Man Hater

2 1 0
                                    

Man Hater (shot)
by:miss_terii

Rayle's POV
Pagpasok ko sa room ng 10-A, bumungad agad saakin ang matinis na boses ng bakla kong best friend. I'm Rayle Cruz ang tinagurian "Man Hater" ng Klinton High. Galit ako sa mga lalaki ng dahil sa Papa ko, niloko ni Papa si Mama. Araw-araw umiiyak si Mama dahil hindi nya makayanan ang sakit na kanyang nararamdaman. Hanggang isang araw, pag-uwi galing sa school, nakita ko ang Mama ko na naka bulagta sa sahig at bumubula ang bibig. Grade 8 palang ako ng mga panahon na iyon. Kaya ng namatay si Mama, pinangako ko sa sarili ko na hinding-hindi ko na pagkakatiwalaan ang nga lalaki dahil pare-pareho lang silang manloloko. At nang ako'y grade 9 naging kaklase ko si Khale Santos, he's a gay. Noong una akala ko tunay na lalaki sya dahil sa kilos nya pero ng makatabi ko na sya sa upuan ay napakahinhin na talo pa ang babae sa kahinhinan. Laya ng medyo close na kami ay kinwento nya saakin ang buhay nya. Nung panahon na un sya ang unang lalaki na malapit saakin hanggang naging BFF ko sya.

FASTFORWARD

Nasa harap si Mrs. Castro para ipaalam saamin ang retreat namin next, next day, halos lahat ay excited. Ang iba ay nag-uusap tungkol kung ano ang mga gagawin nila pagkakarating sa retreat house habang kaming dalawa ni Khale ay tahimik lang at nakikinig sa mga usapan nila.

DAY OF THE RETREAT

Nasa harap na kami ng school at hinihintay ang bus na sasakyan namin. Halos lahat ay nandito na pero si Khale ay hindi ko makita. Nakaramdam ako ng tawag ng kalikasan kaya pumasom ako sa campus para mag-cr. Ang cr ay malapit sa library kaya medyo madilim dahil tuwing 7:30 a.m.lang nagbubukas ang library. Nang matapat ako sa library ay may biglang humila saakin at walang sabi sabi ay hinalikan ako na para bang uhaw sya sa halik ko. Hindi ko makayanan ang sensasyon kaya bumigay ako na tumugon sa halik nya. Para bang may kuryenteng bumabalot sa katawan ko. Nang marealize ko ang nangyayari ay humiwalay ako at tinignan kung sino man iyon pero pinagsisihan kong tumingin pa ako dahil mukha ni Khale ang nakkta ko. Napatakip nalang ako ng bibig at tunalikod sa kanya. Ang taong pinagkakatiwalaan ko ay isa din sa mga manlolokong lalaki. Hindi ako slow para hindi maisip na nagpapanggap lang sya bilang bakla para mapalapit saakin. Hindi pa man ako nakakahakbang ay naramdaman ko ang kamay nya na nakayakap saakin at inilapit nya ang bibig sa tenga ko.
      "Rayle wag mong lahatin ang mga lalaki bilang manloloko dahil nandito pa ako, seryoso sayo", mahinahong sabi ni Khale.
Hinarap ko sya at sinampal. Umagos na ang mga traydor kong luha habang nakatingin sa kanya.
          "Seryoso huh? Eh Anong tawag mo dyan sa pagpapanggap mo bilang bakla para mapalapit saakin huh? Diba panloloko din yan. Pare-pareho talaga kayo, mga manloloko", kahit garalgal ang boses ko ay sinikap kong sabihin sa kanya ang gusto kong sabihin. Tuluyan ko na syang iniwan sa library. Nawala ang pagtawag saakin ng kalikasan ng dahil sa nangyari.

Mula ng iwan ko si Khale sa library hanggang sa makarating kami sa retreat house ay hindi ko sya pinapansin. Araw-araw nagfaflashback saakin ang panlolokong gianawa nya.Isang taon nya akong naloko. Nakakainis lang dahil habang tumatagal ang pag iwas ko sa kanya ay parang may kumikirot sa puso ko. Parang may tumutulak saakin na kausapin sya at pabayaan ang nangyari.

Hanngang sa makauwi kami ay di ko parin sya pinapansin at kinakausap. Habang tumatagl ang pagiwas ko ay mas lalong lumalala ang pagkirot na nararamdaman ng puso ko kaya nang magkaroon ako ng pagkakataon ay mabilis ko syang niyakap at umiyak ng umiyak sa balikat nya.
             "Alam mo nakakainis ka. Bakit ganito?? Namiss kitang bakla ka", naramdaman ko nalang ang mga bisig nya na nakayakap din saakin.
             "Sorry Rayle kung nagawa ko man yun mahal kasi talaga kita", magkayakap pa rin kami, lalong umagos ang mga luha ko.
             "Bwiset ka, bakit mo ba ako ginaganito...Khale", kahit nag-aalangan ay kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya at deretsong tumingin sa mga mata nya.
             "Khale...mahal na din ata kita", nagulat ako ng may malambot na bagay ang nakalapat ngayon sa mga labi ko. Unti-unti itong gumagalaw.Napapikit nalang ako at tumugon sa matamis nyang halik.

Hindi naglaon, si RAYLE CRUZ na MAN HATER ay ngayon ang SWEET GIRLFRIEND ni KHALE SANTOS~~~~~

comment kayo kung gagawin ko syang long story. ~~~~

Man HaterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon