Chapter 2: Love Letter

45 2 0
                                    

Keiley's POV

Naglakad ako sa hallway ng mapansin ko'y nakatingin na pala sakin ang mga estudyante.

Siguro napansin na naman nila ang aking kapangitan. Always naman silang ganyan, eh. Kada maglalakad ako, lagi silang nakatingin sakin.

Hindi ko na lamang sila pinansin. Dahil kapag tinitignan ko sila, tingin nila na weird ako. Oo ganyan sila, ganyan yung tingin nila sakin.

Hays. Makapunta na nga lang sa room. Anong oras na ba? Tinignan ko ang orasan ko, at nanlaki ang mata ko.

07:25 a.m na! Takte ten minutes na lang mala-late na ako.

Tumakbo ako nang walang bukas. Duh, mala-late na ako sa first subject ko, eh.

Tumakbo ako habang may kinukuha sa bag, nang tumingin ako bigla na lang may nakabangga ako. At ako? Ayun natumba ako. Huhuhu, ansakit ng pwet ko, dun.

Langya naman si Kuya, eh.

Tumingala ako para makita kung sino ang nakabangga ko.

(0..0)

Nanlaki ulit na naman ang mata ko.

Teka! O-oh my s-si...

"Hindi kaba tumitingin sa dinadaanan mo?! Ha?!" Sigaw nito. Huhu, im scared na here T^T.

Tumayo ako kahit masakit ang pwet ko. At humarap sakanya. Dahil matangkad siya tumingala ako. Pero yumuko ulit ako, ano ba kasi, ang gwapo niya... Ay! Erase!

"Uhm... So-sorry..." Hindi ako makatingin sakanya.

"Antanga tanga mo kasi eh. Hindi naman 'toh track field ang corridor para tumakbo ka!" Aba, tinangahan pa ako, ha. Aba siya din naman ang hindi tumitingin sa dinadaanan niya, eh. Atsaka parehas lang kaming hindi tumitingin sa dinadaanan.

"Hoy, parehas lang naman tayo hindi tumitingin sa dinadaanan, eh." Sabi ko sakanya.

"Aba! Nangsisisi ka pang panget ka! Ikaw yung patanga-tanga na hindi tumitingin sa dinadaanan mo!" Hindi pa din siya nagpapatalo.

Nakabangga ko nga pala ay isa sa Heartrobs, siya lang naman kundi si John Cornista Park, cousin of Dwayne Cornista. At dahil magkadugo sila, parehas silang mayayabang.

"Parehas lang! Atsaka nag-sorry naman ako, eh. Ikaw nga hindi humihingi nang pasensya sakin. Aish." Sabi ko sakanya. "Kung wala ka namang plano mag apologize, papasok na ako sa room ko. Bahala ka na jan." Sabay alis. Pero bigla naman niya hinawakan ang braso ko at napahinto ako.

"Hoy panget, hindi mo ba kilala kung sino ang binangga mo?" Angas na sabi nito.

"Hindi na kailangan kung kilala kita o hindi." Tinanggal ko na ang paghahawak niya sa braso ko. "Atsaka kaya pala ako tumakbo dahil mala-late na ako." Sabay alis. Baka kasi pipigilan na naman niya ako.

At sa wakas nandito na din ako sa classroom ko. I sighed in relief dahil wala pa ang prof namin. Baka kasi asarin niya ako. Oo pati teacher inaasar din ako, akala ko nga mga estudyante lang ang mga nangaasar pati pala teacher.

Star section ako, kaya yung mga kaklase ko ay nakatingin sakin. Hindi ko na lamang iyon pinansin at pumunta sa upuan ko. At sakto nandinto na ang prof namin.

Bigla ito tumingin sakin. "Keiley, may bagyo ba at mahangin sa labas?" Sabi ng prof ko. Kaya lahat ng kaklase ko nagsitawana. See, I told yah.

Siguro yung wavy hair ko ata tinutukoy nang mapanglait na guro ko. Dahil mas lalong bumuhaghag lalo siya. Naku, kasalanan ko ba'ng maabutan yung klase niya? Tss. Hindi ko na lang sila pinansin.

After 45 minutes recess time na.

Pero hindi ako katulad ng ibang estudyante na yun napupunta sa canteen. Ako kasi pag recess nasa library lang ako tumatambay. Nagbabasa lang ako doon.

Kaya pumunta na ako sa library. At kinuha ang babasahin ko.

Nang may biglang kumulubit sakin.

"Ay kabayong bundat!"

Nagulat ako, kaya napalingon ako.

"Hi Keiley, sorry nagulat ba kita?" Hindi ine-expect nga kita, eh. Pero teka? Kilala niya ba ako?

"Hmm... Hindi naman. May kailangan ka ba?" Tanong ko sakanya.

"Uhm, actually gusto ko humingi nang favor sayo, eh." Favor? Eh hindi ko pa nga siya kilala tapos humihingi siya sakin ng favor?

"Ano naman yun?"

"Ahh... Ano.. Uhm... Pwedeng... Ano..." Parang hindi niya kayang sabihin. Kaya bumalik na lang ulit ako sa pagbabasa

"Ano ba yun, Miss. Nagbabasa kasi ako, eh." Nakakaistorbo kasi siya.

"Ay sorry, ano kasi. Pwedeng pakibigay kay Xander yung love letter ko." Nagulat ako sa sinabi niya. Ano kamo? Love letter? Kay Xander? "Please pakibigay mo naman ito kay Xander Stewart, super crush ko kasi siya, eh." Sabi pa nito.

"Bakit ako? Bakit hindi ikaw?" Sabi ko naman. Atsaka ako magbibigay dun? No way!

"Eh kasi nahihiya ako kapag lumalapit ako sakanya. Atsaka kaya ako sayo nanghingi nang favor para ibigay kay Xander itong letter ko dahil alam kong kapatid ka ni Karl. Kaya posibleng close kayo ni Xander. Kaya sige na." Si Xander? Ka-close ko? Hindi din. Ni hindi nga pinapakilala sakin ni Kuya yun.

"No." Ayoko nga!

"Sige na Keiley pakibigay naman sakanya 'toh, oh. Sobrang crush ko talaga siya nung first year highschool pa. Please Keiley." Parang naiiyak na si Ate. Hay naawa tuloy ako sakanya. Pero bakit kay Xander Stewart pa siya nagkagusto. Eh The playboy King no'n. Sayang ang ganda pa naman ni Ate kaso may pagka- stupid siya.

"Please Keiley..." Tsk! Kainis naman, oh. Kinuha ko na lang sakaya yung love letter at lumabas ng library.

Kainis naman eh. Bakit siya na lang kasi magbigay? Tapos ako magbibigay kay Xander? Tapos haharap ako sa apat na yun? Hays. Tama yung ginawa ko? Hay naku.

Bigla din lumabas si Ate. At ako naglakad na papunta sa canteen kung saan nandun ang Heartrobs.

"Thank you Keiley!" Sigaw nito. Naku Ate dapat magpasalamat ka. Anlaking favor ang gagawin ko dito.

Kaya eto hinahanap na ang Xander na yun para ibagay sakanya ang love letter ni Ate.

---

Author's Note:

Hello po ulit ^_^ salamat po sa pagbabasa, baka po ipupublished ko na din ang Chapter 3. Again, don't forget to vote. Comment din po kayo. Hihihi. Thanks~ 😘

Im His Personal SlaveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon