2nd year at Teiko
Pagkagising niya handa na ang lahat. Mula sa morning exercise niya, breakfast, uniform hanggang sa lucky item niya. Ngayon handa na siyang pumasok.
Haruka’s POV
“Shin-kun!!” sigaw ko mula sa malayo. Huminto siya at lumingon. Nang makahabol ang best friend niyang dini-deny niya na sa kasamaang palad ay ako, nagpatuloy siya sa paglakad.
Tiningnan ko siya habang naglalakad at I suddenly chuckle. Ano nanaman kayang sinabing pambobola sa kanya ng horoscope niya para magsuot siya ng ganyan.
“You’re lucky item is the hmmmm… the glasses??” sabi ko tsaka tumawa, hindi ko na mapigilan ee. Tumingin lang si Shintaro sa akin at saka binaling muli ang tingin sa daan.
“Joke lang the lucky item is the polka dot neck tie.” Sabi ko at patuloy kaming naglakad patungong Teiko.
“Matanong kita Shin-kun.” Sabi ko habang nakatingin sa daan.
“Hmn” sagot niya lang din habang nakatingin sa daan.
“Kapag ba ang lucky item mo ay clown costume susuotin mo?” tanong ko sabay tingin sa kanya habang naka ngiti ng malapad. Tinaasan lang niya ako ng kilay.
“Hahahaha, medyo tipid ka dun di mo na kailangan ng wig, green na kasi yang buhok mo.” Sabi ko habang natatawa. Basta sinabi ng horoscope niya na yun ang lucky item niya siguradong susuotin niya yun at mas lalo ko siyang tatawanan kung maglalaro siya ng basketball habang suot yun hahahaha.
“Di bale kapag nangyari yon ako na mismo ang magme-make-up sayo hahahaha.” Dagdag ko pa. Binilisan ni Shintaro ang lakad.
“Oi teka lang eto naman pikon, hoy Mr-I-can-shoot-anywhere-in-the-court wait lang.” sabi ko habang hinahabol si Shintaro. Ang bilis talaga nito maglakad ang haba kasi ng bias eh.
“Ang bilis mo talagang mapikon.” Sabi ko noong makahabol ako. Pinulupot ni Shintaro ang braso niya sa leeg ko.
“May sinasabi ka.” Sabi ni Shintaro. I can see the vein popped in his head.
“Aray aray masakit. Ako na mga lang ang kaibigan mo maliban sa mga team mates mo papatyin mo pa ako. That’s harsh tsk tsk.” drama ko sabay lakad sa kabilang direksyon ng hallway. Makakalayo na sana ako kaso may biglang humawak sa kamay ko at hinila sa kabilang direksyon ng hallway.
“Ano ba Shin-kun!” galit na sabi ko.
“Mamaya ka na mag-drama dito ang room natin.” Sabi niya habang hinihila ako papunta sa room. I pout, sayang emote.
~After Class
“Haruka-chan, ayaw mo talagang sumama sa amin. Siguradong masaya yun.” Aya ng isa kong kaibigang babae.
BINABASA MO ANG
Not Again [KnB Shintaro x OC] one shot
FanfictionHinayaan na kitang lumayo noon, pero hindi sa pagkakataong ito. –Shintaro Midorima