Ang tulang ito ay isinulat ko para sa aking mga kaklaseng nagpadama sa akin ng tunay na pagmamahal at pagkakaibigan. Hey guys! sobrang salamat sa lahat ha! kahit di na ako parte ng klase niyo:( sana muli tayong magkasama-sama. Para sa inyo ito!mwuah!:)
"Ayaw ko", ito ang salitang unang pumasok sa isipan ko noong ako ay mapalipat
Isang pangyayari na nakakagulat para sa lahat
Isang desisyon na sa tingin ko para sa akin ay hindi dapat
Dahil tunay na nakapagtataka kung dito ako ay karapat-dapat
Unang araw ng pasukan, ako ay kinakabahan
Ramdam ko na ang kompetisyon na sa ibang section ay pinaguusapan
Paano ako aagapay? Sino ang aalalay at gagabay?
Pumasok ang mga tanong na iyan sa isipan ko natila sa akin ay nagbibigay lumbay
Ngunit, lahat ng pagaalinlangan ko ay natuldukan
Dahil sa ang akala kong kompetisyon ay isa pa lang masayang samahan
Ang akala kong mga araw ng katatakutan ay puno pala ng kasiyahan
Ang akala kong nakakahiyang kausapin na mga kaklase ang siya pang lalapit at unang makikipagusap sa akin
Ang aking mga maling akala ay napaltan ng mga masasayang alaala
Dahil sa section na ito, ako ay nakahanap ng isang mapagmahal na pamilya
Tunay na pagmamahal at pagkakaibigan sa akin nila ipinadama
Samahan mo pa ng isang dakilang nanay na si Ma'am Rebecca Dela Cueva
Teka, saglit mukhang ang salitang "Ayaw ko" na sinasabi ko nung una ay akin muling sasabihin
Ang aking huling mensahe, sana ay inyong dinggin
Hindi ito tula ng pamamaalam
Tula ko ito ng pagmamahal
Pasensya na, kung hindi ko naibigay ang best ko
Pasensya na, kung nagkulang ako
Pero pangako, babawi ako para sa inyo
At lagi kayong babaon sa puso't isipan ko
Hinding-hindi ko kayo malilimutan
Ang ating pagkakaibigan ay mananatili magpakailanman
Mahal na mahal ko kayo, tandaan niyo iyan:)
Grade 9 - Mary Mediatrix of All Grace:)
YOU ARE READING
Spoken Words
PoetryA book that consist of many Spoken Word Poetry inspired by people that are part of my life.