Yeah. Let's make a story. haha one shot lang gagawin ko para matapos na agad agad kasi napapansin ko pag maraming episodes ang story na ginagawa ko, ndi ko natatapos e. :)) share lang ^_^ para ito sa mga babae. Madami na kasi akong kakilala na nabibiktima nito at sana wag naman mangyari sa iba. -_- PLEASE BE OPEN-MINDED WHILE READING. THANK YOU :D
Magsisimula ang istorya sa isang babae na ang pangalan ay Jena. Isa siyang masiyahin na babae, palakaibigan, madaldal pero may kwentang kausap at kahit kelan hindi siya nag-iisa. Bakit nga ba? Kasi approachable siyang babae kahit mga nerd pa yan o kahit mga gangster pa yan. Mabait siya sooooobra at hindi lang yan, lagi siyang nasa top noong nasa hayskul pa lamang siya. Masaya diba? Pero isa lang ang wala siya, ANG RELASYON. ABA! Nakakapagtaka nga kung bakit ayaw niyang pumasok sa isang relasyon. Siguro iniisip niya na makakasira lang ito ng kanyang pag aaral. Siguro ganun no? Sa silid-aralan noong hayskul pa siya, may dalawa siyang kaibigan na sina Trina at Ava. Sila ang laging magkakasama sa eskwelahan na iyon. Ang Central High School o ang CHS. Silang tatlo ay parang powerpuff girls lang, bale si Jena ang leader ng magkakaibigan. Bilib nga ang mga kaklase nila sa kanila e. Bakit? Aba para kasing silang tatlo lang ang nagpapaunahan sa top e at hindi lang yon, nababalanse pa nila ang kanilang social life. Imba ba? Naaalala ko ung araw na pinaghahandaan ng tatlong ito yung GRADUATION DAY. Bago pa man mag graduation, aba! shopping galore ah? Punta ng punta kahit saan! Eh wala naman binibili? Tingin tingin lang. Sabi kasi ng mga magulang nila bibilhan daw sila ng magagandang gamit pag sila ay nakapagtapos ng hayskul. Dumating na ang araw ng graduation at syempre, hindi mawawala sa kanila ang challenge na paramihan ng medal. Sa tingin nyo sino ang mas madaming medal sa kanila? Sino pa ba? Edi si Jena. Aba wala na atang makakatalo sa babaeng to e. Itong tatlo na ito, laki sila sa hirap. Uhm hindi naman laki sa hirap pero may kaya sila at nakakabili sila ng gusto nila pero hindi naman lahat lahat. "TAPOS NA ANG GRADUATIOOOOON!! WOHOOOOO!! KOLEHIYO NA TAYO!!". Ayan ang sigaw ni Jena after ng graduation. Aba excited lang ang peg no? May bakasyon pa bago mag graduation te. Saya ni Jena after ng graduation e. May laptop na siya na galing sa tatay niyang nasa abroad pa at swerte niya yung mama niya tumaas ang pusisyon ng kanyang inay sa trabaho niya. Aba, swerte ng batang ito no? Ay! Dalaga na pala. Sa edad na 19 years old, nagbebenta na siya ng kung ano ano sa labas katulad ng halo-halo, tinapay at kung ano ano pang pwedeng pang meryendang pagkain. Napadaan si Trina sa tindahan nila Jena "UY JENA! Abaaaa... Balita ko tumaas daw ung pusisyon ni tita sa kanyang trabaho ah? Nagtataka lang ako kung bakit ka pa nagtitinda dyan ng mga pang meryenda?. At sinagot siya ni Jena ng pabiro. "Ay! Bakit ba? Masama? Haha! Syempre pangarap ko magkaroon ng negosyo no? Magsisimula ka muna sa ilalim bago ka umangat at eto, nasa ilalim pa din ako". Hindi na lang nagsalita si Trina at ngumiti na lang at bumili ng bananacue ni Jena. Gabi na at hindi pa din umuuwi tong si Jena, diretso muna computer shop e para ichat muna ang kanyang itay. Wala pa kasing internet sa bahay nila. "Itay? Tapos na po akong magtinda ng mga pangmeryendang pagkain sa tapat ng bahay natin. Sana mabasa mo agad tong mensahe ko sayo. Mag iingat ka dyan lagi sa Saudi ah? Miss ka na namin ni inay e. Pangako po at hindi po ako gagawa ng mali at magiging mabait na anak ako sa iyo itay. MAHAL NA MAHAL PO KITA ITAY KO!" ito ang mensahe niya sa kanyang itay at siya ay umuwi na. Diretso sa lamesa, kain, pahinga, tulog, plakda! Pagkagising niya, late na siya! Saan? sa unibersidad na gusto niyang pasuka. Aba April na no! Maaga talaga dapat lalo na pag public school! Entrance exam naaaaa! Syempre, kasama niya ang dalawa no? Hindi mawawala yan. Lumipas ang ilang oras, natapos na nila ang examination na para bang sisiw lang sa kanila ang exam. Ang resulta daw ay makikita after 1 week.. Lumipas ang isang linggo. Papunta na si Jena sa Philippine College of Manila para makita ang resulta. Siya lang ang mag isang pumunta noon at tinext niya sila Ava at Trina at ang reply lang ng dalawa na bukas na sila makakapunta kasi bawal sila nung araw na iyon. Bago siya makapunta sa kanyang pupuntahan, may lalake siyang nasanggi. "Ay! ate? Ano ba? Grabe ka naman! Nagmamadali yung tao e!" nainis na din si Jena at sabi "Hoy kuya! Makapagsalita wagas? Ano ba ako sa tingin mo? taong walang pinag aralan? ha?" Bigla na lang nagsorry ang lalake at nakipagkilala ito kay Jena. "Ay sorry ate kasi nagmamadali ako sa pupuntahan ko e. Anong oras na kasi at baka ma-late ako sa papasukan kong eskwelahan. I'm Jeffrey by the way, and you are?" "Ay haha sorry din at naging maldita ako sayo, Jena Galvez po name ko. Pupunta kasi ako sa Philippine College of Manila e. Nakita ko na doon ka patungo. Sabay na ako sayo kuya." Diba makikita niyo naman kung gaano kafriendly tong si Jena. Nga pala, si Jeffrey ay may summer class ka siya pumapasok sa eskwelahan. Dami kasing kulang e. Kailangan daw niyang maghabol. Back to the story, nakapasok na sila sa loob ng unibersidad, pumasok na si Jeffrey sa kanyang papasukan at si Jena naman ay tinignan na ang resulta. Paalis na sana si Jena pero bigla siyang nakarinig ng lalakeng sumisigaw. "Jena! Teka lang! Wala na pala kaming klase! May meeting mga prof namin today! Pwede bang sumabay sayo?" Si Jeffrey ang nagsabi nyan at at pumayag naman si Jena. Dumiretso sila sa isang mall at sabay sila kumain. Taray no? Parang kakakilala lang nila parang may date agad? Pero wala naman kay Jena yun e. "Uy Jena, pwede bang itreat kita ng pagkain?" "Aba! Kakakilala lang natin ah? haha wag kuya nakakahiya." "Haha wala. Wala kang choice. Wala naman akong lovelife e. Mayaman ako". Sabay takbo sa counter si Jeffrey at binilhan niya ng pagkain si Jena. Habang kumakain sila, kinuha ni Jeffrey ang number ni Jena at binigay naman ito ng Jena. Pauwi na si Jena, hindi sumabay si Jeffrey kasi iba ang daan ng jeep na sasakyan ni Jeffrey. Pag uwi na pag uwi ni Jena, tinignan niya agad ang cellphone niya para itxt ang dalawa niyang kaibigan pero ang bumungad sa kanyang inbox ay si Jeffrey. "Uy Jena! Haha Jeffrey to! :) Ang cute mo pag ngumingiti kanina :D" napangiti lang si Jena sa text ni Jeffrey at hindi niya ito nireplayan. Pagod na pagod si Jena galing sa labas kaya nakatulog siya ng hapon at nagising na siya ng gabi at pagkagising niya, tinignan niya ang cellphone niya at nakita niya na "5 messages received" binuksan ito ni Jena at puro si Jeffrey lang ang nakita niya sa inbox "Uy Jena! Snobbers naman to :((" "Jena Galveeeeeez. Reply ka naman diyaaaaan." "Hala siya? :( reply naaaaa" "maghihintay ako sige kaaaa -___-" "huhuhuhu :'( ".... Ayan ang mga text ni Jeffrey at nagreply si Jena sa mga text na ito. "Hahaha kulit mo din lalake ka no? Nga pala kuya, thanks sa treat kanina ah? Grabe kakakilala ko lang sayo nilibre mo agad ako? Haha para naman akong pulubi ang dating :P" At simula niyan, araw araw na silang nagkakatext. Dumating ang araw ng pasukan at napapansin din nila Trina at Ava na parang ang saya lagi ni Jena at parang hindi namamansin. Papasok na sila ng unibersidad ng sabay sabay. Lumapit si Ava kay Jena. "Jena? Uy. Buong bakasyon ka atang hindi nagpaparamdam ah? Anong nangyare?" "Ay Ava. Uhm kasi. Busy ako noong bakasyon." at nanahimik na lang silang tatlo, pagpasok nilang tatlo sa bago nilang unibersidad, nakita ni Jena si Jeffrey at sumigaw si Jena "Ay! Jeffrey ikaw pala yaaaan! Haha kamusta ka naman?" sumagot si Jeffrey "Ok naman. Parang hindi naman tayo nagkikita noong bakasyon." Habang nag uusap sina Jeffrey at Jena, nag uusap din sina Ava at Trina. "Aba, Trina. Ngayon lang nangyari sa atin to napansin mo ba yun? AY! Narinig pala? sabi ni kuya lagi daw silang magkasama ng bakasyon? Aba. Kaya pala busy tong si Jena" "Hay naku, Ava wag ka ngang chismosa dyan. Ganyan ba ang natutunan mo noong hayskul?" Nanahimik na lang si Ava at hinihintay na lang nila sila Jeffrey at Jena at bigla na lang may tumunog ng love song at may lumapit na madaming lalake na kaibigan ni Jeffrey. Bawat lalake may hawak na bond paper at bawat bond paper ay may iba't ibang letra at pag binasa mo ng buo ay "CAN YOU BE MY GIRL MS. JENA?" Tilian ang mga lalake pati na din ang dalawang kaibigan ni Jena. Hindi na nagdalawang isip si Jena at "OO" na lang ang nasagot niya at nagsalita siya ulit. "OO JEFFREY, PWEDE MO AKO MAGING GIRLFRIEND" Noong araw na iyon ay sobrang saya ni Jeffrey at ni Jena na halos wala nang ibang tao sa kanilang buhay at halos sila na lang lagi ang magkasama. Lumipas ang tatlong buwan, sa isang silid kung saan makikita sila Ava at Trina na nag uusap at sila lang dalawa ang nasa loob ng silid na iyon. "Trina, alam mo ba? Namimiss ko ung isa nating kaibigan. Ung POWERPUFF GIRLS, namimiss ko yun e." Magsasalita sana si Ava tungkol sa sinabi ni Trina pero biglang may dumating. "Trina? Ava? aba! kayo pala yan! Kamusta kayo? Haha alam mo kami pa rin ni Jeffrey. 3rd monthsary namin ngayon! Alam niyo ba na may pupuntahan kami? ewan ko kung saan e pero suprise na daw niyo iyon!" Masayang pumasok si Jena sa silid aralan na iyon at bigla na lang nag init ang ulo ni Ava. "Jena? Hindi mo ba napapansin na hindi mo nababalanse ang oras mo sa amin? Ang tagal mo na kaming kilala e yang lalake mong yan? Si Jeffrey? Kelan mo lang nakilala yan ah? Eh hindi ko nga alam kung no nagustuhan mo dun e. Lagi naman bagsak sa quiz yun! Kaklase niya pinsan ko!" sumagot naman si Jena "Alam niyo, kala ko kayo magpapaligaya sa akin e pero nalaman ko na ganyan pala iniisip niyo. Mga kaibigan nga ba kayo? Kala ko pa naman na botong boto kayo sa aming dalawa? Hindi niyo alam kung gaano niyo ako nasaktan ngayong araw na ito!? Buti pa si Jeffrey, NAPAKALOYAL! Hindi nangiiwan! Tutal mga selosa naman kayo e kasi wala pa kayong boyfriend! MAGSAMA KAYONG DALAWA! LETCHE!" Tumakbo papalayo si Jena at hinabol ito nila Trina at Ava. "Jena bumalik ka dito!!! JENA!!! SORRY NA! SORRY KUNG SINIGAWAN KITA!!" sigaw sila ng sigaw ng ganito at walang napala ang dalawa. Malayo ang itinakbo ni Jena at paglaban ng eskwelahan ay nakita niya si Jeffrey "Jena? Jena babe? Bakit ka umiiyak?" "Kasi naman Jeffrey, itinuring kong kapatid yung dalawang yun pero narinig ko ung mga hinanakit nila sa relasyon natin. Napakapangit daw!" "Hala? Babe? Panget ba relasyon natin? haha Alam mo, sila ang panget. Panget pa ng ugali nila. Tara na at pumunta na tayo sa pupuntahan natin. Sana magustuhan mo din." "Saan ba tayo pupunta babe Jeffrey ko?" Hindi nagsalita si Jeffrey at hinawakan lang niya ang kamay ni Jena papuntang jeep. "Babe Jena ko? Pwede mo bang ilagay sa mata mo ang hankerchief na ito? Suprise kasi ang pupuntahan natin e." Nilagay naman ni Jena sa mata niya ang panyo. Lumipas lang ng ilang minuto at tumigil ang jeep at syempre ginagabayan ni Jeffrey si Jena para malaman niya ang lalakaran niya. Excited na si Jena at biglang binulungan ni Jeffrey si Jena na tanggalin na niya ang panyo sa kanyang mga mata at pagtanggal niya ay bigla na lang siyang nagulat na nasa kwarto sila ni Jeffrey at sinabi ni Jena "Ano gagawin natin dito babe?" "Humiga ka lang babe at magpapainit tayo" Kinilabutan si Jena pero bigla na lang siyang humiga. "Jeffrey ko, salamat sa lahat ng mga effort na ginawa mo sa akin ah? Sayo ko na ibibigay ang aking virginity dahil mahal na mahal mo naman ako e at mahal na mahal din kita Jeffrey, tara dito". Lumipas ang dalawang oras at may nangyari sa dalawa, masaya ang dalawa at pagod. "Jeffrey ko, ang sarap pala" "Babe, alam ko yan babe" "Paano mo naman nalaman babe? Hindi ata ako yung first mo". Tumahimik si Jeffrey at bigla siyang nagsalita "Babe Jena ko, alam mo naman na ikaw ang una ko e." Nanahimik ang dalawa at nagpahinga. Masarap ang tulog ng dalawa at nakalimutan nang umuwi ni Jena sa kanyang bahay. Pagkagising ni Jena, wala si Jeffrey pero nag iwan ito ng letter "Jena ko, may pinuntahan lang ako ah? Babalik agad ako". Pagkabasa ni Jena nito, biglang dumating si Jeffrey. "Oh saan ka galing Jeffrey ko?" "Ay Jena gising ka na pala, tinignan ko lang kung nandyan si mama at si papa sa baba hehe wala naman e. Tara hatid na kta.". Hinatid na ni Jeffrey si Jena sa bahay ni Jena pero hindi na masaya si Jeffrey at halata na ito sa mukha niya. Sa araw na iyon, naligo lang si Jena at pumasok na ito sa PCM dahil may pasok pa siya noong araw na iyon. Pagod na pagod si Jena pero active pa din ang kanyang utak, nakakasagot pa din siya sa mga recitation. Matapos ang ilang subjects, pauwi na si Jena at nakita niya sila Ava at Trina pero parang hangin lang nung dumaan si Jena. Paglabas ni Jena sa front gate, hinahanap niya si Jeffrey. Dito sila nagkikita pag uwian na at laging nauuna si Jeffrey sa harapan kung uwian na. Naghintay ng dalawang oras si Jena at wala pa din nangyayari. Ilang beses na niya tinext pero wala pa din siyang natatanggap na reply kaya umuwi na lang siya mag isa. Tatlong araw siyang umuuwi mag isa. Lumipas ang pang apat na araw, sumugod na si Jena sa bahay nila Jeffrey at ang nagbukas ng pintuan, ang tatay ni Jeffrey "Iha! Jena! Bakit nandito ka? Wala pa ang anak ko dito." "Ha? nasaan po? Eh nag aalala na nga po ako sa kanya e. Tatlong araw ko na pong hindi nakikita." "Kailangan mo pa ba siyang makita iha? Eh kakahiwalay niyo lang diba?" Nagulat si Jena sa sinabi ng tatay ni Jeffrey. "Ano po? hindi pa po kami naghihiwalay tito" "Sinabi na sa akin ni Jeffrey iha na may iba ka na daw, ay naku, umalis ka na iha at baka makita ka pa ni Jeffrey pag uwi, mag away pa kayo" Umiyak ng umiyak si Jena habang nasa biyahe papunta sa kanilang bahay. Diretso siya sa kwarto niya at may kumatok sa kanilang bahay. "Sana..... Sana si Jeffrey ung kumakatok." Narinig lang ni Jena na nagbukas ang pintuan dahil nasa taas siya kaya hindi niya nakita. Ang nagbukas ng pintuan ay inay ni Jena. "JENA! OK KA LANG? NANDITO LANG KAMING DALAWA NI AVA! PATAWARIN MO KAMI!" "Ava? Trina? Paano nyo nalaman na ganito sitwasyon ko ngayon?" "Nakita namin si Jeffrey, may kahawak kamay sa ibang babae malapit sa school natin dati! Akala ko kasi nakita mo. Diba nakita mo din un Trina?" Hindi na lang nagsalita si Trina at inakap niya si Jena. Nagsalita si Jena at sabi "Ang tanga tanga ko! Iniwan ko kayo sa isang walang kwentang lalake! Alam niyo ba binigay ko na ang PAGKABABAE ko sa kanya pero iniwanan pa din niya ako pero bakit ganun? Ginamit lang ba niya ako? Isang pampalabas init!? NAPAKASAMA NIYANG TAO!" Nagsalita si Ava kay Jena at sabi "Tahan na, Jena. Nagulat ako sa sinabi mo. Alam mo, dapat iniisip mo muna kung mahal ka nga ba talaga ng isang lalake. Tatlong buwan pa lang kayo oh? Hindi mo ba naisip yun? At iniwanan mo pa kami? Akala mo naman tama siya? Hindi porket BF mo yun e hindi ka na nakikinig sa amin." "Oo Ava. Oo Trina. Nagkamali ako. Naging sabik lang ako nung binigay ko sa kanya iyon dahil alam mo naman na siya ang una kong minahal, salamat talaga at may mga kaibigan pa rin akong tunay na katulad niyo na kahit inaaway ko na, pinapatahan pa din ako" lumuha si Trina at sinabing "Oo nga e. POWERPUFF GIRLS tayo diba? Grabe nga pala ung mama mo sa baba, nag aalala sayo. Bakit hindi ka bumaba sa kanya para hindi na siya mag alala?" Bumaba ang tatlo at bigla na lang inakap ni Jena ang mama niya. "Inay, salamat at lagi kang nandyan sa akin ah? Wala na po kasi kami ni Jeffrey. Inay, pwede ko po bang kuhanin ang bente sa ref? Magcocomputer lang ako inay" "Sige anak ko, kunin mo na ang bente sa ref. Basta tahan na ah?" Dumiretso ang tatlong magkakaibigan sa computer shop at nag computer silang tatlo. Binuksan ni Jena ang email niya para makontak ang kanyang itay at may nabasa siyang letra. "Anak ko, namimiss na kita. Nabasa ko ang huli mong message, napakatagal na. Lumipas na ang limang buwan hindi mo na ako nakakausap......" Hindi na itinulay ni Jena ang pagbabasa at nagsend na lang siya ng message na "Itay, MAHAL NA MAHAL PO KITA. PASENSYA NA PO KUNG HINDI NA AKO NAKAKAPAG-OPEN NG EMAIL. MAY LALAKE PO KASI AKONG NAGUSTUHAN AT INIWANAN NA LANG PO AKO BASTA BASTA. BASTA MAHAL NA MAHAL PO KITA ITAY KO. MISS NA MISS NA PO KITA." . Pagkatapos ng isang oras ay umalis na sila sa computer shop at sinabi ni Trina... "Alam mo, may dadating din sayong lalake na papatunayan sayo kung gaano ka kamahal. Yung bang ituturing kang prinsesa at hindi puro libido ang ginagamit? Hay naku. Basta magpakasaya nalang muna tayo ha? Kami nga ni Ava wala pang boyfriend e. I mean, NBSB oh! Haha cheer up na Jena! Magpakasaya na tayo!" At umalis ang tatlo, nagfood trip, gumala at kung ano ano pa hanggang sa nakalimutan na ni Jena si Jeffrey. Sa mundo natin ngayon, maraming mapagtukso at hindi mo na alam kung sino ang seryoso at kailagan pa din mag isip sa isang relasyon bago ka bumigay. At doon nagtatapos ang kwento :) END