Just 14. . .

17.4K 112 2
                                    

"Noon pa man hindi nato pwede,di na to dapat sinimulan..."

Natulala ako sa sinabi nya,di ko inisip na darating ang araw na sasabihin nya ito sa akin.

"Vic...I'm sorry I'm weak. Sa totoo lang di ko yata mapaninindigan to." marahan nyang sabi

"I don't deserve your love. You don't deserve me." Dagdag pa nya. 

She's just there standing near the door,emotionless,like we never fought for this relationship before. 

"Nabigla lang siguro tayo nung nagpa..."

"Nabigla?" galit kong tanong sa kanya. "Tayo nabigla? C'mon Mika.....we made intricate plans about it, we gave meaningful vows to each other. I made sure na di ka napilitan ng araw na yun! Ikaw mismo nagsabi saken many times over."

 "Patawad talaga" she spoke again and continue saying "Nahihirapan ako Vic kaya we don't have a choice but to end this."

"Ano? Ilang taon nating pinaghirapan to. Tapos sasabihin mo lang sakin na we don't have a choice and we should end this?Eh kung batukan kaya kita ng umayos yang pagiisip mo. Hindi pa ba malinaw sayo na ikaw lang ang gusto kong makasama habang buhay. Tapos sasabihin mo lang sa pagmumukha ko na maghiwalay na tayo? MIka naman!ano ka ba?!" sighal ko sa kanya.

"Vic...Again I'm sorry. Let's talk some other time. I really need to go."  yun lang ang sagot nya sabay talikod sa akin.

"Mika..." I called out her name. "Tell me,anong mali ko? Itatama ko. Kung meron kang gusto sabihin mo lang,kahit gaano pa kaimposible yan ibibigay ko sayo...huwag lang ang pakawalan ka. Mika mahal please..." Pagsusumamo ko sa kanya.

"I need to go" paguulit nya.

"Mahal!" napalingon sya sa sigaw ko. "May iba ba Mika?" tanong ko sa kanya habang nakatitg sa kanyang mga mata.

Hindi sya nakapagsalita...

"I'm sorry Vic...I really need to go." 

Nakatingin lang ako sa bukas na pintuan. Wala na sya sa harap ko. Maya maya pa'y rinig ko na rin ang tunog ng sasakyan nya na papalayo na sa bahay namin.

Matagal tagal din akong napako sa kinatatayuan ko at marami na rin akong luhang iniyak. Tahimik akong nagisip ng mabuti and I finally came up with a decision. I can't just let her leave me. Ipaglalaban ko ang pagsasama natin Mika,ang pagiging mag asawa natin,kahit anong mangyari. 

Just 14 . . . . .Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon