USAPANG BATA IX
Mika's POV
Halos lumabo pang lalo tong mata ko sa binabasa ko ngayon na galing kay Mahal. Nagtext kasi sya at wag ka pinuno lang naman nya ako ng mga random messages nya buong araw. Puro “I miss you so much” at kung anu ano pang nagpapahiwatig ng pangungulila. Yung iba naman tungkol ka kung gaano sya kasaya na tapos na ang “paghihirap” nya dahil sa pagiging magkalayo namin.
May isa din syang akala mo mala nobela sa haba ang mensahe haha. We both know this is the last time na maghihintayan kami,bukas ang byahe nya pabalik dito at alam kong katulad nya eh higit pa sa excitement ang nararamdaman ko ngayon.
Pero isang mensahe ang nakapagpainit ng pisngi ko. Nag alala din ako ng konti ng matanggap ko ang mensahe nyang ito:
“My heart Is consumed with longing for your love. I have been longing for you ever since I came here. I have wished for you. For you are out there somewhere, far away in time and place, but you are also here in my heart. I long for you so much it feels like I am holding my breath. I long for you to be here, to be near. As Shakespeare’s saying goes: Journeys end in lovers meeting.He's right for I will finally meet you again and every second of the wait will be worth it..
I miss you in the morning, I long for your sweet embrace.I miss you in the afternoon, I long for your silken skin.I miss you in the evening, and how your hair surrounds me; I stare at your lovely form vividly in my mind. I miss you in the night time; I long to hold you once again..”
Magkahalong kilig at konting kaba ang nasa puso ko ngayon. Kilig syempre kasi kahit na sino naman na makatanggap ng ganung mensahe mula sa minamahal mo eh talagang makakapagpakiliti ng buong puso’t pagkatao mo. Nakakainis! Sobrang corny na ewan pero ito yung mga kakornihang gusto kong marinig o mabasa mula sa kanya minsan. Haaay I’m acting like seventeen again. Gosh!
Kaba naman sa ibang banda kasi aminado kami ni Mahal na hindi kami masyadong marunong magpahitig ng saloobin namin in english lol . Ngunit pag dumating yung time na mahahabang mensahae na sa wikang ingles ang natatanggap ko mula sa kanya nangangahulugan lamang yun na intense na ang usapan.
The last time she sent me that kind of message eh nung magkalayo din kami ng halos dalawang buwan. Nung panahong yung nagkaruon kami ng di pagkakaunawaan na humantong sa pagtatalo. Simple lang ang rason. Di nya nakayanan ang “sobrang” pangungulila sa akin. Inutusan nya talaga akong umuwi agad. Nasa South Korea kasi ako nun trying to fix a sinking business. Naayos naman na lahat ,yung negosyo pati yung amin ni Mahal.
Ha! Akala nya sya lang ang pwedeng maging corny ngayon? Pwes Mahal etong sayo.
“They say when you are missing someone that they are probably feeling the same, but I don't think it's possible for you to miss me as much as I'm missing you right now.” ― Edna St. Vincent Millay
Please hurry home, Mahal, and fill my heart again with your love and passion…”
Message sent haha. Haaay nako wag ko sanang maiwala tong phone ko kasi mamatay sa sobrang ‘MAIS’ ang makakabasa ng mga palitan namin ng mensahe ng asawa ko hihi.
Agad namang sumagot si mahal ng :
“I want morning and noon and nightfall with you. I want your tears, your smiles, your kisses...the smell of your hair, the taste of your skin, the touch of your breath on my face. I want to see you in the final hour of my life...to lie in your arms as I take my last breath.”
― Lisa Kleypas
BINABASA MO ANG
Just 14 . . . . .
FanfictionJust read...if interested :) Mga kaganapan sa buhay mag-asawa/pamilya nina Vic and Mika. *Light lang ang theme ng story na ito promise :D Madami ng kara ff na masakit sa puso eh lol joke :)