Nhica Cowart on the side ---->
--------
Nhica POV
"I can't stop, 'cause I'm having too much fun Yeah, yeah, yeah, yeah ~" Kanta ko, andito kami sa corridor naglalakad na. Lahat nasa amin ang atensyon, ganun talaga, sikat eh ;)
"Morning~" Pagbabati ni Jhamie sa isang grupo na estudyante. Ngumiti nalang sila ng pilit, sanay na kasi sila sa gantong ugali namin. Pumasok na kami sa classroom namin
"Goodmorning~" Masigla naming bati na tatlo. Si Celes mukang patay, palaging walang gana kung magsalita
(-_-"). Umupo na kami sa aming upuan. At syempre binati din kami, kung hindi kami babatiin nila matitikman nila ang kamao ko
"Goodmorning class" Sabi ng prof namin. Yan na si tanda. Nasanay na kami tawagin na tanda si sir. Chie dahil kay Celes, marami na kasing wrinkles ang muka niya pero mga nasa 40 plus lang siya. Nagiging matapang lang siya sa amin pag anjan ung crush niyang si ma'am han. Che! Antanda-tanda na niya lumalandi pa. Natapos ang klase niya sa kakadak-dak at kakadakdak sa amin pero syempre hindi kami magpapatalo, sumasagot kami sa kanya, syempre kinakausap kami kaya dapat sumagot kami. Sigaw naman niya samin 'Naku, makaalis na nga dito'. Ayun umalis na nga XD
"Guys may nagpapaka hero ung mga lalaking yun oh" Biglang salita ni Celes habang nakatingin sa labas ng bintana ng corridor. Tiningnan namin at nakita namin ang tatlong mga lalaki na may binubully na isang estudyante at mukang takot na takot ang lalaki na pinapalibutan siya ng tatlong lalaki.
Ayaw na namin ng nagmamagaling tapos pagtinapatan naman namin bugbog sarado naman, hay naku mga nagmamayabang kasi. Bumaba na kami para bumili sa canteen. Pagbaba namin nadaanan namin ung lalaki na pinapalibutan ng mga tatlong lalaki. Naiinis na talaga ako sa mga pagmumukha nung tatlong yun. Naglakad ako patungo sa kinaroroonan ng mga yun, parehas ata kaming apat ng iniisip kasi sabay-sabay kaming naglakad patungo dun
"D-Dark I-I-Imperial?!" Gulat na sabi ng lalaki na binubully. Hmm hindi naman siya mukang nerd bakit siya binubully? Argh, put that aside now. Bigla naman kami nilingon ng tatlo at mukang luluwa na ang mga mata nila
"Ano naghahari-harian kayo?" Tanong naming apat. Sasagot na sana ang isa pero inunahan siya ng isa
"H-hindi" Sagot ng isa
"O-oo hindi" Sagot naman ng isa. Bigla naman hinawakan ni Celes ung isa sa kwelyo ung hindi sumagot
"Ano walang balak sumagot?" Cold na saad ni Celes. Umiling naman agad ung lalaki. Naku naman, napakamainitin talaga ang ulo ni Celes
;D haha
"Hindi po" Mabilis niyang saad. Ayun binitawan na siya ni Celes. May lalaki pang sumabat
"Kayo lang ba pwedeng maghari dito?" Tanong ng lalaki. Nag-iba ang atmosphere ng narinig namin yun. Agad naman nilapitan siya ng tatlo
"T-tumigil ka tanga!" Saad naman ng isa
"Pano ka nakapasok dito?! Bawal outsider dito" Tanong naman ng isa. Nakakainis na ha
"So your an outsider? Bakit nakapasok ang isang katulad mo dito" Saad ni Nhicole. Pero may I.D siya sa leeg
"Di ba walang I.D ang isang baboy, Eh bakit nakapasok dito yan?" Sabi ko at tiningnan siya mula ulo hanggang paa. Hmm mukang transfer lang siya. Pag nag-enroll ka kasi ngayon dito ngayon din makakakuha ka ng I.D. Yeah ganyan dito? Namula naman ang mukha niya sa galit. Susugod na sana ng pinigilan siya ng tatlo. Nilapitan sila ni Jhamie at sinapak ang transfer boy. Yun napatalsik ng di oras kasama ung tatlo
BINABASA MO ANG
The Dark Love War
Storie d'amoreAll rights reserved © XChiaChanX, 2014 [NO SOFTCOPIES]