USAPANG BATA VIII
Vic's POV
“Mika…Mahal no!”
Hindi ako mapakapaniwalang nangyayari sa amin to ngayon. Kakausuntok lang saken ng anak ko. Akala ko nga mapapatumba na nya ako. Pero ang mga nanlilisik na mata ni Mika…ang nag ngingitngit nyang mukha ang hindi ko kinaya. I need to help my son dahil alam na alam kong hindi magiging maganda ang susunod na kaganapan pag hinayaan ko si Mahal na matangay ng galit nya.Sa nakikita ko sa mga tingin ng asawa ko isa lang ang masasabi ko… It sucks to be Viktor right now. Lagot na si anak!
“Mika…Mahal…Mahal!”
Mahilo hilo kong habol sa kanya. Mabilis ang mga pangyayari,hawak ni Mika ang mga braso ni Vik. Dumudugo ulit ang kabilang kamay nya pero di nya yun alintana. Halos di masayad sa lupa ang mga paa ng anak ko sa pagkaladkad ng mommy nya sa kanya. Sa tangkad ba naman ni Mahal.
“How dare you?!”
“Wala kang respeto…wala kang galang bata ka!”
Dinig kong sabi ng asawa ko. Hindi naman talaga malakas ang pagkakasigaw nya pero sapat pa rin yun para ikabalisa ng anak namin.Kung gaano katapang si Vik kanina at ganun naman sya ka sindak ngayon. Hindi ko sya masisisi,ako man takot na takot sa Mika na nakikita ko at sa mga ginagawa nya.
“Hindi ka namin pinalaki at tinuruan ng inaasal mo ngayon! Isang malaking kabastusan yung ginawa mo alam mo ba yun?!”
“Wala kang karapatang saktan ang mommy mo! Wala kang karapatan saktan ang asawa ko!”
Sinandal na ni Mika sa likod ng sofa si Vik. Mabilis lahat ang pangyayari ,ewan, o baka hilo pako ng konti sa suntok ng anak ko.
“Mommy…sorry po Mommy…”
Nangiginig na sa galit ang boses ni Mahal. Niyugyog nya ang anak namin habang pinagsasabihan. Si Vik hindi na matigil sa pag iyak. Huminto muna ako sandali para ayusin ang pakiramdam ko pero nang mapansin kong naingat na ni Mika ang kamay nya at dala na ng emosyon nya’y akmang masasaktan na nya si Vik, ay dali dali na naman akong dinala ng paa ko kung nasaan ang mag ina ko.
“Hindi ko na pwedeng palagpasin yang ginawa mo!Dapat ka na talagang magtanda!”
PAK!
“Arghh...Shoot!”
Isang nakakabinging sampal ang inabot ko kay Mahal.Tamang tama lang ang pagdating ko,naiharang ko pa ang sarili ko sa pagitan nila ni Vik kaya ito na nga inabot ko.Nakakakita na naman ako ng mga nagliliparang puti at kung anu ano pa. Anak ng lahat ng malas! Ang sakit!
BINABASA MO ANG
Just 14 . . . . .
FanfictionJust read...if interested :) Mga kaganapan sa buhay mag-asawa/pamilya nina Vic and Mika. *Light lang ang theme ng story na ito promise :D Madami ng kara ff na masakit sa puso eh lol joke :)