gone like a wind

158 2 7
                                    

chapter 5

“The best thing about the pictures of you and me is that they won’t change…. Even though you have.” Naka upo lang ako habang tinitingnan picture namen. Totoo naman yung sinabi ko. Wala pang one month pero malaki na pinag bago ng friendship namen. Nung una nag vivideo chat kame hangang sa sinabi niya na nasira daw webcam ng laptop niya favorite nya daw yun kaya yun yung gusto nyang gamitin kaya nag tatawagan nalang kame. Hangang sa nagging chat nalang… Last week hindi na siya nag o online. Mag memessage minsan pero hindi parin tulad ng dati.

*flashback*

Aug 25 2011 Thursday 8:13 pm Kdcarter: how’s your day?

Aug 25 2011 Thursday 8:13 pm sophienessssss: eto ok naman. Normal day lang. sayo ba? :>       

Aug 25 2011 Thursday 9:06 pm Kdcarter: ahh. Ayos lang.

Aug 25 2011 Thursday 9:06 pm sophienessssss: ah :D tawag ka naman! Dali! May paparinig ako sayo! Nag cocompose kame kanta eh :)

Aug 25 2011 Thursday 9:014 pm Kdcarter: ah talaga? Record mo nalang tapos message mo nalang saken. Di pwede eh.

Aug 25 2011 Thursday 9:14 pm sophienessssss: oh??? Baket? :(

Past 10 na…… chineck ko convo namen. kaya pala hindi na nagreply dahil offline na -.-

*endofflashback*

Ganyan yung convo namen nung huli kami mag usap. Sobrang ikli na nga tapos delayed pa sya mag reply. Aug 29 na ngayon, bali 4 days na mula nung nag usap kame… birthday na nya bukas. Pano ko siya mababati ng maayos? Ayaw nya naman sumagot :<

Ano ba talaga nangyayari sakanya?

Pag uwi ko chineck ko agad kung may update si girlinlove sa three words eight letters If I say it, will I be yours kaso wala. Sayang excited pa naman ako basahin. Nag online ako tapos nakita ko nag message si kaylee saken.

Aug 29 2011 Monday 4:35 pm Kdcarter: narinig ko na. naks. Ganda ah! :)

Chineck ko yung orasan, quarter to 7 na. Kanina pa pala yun. Wala akong ganang replyan siya kaya humiga nalang ako. Ano kaya gagawin ko bukas? Nung huli kong birthday ang dami niyang surprise saken eh.

August 30 2011, lunch time

“Huyyy! ano na plano mo?” tanong ni crisha. nakatingin sila pareho saken. napatingin lang ako kay sakanila. Oo nga pala pala Birthday na ni kaylee bat ko naman makakalimutan yon eh halos hindi ako makatulog kagabi kakaisip dito! amp.

Tumingin ako sakanila. Tapos sinubo ko yung pagkain ko. “uhrmmm… mary plarnor narkor..” sabi ko habang kumakain. Tapos pinag patuloy ko yung pagkain ko. Binubuhos ko na nga lang ang stressed ko sa pagkain eh! napansin ko na ako nalang yung kain ng kain, kaya tinigil ko na tapos tumingin ako sakanila.

“wow. finally. sa wakas ha, napansin mo rin kame.” sabi ni crisha saken. pano ko naman hindi mapapansin. tingnan kaw raw ba habang kumakain! >.<

“psh. oh eto. mamayang uwian deretso tayo sa sm tapos bili tayo ng mga pang party na gamet bili narin tayong cake, hats,  balloons at kung anu anu pa. Tapos pag uwi naten iseset up naten yung kwarto ko tapos mag vivideo call tayo sakanya. KUNG sasagutin niya pagka sagot na pagka sagot nya kakanta tayo ng happy birthday then after non mag memessage tayo isa isa. ok na ba yun?”

“pwede na. kaso nga lang sasagutin niya kaya?” tanong ni crisha. pare pareho lang siguro kameng naninibago sa mga changes kay kaylee.

“hmmm sana?” tapos sinubo ko pagkain ko. yun nga napag usapan namen yung pag bago ni kaylee. Ganun din pala yung sinasabi nya kay crisha mas malala nga lang kasi saken nag p pm pa minsan si kaylee. sakanya last week pa daw hindi.

Rainbow after the rainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon