwento na ito pero ngayo'y nagiisa na,
Pero oo, nagiisa ngunit dalawa.
Dalawa pa rin ang laman ng puso ko, TAYONG DALAWAISA. Isang rason kung bakit nagbabakasakali at naghihintay pa rin na magbalik ka,
Isang dahilan kung bakit inibig kita, iniibig kita at iibigin pa rin kita,
At iyon ay dahil kahit nakapikit ang aking mga mata, KITA KITA.
YOU ARE READING
Spoken Words
PoetryA book that consist of many Spoken Word Poetry inspired by people that are part of my life.