This spoken poetry has already been posted by my dear friend @piggyjulli...And I thank her so much for that:) So, ang sinulat kong ito ay tungkol sa isang tao na inaalala ang masasaya nilang gawain ng kanyang mahal sa buhay hanggang sa mapagtanto niya na alaala na lang lahat ng ito...
Yakap, hawak kamay at halik sa noo
Mahal, ito ang mga bisyong ating nakasanayan sa maliit nating mundo
Mga panahon na tayo ay nasa alapaap
Mga panahon na tila puno ng walang hanggang yakap
Mahal, natatandaan mo pa ba ang magdamagan nating paguusap?
Mga araw na konting titig mo lang, kinikilig na ako
Mga araw na isang ngiti mo lang, buo na ang araw ko
Ngunit dumating ang araw na lahat ng ito ay nasa hangin na lang pala
Hangin mula sa alapaap
Lamig na dala ng hangin
Yakap, hawak kamay at halik sa noo mula sa hangin
Mga bagay na hindi na galing sa'yo
Hindi na ako ang kasama mo tuwing meryenda
Hindi na ako ang pagbibigyan mo ng pasensya
Hindi na ako ang iyong iisipin sa tuwina
Hindi na ako ang iyong mahal na prinsesa
Mahal, hindi na ako ang ipangaasar nila sa'yo
Hindi na ako ang sagot sa mga tanong nila sa'yo
Hindi na ako ang iyong inspirasyon
Hindi na ako ang laman ng iyong puso
Ano pa nga ba ang magagawa ko?
Eh sa hindi na ako...
Kahit na masakit, kahit mahapdi, kahit mapanlait ang tadhana
Pag wala na, wala na..
Mahal, tanging hiling ko lang, kung titibok muli ang aking puso..
Hindi na para sa'yo
Na kung lalabas muli ang ngiti sa aking mga labi..
Hindi na dahil sa'yo
Na kung makakaranas muli ako ng yakap, hawak kamay at halik sa noo..
Hindi na mula sayo..
Hindi na ikaw.. Hindi na...
YOU ARE READING
Spoken Words
PoetryA book that consist of many Spoken Word Poetry inspired by people that are part of my life.