Chapter 11

7.5K 100 20
                                    

HINTAYIN MO AKO

Vic's POV 

"It might seem crazy what I’m about to say...la la la "

Heto ako ngayon nakaharap ulit sa salamin at masayang masaya.Mukha akong baliw na timang na pakanta kanta at pasayaw sayaw dito kahit window step lang ang paulit ulit kong ginagawa wala akong pakialam. Ang ganda ng gising ko eh. Pinadalhan kasi ako ng short video message ng family ko and they reminded me na 2 days na lang ang bubunuin namin bago magkitang muli. Di ko malimutan yung last part when Mahal said "...pagbalik mo dito buburahin namin ang pangungulila mo sa amin." Uuwi nako sayo Mahal! wohooo! 

Sa sobrang hyper ko ngayon kahit ano sigurong ipakwento nila sakin mamaya eh game ako hehe kahit nakakahiya pa yan. Si  mama masayang masaya kasi sulit daw ang family bonding namin at sabi din nya na hindi na sya hihingi ng extension.Buti naman! Namiss din daw nya yung mga apo nya at gusto na ding makita si Mika kasi dun daw sya magpapakwento sa ibang topic lalo na yung mga pinaikli ko haha. Nahalata pala ni mama na marami akong shortcut.  

"Cause I'm happy.... " kinanta ko talaga sya haha. Yes beyond happy pa nga. Hindi ko alam pero habang nai-share ko sa kanila yung kwentong buhay namin bumabalik lahat ng mapait at masasayang alalala ng pinagdaanan ko kasama ang tatlong pinakaimportanteng tao sa buhay ko. Hindi maiwasang masabi na mahigit labing tatlong taon na pala akong nabubuhay ng totoong kumpleto't maligaya sa piling ng asawa't mga anak ko. I can't ask for anything more na...siguro more time lang with them pa lalo na't mabilis ang paglaki ng mga bata at syempre ang palagiang masolo ang asawa ko,di naman siguro masama yun di bah?hehe.  13 years with her pero I still can't get enough of her...

"Haay wala na...adik na talaga ko sa inyong tatlo...lalo na sayo Mahal haha "

Sabi ko sa saili ko habang nakaharap sa phone while nakatingin sa pic nila. Dalawa pang araw at mas may isasaya pa ako ngayon. 

"Bring me down… can’t nothing…"
"Bring me down… my level's too high…"
"Bring me down… can’t nothing…"
"Bring me down, I said (let me tell you now)"

Walang makakasira ng mood ko ngayon as in wala. Kahit yung text ni Mahal  na hindi ko agad napansin about her having a date with Riley na kagabi ko lang nabasa. Ok I must admit na nagselos ako sandali pero konti lang naman,ibabalita daw  ni Mika lahat paguwi ko  kung bakit nakipagkita sya dun. Hahaha wala yung Riley na yun, ex na lang sya ako na ang asawa lol.

Pwede pakibilisan ang araw na to please? 

 -----------


Mika's POV 

"Mabigat po ba ako mommy?"

Nakahiga paibabaw si Mia saken habang binabasahan ko sya ng bedtime story nya. Vik is busy doing some research about sa assignment nya and gagawa sya ng advance studying para sa lessons nila next week. Excited daw kasi syang makipag basketball ulet sa DaVic nya at babawi daw sila ng mga games together kaya nya ginagawa na yung iba ngayon. Haaay lahat ng tao dito sa bahay miss ang asawa ko kahit sina ate Fe at kuya Elmer ganun din. 

Just 14 . . . . .Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon