Chapter 6
sophie’s POV
(play nyo yung song na bye bye sa gilid para mas maganda)
October 9 2011
"Many times we've missed you
A million times we've cried
If love could have saved you
You never would have died.
If tears could build a stairway,
And memories a lane,
I'd walk right up to Heaven
And bring you home again
No farewell words were spoken
No time to say goodbye
You were gone before we knew it
And only God knows why….” Naramdaman kong may tumutulong luha sa palda ko, 40 days na ni kaylee ngayon at hangang ngayon hindi ko parin matanggap na bigla nalang siyang nawala. Hindi ko parin matanggap tanggap na sa isang iglap……… nasa langit na sya. Ni hindi man lang namen nakita bangkay nya hindi man lang ako naka attend ng burol nya. Sobrang sakit… nakatulala lang ako dito habang nakaupo sa canteen wala nang tao dahil tapos na yung recess. Sabihin na nga nating nag cacutting ako ngayon. Mula nung nawala siya maraming nagbago saken. Parang ¼ ng buhay ko yung tinangay niya nung nawala siya.
‘kaylee bat ganun? parang lugi naman ako sayo. Masaya ka dyan pero ako wala. nganga. bat hindi mo man lang ako iniwanan ng kahit ano? alam mo namang weak ako. hindi ko kayang nag iisa, hindi ko kayang iniiwan ako. Pero bat mo to saken to ginawa? ang sakit naman eh. hindi man lang ako nakapag goodbye ng maayos sayo bat ba kasi kelangan itago? best friend tayo diba? sabi mo no secrets allowed… hindi mo man lang ako binigyan ng chance na sabihing, “kaylee kayanin mo, kaylee andito lang ako sa tabi mo, kaylee lumaban ka, kaylee…… don’t…… Go……please…..” bigla mo nalang ako iniwan. daya mo naman eh ’ sinabi ko yun habang tumutulo luha ko. Ang dami dami kong gusto itanong sakanya. Pero alam ko naman ni Isa dun hindi na nya masasagot. Madalas ko nang kinakausap sarili ko. baliw ba? Hindi naman! iniisip ko nalang na kausap ko siya. Kasi napaka dami kong regrets, Tulo lang ng tulo yung luha ko dun. ganun lang ako madalas pag mag isa.
biglang natakpan yung tinitingnan ko ng… panyo? tiningnan ko yung panyo tapos yung tao.... lalake. mukhang hindi sya student dito dahil naka civilian sya. Mukha siyang gwapo di ko lang sure kasi naka shades siya at naka hat dark brown yung hair nya and maputi siya. Tapos ang ganda rin ng damit nya branded. Tiningnan ko lang siya naka tingin lang din siya saken at naka abot parin kamay nya na may panyo.
yung…….
yung bibig nya…. Kamukha nung kay kaylee…. pumikit pikit ako tapos yung kamay ko parang kinakamot yung mata, baka iniimagine ko lang to. ano ba to sa sobrang miss ko kay kaylee pati bibig niya kung san san ko na nakikita >.<
pero nung tiningnan ko ulit siya. ganun pa rin… napanganga ako tapos ngumiti siya na parang natatawa……
parang yung ngiti ni kaylee…..
“well, I love to continue staring at you… but, would you mind? Kukunin mo ba o hindi?” tapos pinakita nya yung kamay nya na may panyo. Nagulat ako sa sinabi niya. English English pa mag tatagalog rin pala! napasarado yung bibig ko tapos kinuha ko na yung panyo nya. I don’t know kung baket ko kinuha. hindi pa naman ako yung type na tatanggap na lang bigla sa alok ng isang stranger. siguro comfortable lang ako sakanya dahil kamukha nya yung bibig ni kaylee. ^_^
BINABASA MO ANG
Rainbow after the rain
Roman pour AdolescentsA story about friendship and love. Si Sophie kontento na sa buhay nya, Maganda, matalino, mayaman, popular, maraming kaibigan at the best na best friend. Pero kakayanin nya kaya kung biglang nawala yung taong hinding hindi nya inakala na mawawala sa...