"Ang matimyas na sikat ng araw na nagpapaligaya sa matamlay na kaluluwa."
This was a part of young Kiel's first poem. Siya mismo ang gumawa nito when he was still in elementary school.
Sa tuwing binibigkas niya ang bawat saknong, taludtod, salita, at pantig ng tulang ito, iisang tao lang ang naalala niya; si Harley.
Una silang nagkakilala sa playground nang tinulungan ni Kiel si Harley noong nadapa siya.
Nagsimula ang lahat sa isang simpleng 'Tulungan na kita' hanggang sa naging magkaibigan sila. Napag-alaman niyang taga-probinsya si Harley at tuwing summer ay binibisita nila ng pamilya niya ang kanyang lolo at lola.
Kahit isang beses lang silang nagkikita sa isang taon, lumalik pa rin ang pagkakaibigan nila hanggang sa naging bestfriends sila.
Pero hindi lang bestfriend ang turing ni Kiel kay Harley sapagkat siya ang nagpapatibok ng puso ni Kiel.
You can never be friends with someone you just fell in love with; sabi nga ng karamihan.
Kaya naisipan niya na magtapat sa kanya sa pamamagitan ng paggawa ng tulang ito.
Tandang-tanda pa ni Kiel kung paano siya nautal habang binabasa ang tula para kay Harley. Pero mas natatandaan niya kung paano siya nginitian nito. Parang tumigil ang mundo ni Kiel.
Habang tinititigan niya ang dalagita, iisang tanong ang sumagi sa isip niya.
"Kakayanin ko bang hindi masilayang muli ang mga ngiti niya?"
Doon na-realize ni Kiel na mas mabuting manatili silang magkaibigan ni Harley kasi kung ipagtatapat niya ang nararamdaman niya para kay Harley, maaaring mawala ito sa kanya.
Maaaring mawala sa kanya ang babaeng minamahal niya.
At doon na umurong ang plano niya. Hindi niya sinabi kay Harley na para sa kanya ang tula. Hindi niya sinabing nahulog na siya sa kanya.
Dumaan ang mga araw at hindi na muling nakita ni Kiel si Harley. Ang ipinaalam lang nito sa kanya ay uuwi na siya pabalik ng probinsya.
Wala naman siyang mapagtanungan tungkol kay Harley kasi tanging pangalan lang nito ang alam niya.
Hinintay niya si Harley pero lumipas ang ilang mga taon, walang Harley ang nagpakita kay Kiel.
Hindi maiwasan ni Kiel na hindi manghinayang.
Hindi niya man lang nasabihan si Harley na mahal niya ito. Hindi man lang siya nakapagtapat dahil sa pagiging makasarili niya.
Unti-unting nawalan ng pag-asa si Kiel. Nawalan ng kulay ang mundo niya.
Pero nabuhayan siya ng loob nang makilala niya si Zana. At first sight pa lang, he is sure na si Zana ay si Harley; a hundred percent sure.
Little does he know na ang babaeng naaalala niya sa kanyang tula ay hindi na makaalala sa kanya.
Will Kiel be able to confess his love for Harley this time and make her remember him? Or will he remain as another stranger to her?
Samahan si Kiel as he helps Zana retrieve Her Forgotten Memory.
BINABASA MO ANG
Her Forgotten Memory // VSOO
RandomIsang pusong nagmamahal; isang utak na gustong makaalala. Makikiayon kaya ang tadhana sa kanila? ∆ Her Forgotten Memory Kim Taehyung × Kim Jisoo ••• DATE STARTED: 17/06/04 DATE FINISHED: - STATUS: ON-GOING