Chapter 9 - Everything

3K 67 1
                                    

Chapter 9 - Everything

Ricky Perez's POV

Iniisip man nila na ako ang pumatay sa kapatid ko, hindi ako nakikinig sa dahil alam ko naman ang buong nangyari. Lahat ng nangyari.

*Flashback*

Papunta ako sa lugar na tinitirhan daw ng manloloko kong asawa at gago kong kapatid. Bakit nga ba ako andito kahit na sobrang sakit lang ang dulot nila sakin? Dahil kay Raven.

Siya lang ang anak ko. Biologically. At ayaw na ayaw kong mawala siya sakin. Sobrang mahal ko ang anak at lahat gagawin ko para may buo siyang pamilya.

Alam kong iniisip niya na magkakaayos rin kami ng Mommy niya. Yun ang expectation niya kaya gagawin ko ang lahat para yung expectation niya maging reality. I don't want my daughter to have a broken family.

Kahit ako rin, ayoko ng walang asawa. Sobrang lungkot. Lalo na yung inalagaan mo na asawa. Yung binigay mo lahat para sa kaniya. Tapos mawawala lang ng parang bula sa tabi mo.

Kaya eto ako ngayon, nasa isang mataong lugar. Sobrang dumi lalo na ng mga kanal. May basurahan naman pero nagkalat pa rin ang mga plastik na iba-iba ang gamit. Inshort, nandito ako sa lugar ng iskwater.

Don't get me wrong, hindi ko pinagdidirian ang mga iskwater. Sadyang, may nakakatakot lang akong karanasan sa kanila.

Sabi ng private investigator ko... Nakatira daw sila sa isang boarding house na ang may-ari daw ay si Manang Baby. Yung Manang Baby daw ay chismosa at walang trabaho at kilalang-kilala sa pagiging iskandalosa.

Nagtanong-tanong naman ako sa mga tao pero kahit isa sa kanila walang kilala na Manang Baby. Tinawagan ko pa ang private investigator ko para i-sure pero sabi niya Manong Baby daw. Lalaki yung may-ari. Chismoso pala at iskandaloso.

Magtatanong sana ako nang makita ko siya,  ang babaeng minahal ko. Bumili siya ng softdrinks at tinapay. Sobrang nagbago siya.

Dati, hindi siya lumalabas ng bahay namin ng hindi siya nagme-make up kahit light man lang. Ngayon, sobrang dugyot ng mukha niya at kahit pulbo at lip tint or lip stick na bakas sa mukha niya, wala.

Dati, hindi lumalabas ng hindi ayos ang kilay. Ngayon, tumubo na ang mga kilay at hindi nagpepencil ng brows niya.

Dati, hindi lumalabas ng bahay kung hindi ayos ang suot niya. Ngayon, she's wearing a old dirty white shirt with Korean prints on it. Ukay ba yan?

Honestly, my wife did really change. Hindi lang feelings niya para sakin kung hindi lahat. What happened to her? Hindi ba siya tinatrato ng maayos ni Richard?

Hindi ko nalang aalamin kasi ako mismo... Alam ko na ang sagot. Ang pinakamasakit na katotohanan.

“Na kayang magbago ng isang tao kung may minamahal talaga siya ng labis.”

Bakit ako? Kahit minahal ko siya ng todo hindi ako kailanman nagbago?

Nakikita ko siyang papunta sa isang bahay-paupahan. Sobrang dumi kung titignan sa labas at gawa lang sa light materials. Sobrang delikado kung may sunog.

Nakita ko siyang umakyat sa ikalawang palapag ng bahay na iyon. Lalapit na sana ako ng...

“Hoy hoy hoy! Ano tinitingin mo diyan sa boarding house ko? May kailangan ka ba? HA?!” ito siguro yung manong Baby. Bakla pala. Sobrang madada.

“May hinahanap lang ako. Nandito ba yung Karlos Perez?” tanong ko. Hindi niya ako sinagot imbes na tinalikuran lang ako at umakyat ang lalaki sa kwarto kung saan sila nakatira.

The Billionare's WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon